#20

1084 Words
ANDREA POV "EMERGENCY !" Malakas na sigaw ng kung sino sa labas ng hospital. May matandang lalaki na inaatake sa puso ang isinugod sa emergency room. Napatingin siya kay Julie at Kevin na parang umiiwas na ewan. Pinandilatan niya ng mga mata si Kevin. "ECG, please–" diin na sabi niya habang kinukuhaan ng vital sign ang pasyente. Ilan sandali pa ay dumating na rin ang ER Doctor at inestima na ang pasyente. Nakaalalay lang siya sa ano man ang sabihin o ipautos ng doktor sa kanya. Mayamaya pa ay naging stable na ang paghinga ng pasyente, nabigyan na rin ng gamot. Nilapitan niya si Kevin na kakatapos lang icheck ang ECG result ng pasyente. "Anong attitude mo kanina, bakla?" sita niya. "Nakakainis kasi 'yon anak na kasama ng pasyente– buhatin ko daw? E mas malaki pa siya kesa sakin sana siya na lang bumuhat sa Tatay niya. Gawin kong scramble egg ang itlog niya e, tsk !" Napailing siya. "Kahit na– be professional pa rin. Hindi naman pwedeng kada maiinis ka, hindi mo na papansinin ang pasyente. Trabaho natin 'to, FYI," seryosong sabi niya. Sumabat naman si Julie. "Ang seryoso mo naman masyado, Eya. Kunsabagay, balita nga namin... ikaw raw ang kukunin private nurse ni Randall Anderson. Swerte mo naman, girl–" may halong sarcastic na tono nito. "Mapapalapit ka kay Randall Anderson, mahahawakan mo siya tapos dodoble pa ang sahod mo. Iba ka talaga." Tumango tango naman si Kevin. "Nakakainggit ka, Eya–" Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Julie. Wala siyang kaide-ideya sa mga sinasabi nito. Siya? Kukunin private nurse ni Randall? Paano? Bakit? Damn ! "S-Sino nagsabi sainyo nyan?" may inis na tanong niya sa dalawa. "Si Head Nurse Janet. Ask mo siya–" pataray na tugon ni Julie sabay inismiran siya. Hindi na siya nagsayang ng oras, pinuntahan niya agad ang kanilang head nurse upang alamin ang totoo. Sa dami-daming nurse, bakit siya pa? Hindi naman siya nagpe-presinta, at saka hangga't maaari ayaw niyang makita o makausap ang binata. Nakita niya agad sa Nurse station si Nurse Janet. Ang Head Nurse nila. "Miss Janet–" tawag niya rito. Paglingon nito sa gawi niya. Kasing lapad ng plywood ang ngiti nito sa kanya. "Oh, Nurse Eya. Sakto ang dating mo, kakausapin kita sana na–" "–Ayokong maging private nurse ni Mr. Anderson," mabilis na singit niya. Nagtataka naman napatitig si Nurse Janet sa kanya. "Bakit ayaw mo?" "Hindi po ako interesado. At saka po, hindi naman po ako nagpresinta maging private nurse. Ayoko ho." "E, ikaw kasi ang pinili mismo ni Mr. Anderson. Itatanong ko pa lang nga sana sayo kung totoo bang magpinsan kayo? Sabi niya kasi.. pinsan ka niya." Napahugot siya ng malalim na paghinga. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Randall na nandito sya nagta-trabaho pero bakit kailangan pa nito ng private nurse? Naputulan ba 'to ng paa? Galing sa coma? Stroke? Nababaliw na yata ang lalaki 'yon ! Nabalian lang ito ng buto sa braso pero hindi ito imbalido. Piste ! "Hindi po. Hindi po kami magpinsan. With due all respect po, iba na lang po. May anak po ako na kailangan kong bigyan ng atensyon at oras. Hindi ko na po kayang kumuha ng extra job at mas lalong hindi po kailangan ng extra money. Sa iba nyo na lang po ialok kung naghahanap po si Mr. Anderson ng private nurse," walang emosyon na paliwanag niya kay Nurse Janet. "Ah.. Eh.. sige, Eya. Sasabihin ko kay Mr. Anderson na ayaw mo at–" "Long time no see, COUSIN–" Nahinto sa pagsasalita si Nurse Janet dahil sa pamilyar na boses mula sa likuran niya na nagsalita. Dagli siyang napalingon. Yeah, tama. Naroon ngayon sa harapan niya ang kahuli-huliang tao na nanaisin niyang makita uli. Si Randall. Sa loob ng sampo taon, masasabi niyang ang daming pinagbago sa physical appearance nito. Alam niyang matangkad ito pero parang mas lalong tumaas ito. Nag-matured ang itsura nito, may konting stubble at beard na bumagay naman rito. Mas naging manly ito tignan. Strong jawline and broad chin. Very masculine. Very attractive. At ang build ng katawan, hindi kataka-taka na maraming babaeng nagkakandarapa rito. Literal na.. makalaglag panty ang isang Randall Anderson. But not her, hindi na siya teenager, na basta na lang magbababa ng panty at ibubuká ang bulaklak. Blanko ang mukha na hinarap niya ito. "Hello, Mr. Anderson. I'm so sorry, I don't want to be your private nurse. Find someone else." Nakasuot ng itim na jogger pants at white tshirt ito. Naka-cast pa rin ang kanang braso nito. Matiim itong nakatingin sa kanya. "Kumusta ka na?" kapagkuwa'y tanong ni Randall. What duh?! Seryoso magkakamustahan sila? Hindi ba nito narinig ang sinabi niya? Napataas ang kilay niya subalit bago pa siya nakapagsalita, naunahan na siya nito. "Hindi ko akalain na makikita kita rito sa hospital. Masaya akong makita ka uli, Andrea–" nakangiting sabi nito. May mga impit na tili siyang narinig mula sa nurse station. Napahugot siya ng malalim na paghinga. "Likewise, Randall. Pero, pasensya ka na. Ayoko pa rin maging private nurse mo. Iba na lang kunin mo," tinatamad na sabi niya. Kumunot noo ito. "Bakit? Gusto ko rin sana magkamustahan tayo habang nandito ako sa Pilipinas e. Oh, kung gusto mo, triplehin ko ang isang buwan na sahod mo para naman–" "–Nope. Thank you. Okay ako. Hindi ko kailangan ng extra income," giit niya. "Bakit ? Uhm, galit ka ba sakin, Andrea? Wala kasi akong maisip na dahilan para umayaw ka sa alok ko. Gusto ko lang–" Oo nga pala, wala nga palang ideya si Randall sa sitwasyon ko noon. Wala itong ideya sa lahat ng pasakit at hirap na dinanas niya dahil rito. Wala itong kaalam-alam. Umiling ako. "M-Marami akong rason, Randall. Una, may anak at pamilya ako na nag aantay sakin kada out ko, inaasikaso ko sila, ayokong mahati ang oras at atensyon ko. Pangalawa, gusto mo kumustahan? Nakikita mo naman– maayos ako. Pangatlo, hindi ako interesado magkaroon ng extra income, di ko kailangan. Okay ang sahod ko. Salamat sa offer. Kaya pasensya na, get well soon na lang sayo. Sige, aalis na ako.. may gagawin pa ko sa ER." Diretsahan sabi niya na seryosong seryoso ang mukha. Nagpaalam na rin siya kay Nurse Janet at walang lingon-lingon na bumalik sa ER. Anong akala nito, papayag siya agad agad? para lang makipag kumustahan? Tsk.. Ano siya baliw para gawin 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD