ANDREA POV SA ISANG 24/7 convenience store siya dumiretso pagtapos ng shift niya. Alas tres'y medya na ng madaling araw, para kasing ayaw pa niya umuwi ng bahay. Matapos ang nangyari sagutan sa pagitan nila ni Randall kahapon, alam niyang sa mga susunod na araw ay pupunta ang binata sa kanila. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Ross ang lahat. Hindi niya alam kung anong magiging reaskyon nito, oras na malaman nito ang totoo. Napabuntong hininga siya, sabay inom ng kanyang ice coffee na binili niya at naupo sa isang bakanteng upuan sa labas ng convenience store. Pagod na pagod ang katawan niya subalit mas pagod ang utak niya sa kakaisip. Bakit ba bigla na lang niya inamin kay Randall? Damn him ! Kuhang kuha kasi nito ang inis niya kahapon. Tsk ! Mayamaya pa ay may dalawang mainit

