ANDREA POV PANAY ang kuha niya ng larawan habang naglalaro si Ross at Randall ng basketball. Hindi niya akalain na magaling pala maglaro ang anak niya. Maliksi ang bawat kilos nito, mabilis ang pagtakbo nito at mahusay ang paghawak ng bola. Halatang ganadong ganado si Ross na magpakitang gilas kay Randall. "Wow– ang galing mo pala maglaro," tuwang tuwa bigkas ni Randall kay Ross. "Lagi ko po pinapanuod sa Youtúbe mga laro nyo, Tito Randall–" masayang tugon naman ni Ross. Napabuntong hininga na lamang siya. Kahit saan anggulo niya tignan, parang pinagbiyak na bunga ang dalawa, idagdag pa na minana ni Ross ang kahiligan at galing ni Randall sa basketball. Sinong magsasabing hindi mag ama ang dalawa? Naghuhumiyaw ang genés ni Randall oh, tsk ! Matapos ang halos isang oras mahigit na pag

