#22

1204 Words
ANDREA POV DAY OFF niya ng araw na iyon. May family day event sa school ni Ross kaya naroon sila mag-ina. "Ma, wala si Dada Tim?" tanong ni Ross habang may hawak itong bola. Nakasuot ito ng pulang basketball jersey short and shirt na may nakasulat sa likod na 'ANDERSON' at malaking number na '27' Kanina pinipilit niya itong magpalit ng damit subalit ayaw nito. Inorder daw nito iyon sa online. Jersey na kagaya ng idol daw nito. Masakit man sa mata pero hinayaan na lang niya kaysa magtampo ito. "Wala, Nak. Naka-duty si Dada Tim mo. Busy 'yon." Tumango-tango naman si Ross. Tahimik lang sila nakikinig habang may nagsasalita sa stage. "Good afternoon to everyone, to our dear students and our kind parents. Welcome to our Annual Family Day!" Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng school quadrangel. "And now, for our very special guest! He’s leading the charge for our games today—one of the true pioneers of the Basketball Youth Program in the country. Let’s all give a massive welcome to a man who brings immense Filipino pride to the world of sports. Our very own basketball superstar... none other than... Mr. Randall Anderson!" Dumagundong ang malalakas na hiyawan at palakpakan sa buong quadrangel. Habang siya, napakurap-kurap. Hindi niya akalain na naririto rin si Randall, at special guest pa ang hinayupák. Tsk. Dagli siyang napalingon kay Ross na nasa tabi niya. Ngiting-ngiti ito. Kumikislap ang mga matang nakatitig sa stage.. kay Randall mismo nakatutok ang mga mata ni Ross. Napahugot siya ng malalim na paghinga. "Mama, gusto kong magpa-autograph kay Idol Randall," nakangiting sambit nito saka tinaas ang hawak na bola. "Dito sa bola ako magpapa-sign, Ma." Napangiwi siya saka hinaplos ang buhok nito. "Ahhm, s-sige, Nak. Mamaya pag nakalapit tayo sa kanya." "Yehey !" masayang bulalas nito. Napakagat labi na lamang siya. Matapos mag-speech ang Principal at mga special guest ng school. Simulan na ang mga activities ng family day sa buong school. Unang bahagi ay nagkaroon ng Zumba or Warm Up Dance ang mga parents kasama ang mga kids. Nag-enjoy naman siya sa pagsasayaw, exercise na rin kumbaga. Ang sumunod ay nagkaroon ng iba't ibang skills station. Sumali si Ross sa larong 'dribble limbo' habang siya naman ay sumali sa larong 'shoot the hulahoop'. Nagsubok din silang mag-ina sa Photo booth, sumali sa cake raffle, nanuod ng Family Talent Show hanggang sa mag-lunch fellowship kung saan may mga libreng food na pinamimigay. "Alright, is everyone's belly full? Yeah? That’s what I like to hear! But don’t go anywhere because we’ve got one final game left! And get this—for our very last game, everyone who joins will get a golden chance to grab a photo and an autograph with our special guest, Mr. Randall Anderson! How awesome is that?! We’re calling on all the Daddies and kids who want to get in on the action for our grand finale—head over to the center right now! Let's go!" Dahil siya lang ang kasama ni Ross, hindi maipinta ang mukha nito. Halata rito na gusto nito sumali ngunit hindi naman pwede dahil...Daddies at kids lang ang pwede sa last game. Hinimas niya ito sa balikat. "I'm sorry, Nak– di tayo makasali sa last game," pabulong na sambit niya. "Gusto kong sumali, Ma–" nangingilid na ang mga luha nito sa mata. Ano bang gagawin niya? Sinisikap niyang maging mabuting Ina, kahit mahirap ang isang single mom ay pilit niyang kinakaya na ibigay ang lahat sa anak niya pero may kulang pa rin talaga... Ang hirap. Napasulyap siya sa stage banda. Sa dami ng tao, hindi talaga siya mapapansin ni Randall. Well, pabor sa kanya na hindi siya mapansin ng binata kaso.. muli siyang napasulyap kay Ross. Mahinang humihikbi na ito, habang nakatingin sa mga kaklase nito na may mga kasamang Daddy. "Sorry talaga, baby ko– Wag ka na umiyak hmm? Ahm, susubukan na lang natin makalapit kay Randall ha?" pang aalo niya sa anak. "Marami.. siyang.. bodyguard, Mama. T-Tapos, aalis na siya mayamaya. H-Hindi.. na.. ako.. makakalapit sa kanya.." utal-utal na sabi nito at patuloy pa rin sa pag iyak. Napabuntong hininga siya. Bakit ba sa dinami-dami ng sport na makakahiligan ng anak niya, bakit kailangan basketball pa?! Pwede naman tumbang preso? luksong baka? Kaloka naman ! Ilan saglit pa ay bigla tumayo si Ross sa kinauupuan nito at tumakbo sa kung saan parte ng school. Kinabahan siya kaya mabilis niyang sinundan ang anak ngunit nawala ito bigla. Napakamot siya sa ulo. Tsk – sinusumpong ito ! Pangalawa beses na niya ginawa ang ganitong tantrums. Nun una sa tuwing pinag uusapan kung bakit wala siyang 'Papa' at ngayon naman, di siya makasali sa laro dahil wala siyang 'Daddy'. Kailangan na ba niyang bigyan ng 'Papa' ang anak niya? Mukhang kailangan na niyang mag-boyfriend muna bago bigyan ng 'Papa' si Ross. Nagtungo siya sa building kung saan ang classroom ng anak. "R-Ross –!" tawag niya rito. "Anak–!" Palinga-linga siya. Saan ba nagpunta 'yon batang 'yon? Nag-CR kaya ito? Pumunta siya sa gawi kung saan ang restroom ng mga lalaki. Nakabukas konti ang pinto. "Nak–? Ross ?" pasimpleng sumilip siya sa pinto ng CR. Nahihiya siyang buksan iyon ng maluwang dahil baka may tao at mag isip pa ng kung ano. "R-Ross? Nandyan ka, Nak?" ulit na tanong niya. May naulinigan siyang may nag-flush sa loob ng CR. Dahan-dahan siyang pumasok. Tsk, bahala na. Walang tao, pero nang bumukas ang isang pinto ng cubicle. Napatili siya sa gulat, nabigla at nanlaki rin ang mga mata niya. Bumulandra sa harapan niya si Randall at isang maputing babae na teacher, base na rin sa suot nito uniform. Obviously, galing ang dalawa sa loob ng cubicle. Napaubo bigla ang babaeng teacher sabay ayos sa suot nito pencil cut na skirt, habang napatingin naman siya kay Randall na blanko ang mukha, na may konti smúg ng lipstick sa pisngi nito. Hindi siya manghuhula pero may ideya na siya sa kung anong ginagawa ng mga ito. Patay malisya na binuksan na lang niya ang ibang cubicle, nagbabakasakali na nandon si Ross. At hindi siya nagkamali, naroon nga si Ross sa pinakadulong cubicle. Nakaupo at umiiyak. Narinig niya ang pagsarado ng pinto ng CR. Hindi niya pinansin, baka lumabas na ang dalawang gumagawa ng milagro. Hayss, walang patawad, pati ba naman sa CR ? Tsk ! Umuklo siya. "Anak, 'wag ka na umiyak– kinabahan ako sayo, wag mo iiwan si Mama ng gano'n," paglalambing niya kay Ross na patuloy pa rin sa pag hikbi. "Anong nangyari sa ANAK mo?" Lumingon siya. Naroon pala sa likuran niya si Randall. Nakasandal sa pader at nakapamulsa na nakatunghay sa kanila mag-ina. Tumingin siya sa paligid.. Hmm, lumabas na siguro 'yon babaeng teacher / maharot. Pero bago pa siya makasagot. Tumingala si Ross. Kumurap-kurap saka biglang napatayo at mabilis na lumapit kay Randall. Yeah, literal na hinawi pa siya ng anak niya para makalapit sa binata. "Idol Randall –!" masayang sabi nito na kumikinang-kinang ang mga mata at walang kaabog-abog na yumakap sa beywang ng binata. Napamulagat siya sa ginawa ni Ross. Ayon– kitang kita ng dalawang mata niya na yakap-yakap ni Ross si Randall. Ohhh... shít !!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD