ANDREA POV PAGKAGISING niya wala na sa tabi niya si Ross. Wala pa rin siyang pasok ng araw na iyon, nagbabalak siyang ipasyal na lang mamaya si Ross sa Mall o kaya sa isang amusement park. Hmm, maliligo muna ako bago magluto. Kumuha na siya ng dalawang tuwalya saka dumiretso sa banyo sa may kusina. Habang naliligo, tumatakbo pa rin sa isip niya ang sinabi ni Papa Arturo. Ano nga ba magiging reaksyon ni Randall pag nalaman nito tungkol kay Ross? Haysss! Bakit ko ba pino-problema ang reaksyon nito? Kung ayaw nito tanggapin si Ross... e di don't ! Kung tanggpin naman nito.. hmm, e di mag co-parenting kami. Tsk ! Basic 'di ba? Kaso ibang usapan pag pinilit nito kunin sa kanya si Ross. Hindi siya papayag. Over my deàd beautiful body ! Nakatapis siya ng tuwalya sa katawan at may nakapulupot

