#21

1386 Words
ANDREA POV KINABUKASAN, maaga siya pumasok para maabutan si Timber sa hospital. Ngayon kasi ang unang araw nito kaya gusto niyang kulitin ang kaibigan. Nasa second floor ang OB-GYNE Office nito, sakto dahil wala ng mga pasyenteng nakaabang. Hindi naman nakasara ang pinto, kaya nang itutulak na sana niya ang pinto pabukas ay natigilan siya. May kausap si Timber, na pamilyar na pamilyar sa kanya ang boses. "So, anong balak mo sa PINSAN ko?–" Natulos siya sa kinatatayuan habang hawak hawak ang door knob. Bakit nandito si Randall? At bakit nagtatanong ito ng ganon kay Timber? "What do you mean, Anderson?" kalmado ang boses ni Timber, kahit di niya nakikita ang mukha nito. Nanatili lang siya roon sa labas, tahimik na nakikinig. "What I mean is, alam kong may relasyon kayo ni Andrea. Matagal na ba kayo? May anak na kayo? Kasi kung oo, bakit hindi pa kayo kasal? Wala ka bang balak pakasalan si Andrea? Seryoso ka ba talaga sa kanya?" sunod-sunod na tanong ni Randall. Nalukot ang noo niya. Ang kapal ng mukha nito, magtanong kay Timber ng ganon ha. Sino ba 'to sa inaakala nito? Magulang ko? Sirauló ! Narinig niyang mahinang natawa si Timber. "Anderson, kung ano man relasyon ang meron kami ni Andrea, labas ka na ron'. At saka, ano bang pakialam mo kung hindi pa kami kasal? Masaya kami ni Andrea, salamat sa concern, kung concern ka samin," tugon ni Timber. Hindi niya napigilan mapangiti dahil sa sarkastikong tugon ni Timber kay Randall. Dahan-dahan siyang umalis sa tabi ng pinto, baka bigla siyang makita roon ni Randall, malaman pa nito na nakikinig siya saka pasimpleng pumunta siya sa restroom saglit. Pagbalik niya sa office ni Timber, nagtatanggal na ito ng white coat. Wala na si Randall. "Uuwi ka na?" nakangiting tanong niya na kaagad naman lumingon si Timber. Gumanti ito ng ngiti. "Oh– you're here. Ang aga mo naman. Dadaan pa sana nga ako sainyo e." "Gusto ko kasing kumustahin ka sa first day mo rito at–" Biglang bumukas ang pinto. Isang nurse na naka-assign sa Out Patient Department. "Doc, pasensya na may isa pa po pasyente–" nakangiwi singit ng nurse. Kumunot ang noo at ilong ni Timber. "Sino? Anong last name?" anito sabay tingin sa mga papel na ibabaw ng table nito. "Alvarado po, Doc–" "Ito ba 'yon wala kanina pa? Panay tawag ako kanina pero wala lumalapit kaya akala ko umuwi na." "Kaya nga po, Doc e'. Ano po, pabalikin ko na lang po ba, Doc?" Umiling si Timber. "Sige, patawag na si Miss Alvarado." Naka-uniform naman na siya kaya gumilid na lamang siya. Lumingon si Timber sa kanya. "Okay lang ako rito. Kunwari, assistant mo ko–" nakangising sabi niya. Napapailing lang ito at hindi naman kumontra sa gusto niya. Curious kasi siya rito, biruin mo– basketball boy-next-door naging hearthrob OB-Gyne Doctor ito. Ibang klase ang transition ! Gusto niya makita kung paano ito mag-estima sa pasyente nito. Well, totoo naman na ang isang lalaking OB-Gyne ay kailangan ng assistant nurse, may ibang mga babaeng buntis o mga pasyente babae na naiilang sa mga lalaking OB-Gyne. Madalang kasi ang lalaki sa ganitong propesyon. Pumasok ang isang maputla, mahinhin na magandang babae. Mahaba ang buhok na hanggang beywang at nakausot ito ng kulay light blue dress. "G-Good Afternoon, Doc. Pasensya na po at–" nahihiya sabi nito sabay natigilan pagkakita kay Timber. Kumurap-kurap pa ito at tila kinabahan. Hmmm, magkakilala ba sila? Tumingin siya sa gawi ni Timber, seryoso ang mukha nito. Walang reaksyon man lang sa babaeng pasyente. Tinignan ni Timber ang papel ng pasyente. "Next time, Miss Alvarado. Make sure na maglaan ng maraming oras sa pag aantay. Maraming tao ang nagpapa-check up kaya mahaba ang pila. Ilan beses kong tinawag ang pangalan mo pero wala ka. Paano kung nakauwi na pala ako? Masasayang ang oras mo sa pagpunta rito sa hospital dahil kailangan mo bumalik uli." Mahinahon na paalala ni Timber, na kinatango-tango niya. Tama naman ang sinabi nito. Napayuko ang babae. "Opo, Doc. Pasensya na po, salamat din po pinagbigyan nyo pa po ako–" Tumango lang si Timber. "Anong ipapatingin mo? Ang nakalagay lang dito severe dysmenorrhea? Ano ano bang nararamdaman mo kada may menstruation ka?" casual na tanong nito. Napalunok ang babae. "Pag may regla po ako, Doc. Sobrang sakit po– pati likod, balakang at mga hita ko po. Madalas, nahihilo na po ako sa sobrang sakit. Nawawala lang po pag umiinom na po ako ng pain reliever." "Nakaka-ilan beses ka sa pag inom ng pain killers kada araw pag may regla ka?" "Sa maghapon po.. Uhm, dalawa o tatlo po." "Okay. I need to make a pelvic exam–" Nagtatakang napatingin sa kanya ang babae. Ngumiti siya sabay turo sa isang single size na kama sa gilid. "Tanggalin mo 'yon underwear mo at mahiga ka sa kama, Ma'm. Titignan ni Doc po," nakangiting sabi niya. Halatang napaisip ang babae pero tumalima rin at tumayo malapit sa kama. Inayos naman niya ang kurtina para makapagtanggal ito ng underwear. Nang makahiga na ito, inayos niya ang manipis na kumot para ilagay sa pang ibabang part ng katawan nito. Obvious na kinakabahan at naiilang ito. "Relax lang po, Ma'm," aniya sa babae saka hinarap si Timber na may sinusulat sa papel. "Ready na po siya, Doc–" Tumayo naman kaagad si Timber. Nagsuot ito ng facemask at surgical gloves saka pumuwesto na sa harapan ng pasyente, habang siya nasa gilid lang. "Spread your legs–" mahinang sambit ni Timber. Sinunod naman ng babae at umiwas ng tingin kay Timber. Umuklo si Timber upang sipatin ang 'loob' saka 'pinasok' ang kamay nito. Nagulat sila ng bigla tumili ang babae at napabalikwas ng upo sabay hawak sa braso ni Timber na tila pinipigilan. "Hindi ka po ba séxually active, Miss Alvarado?" Napalunok ng laway ang babae at umiling-iling na madiin. "H-Hindi po, Doc. Pasensya na po. Na..Nabigla lang po ako–" nauutal na sabi ng babae. Napalabi siya at nagpipigil na mapangiti. Ayaw niyang maging awkward lalo ang babaeng pasyente. "Kung naiilang ka sakin dahil lalaki ako. Pwede kang magpakonsulta sa ibang OB-Gyne at bumalik bukas para–" "H-Hindi po. Okay na po ako. Nabigla lang po talaga ako. Sorry po, Doc." "Alright– spread your legs again." NASA isang Coffee Shop sila ngayon ni Timber. Nakapag-out na ito kaya naman nagkape muna sila. Mamaya pa naman 6PM ang duty niya. "Alam mo bang sa hospital naka-admit si Randall?" kapagkuwa'y tanong ni Timber. Sumimsim muna siya ng kaniyang malamig na Ice Coffee bago tumango. "Nagkausap na ba kayo?" Tumango uli siya. Nasa bibig pa rin niya ang straw, dina-dahan-dahan niya ang pag inom. "Anong pinag usapan nyo? Okay lang magsalita, Eya. Nagmumukha akong tanga rito e–" tinignan siya ng masama ni Timber na ikinatawa naman niya. "Sagutin mo muna ang tanong ko." "Ano?" "Kilala mo 'yon huling pasyente mo kanina no'?" Naging 'flat look' ang tingin nito sa kanya. Napangiti siya uli. May kutob kasi siyang magkakilala ang mga ito. "Just old schoolmate–" simpleng sagot nito. Ito naman ang uminom ng kape. "Hmm, sabi na e." "Usisera ka. Bakit mo ba natanong?" Nagkibit balikat siya. "Nakita kitang kumislap ang mga mata mo ng sinabi ng pasyente mo na hindi siya séxually active at parang nag-blush ka ng mag-handshake kayo pagkaalis niya. You know– hindi naman kailangan ng handshake e." May halong panghihibo sabi niya. "Gano'n sa.. Amerika. Wag ka ngang malisyosa. Sagutin mo na ang tanong ko. Anong pinag usapan nyo ni Randall?" "Wala naman. Gusto lang niya kong kunin private nurse niya." "At pumayag ka?" "The heck? Of course not ! Bat ako papayag? What for? Hindi naman kami magkaano-ano, kaya wala na ko pakialam sa kanya o sa pamilya niya." "Talaga? Ayoko lang malaman-laman na tatanga-tanga ka na naman ha. Isipin mo si Ross, lahat ng hirap mo, lahat ng pawis at luhang nadanas mo." "Alam ko po !" pinandilatan niya ito. "Good. Para klaro–" "Kaso...may isang problema." "Ano?" bakas ang pag aalala sa mukha ni Timber. "Si Ross. Sumali sa Basketball Youth Program dahil idol nya si Randall Anderson," nakangiwing sabi niya. "What the f**k?" di makapaniwala bulalas ni Timber. Yeah, what the f**k talaga 'di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD