RANDALL POV
KUMUNOT ang noo niya dahil sa sinabi ng kanyang Manager. Hindi pa daw siya pwede lumabas ng hospital. Napailing siya. Bored na bored na siya dahil tatlong araw na siya naka-confined. Maayos naman ang naging operasyon sa kanang braso niya, matapos siyang maaksidente habang nakikipaglaro ng basketball sa Youth Program na pinangungunahan niya.
"One to three weeks ang pahinga, Randall. Kailangan mo pa ng physical therapy para bumalik sa ayos ang braso mo–" wika ng kanyang Manager.
Napabuga siya ng malalim na paghinga.
"Fine. Whatever–" labag man sa loob ay sumang-ayon na lang siya.
"Good. Tumawag nga pala, Mommy mo. Sinabi ko okay ka na."
Hindi siya kumibo. He's 29 years old now hanggang ngayon, todo bantay pa rin sa kanya si Mommy. Lahat pinapansin nito, ultimo mga babaeng nakaka-date niya, dapat pasado rito kaya kung minsan naglilihim na lang siya kay Mommy para hindi ito makialam.
Tutol si Mommy sa Basketball Youth Program na naisip niya. Ayaw na ayaw nito bumalik siya ng Pilipinas, wala naman itong sinasabing dahilan sa kanya kung bakit pero ramdam niyang may tinatago ito.
Gayunman, pinilit pa rin niyang ituloy ang advocacy na makatulong sa mga batang pinoy na may pangarap na maging basketball player.
"Kumusta ang mga scholar?" kapagkuwa'y tanong niya sa Manager niya. "Nakapili na ba uli para sa batch two?"
"Oo, nakapili na. Kaya magpagaling ka para naman makita ka nila."
Tumango tango siya. Nais niyang makatulong sa mga batang may pangarap na makapaglaro ng basketball, mabigyan ang mga ito ng pag asa. Scholarship na libreng pag aaral, allowance at proper training para sa mga batang manlalaro.
"Nga pala, tumawag pala non isang araw 'yon private investigator mo. Tungkol sa Uncle mo? Tama ba?"
Mabilis siyang napaayos ng upo sa hospital bed na kinahihigaan niya. Kumuha kasi siya ng Private Investigator para hanapin ang Uncle Manny niya. Ilan taon na kasi wala silang balita rito mula ng mag-migrate sila sa Canada.
"A-Ano raw sabi? Nakita ba niya ang Uncle ko?" napalunok siya ng laway.
Meron siyang nais malaman. Gusto niyang malaman kung saan ito pati na rin... ang pinsan niya. Si Andrea.
"Ang sabi ng private investigator, sampo taon na daw patay ang Uncle Manny mo. May pinasa din siya mga pictures kung saan ito nakalibing–"
What the heck? 10 years ago na ? Wala man lang sila balita. Alam kaya ni Mommy?
"W-Wala bang sinabi tungkol sa anak ng Uncle ko? I mean– sa pinsan ko?"
"Wala naman sinabi. Tatawag daw siya bukas para makausap ka."
Tumango tango siya. Nabigla siya sa balitang iyon, hindi niya inaasahan. Napabuntong hininga na lamang siya.
"Iwanan mo muna ako. Matutulog ako–" biglang sabi niya sa Manager niya.
Ilan sandali pa ay iniwanan na rin siya ng Manager niya. May kailangan din itong kausapin para sa events na gaganapin para sa Basketball Youth Program. Umayos siya ng higa habang nakatulala.
Ano na bang nangyari kay Andrea? Nasaan na kaya ito? Napahugot siya ng malalim na paghinga. Sana okay lang ang dalaga.
Matapos niyang umidlip, napansin niyang madilim na sa labas. Nakabukas kasi ang bintana sa VIP room ng hospital. Mayamaya ay may pumasok na isang nurse, aalisin na raw ang suwero sa kaliwang kamay niya.
"Thank you–" bigkas niya.
Matamis na ngumiti ang nurse.
"Ahm, Sir– okay lang po ba pa-autograph?" nahihiyang sabi ng nurse sabay abot sa kanya ang A4 size na picture niya.
Mahinang natawa siya at tumango.
"Sure–" mabilis niyang pinirmahan iyon hanggang sa umalis na ang nurse na may ngiti sa mga labi.
Hindi na bago sa kanya ang ganon bagay. Sa loob ng maraming taon, sanay na sanay na siya sa kaliwa't kanan nagpapa-picture at autograph sa kanya. Mula nang naging NBA Player siya, naging mabilis ang pagbulusok ng kasikatan niya.
Naisip niyang tumayo at lumabas ng VIP room. Wala naman na siguro tao ngayon sa hospital dahil madaling araw na. Kahit nakasuot ng hospital gown ay pinilit pa rin niya maglakad lakad. Ilan araw na rin kasi siyang nakahiga, para naman ma-exercise ang mga paa at binti niya.
Mula third floor ay bumaba siya patungo sa first floor ng hospital. Hindi naman siya nahirapan sa pagbaba sa hagdanan, basta hindi lang mapuwersa ang kanang braso niya na may cast.
Pagdating sa first floor, tama ang hinala niya. Wala masyadong tao, may iilan tao na nakaupo sa tapat ng Information Desk na tila may inaantay, may iilan tao din na nakahiga sa waiting area.
Pasimpleng naupo siya sa waiting area na malapit sa entrance ng hospital. May TV roon na may pelikulang palabas. Kailan ba huling nanuod siya ng Filipino Movie? Ang tagal na rin... biglang sumagi sa isip niya si Andrea. Ito ang madalas na kasama niya tuwing manunuod sila sa sinehan sa Mall.
"Mama – !"
Napukaw ang atensiyon niya sa batang lalaking tumakbo papasok ng hospital. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa sinalubong ito ng isang pamilyar na babae na isang nurse. Parang nag-slow motion ang lahat habang pinagmamasdan ang babae na nakangiti at niyakap ang batang lalaki.
"Mama !"
"Ba't nandito ka? Sino kasama mo?" takang-taka sabi ng babae sa anak nito.
"Sinusundo ka namin.. ni Dada Tim !" masayang sabi ng batang lalaki.
Mayamaya, pumasok sa entrance ang isang pamilyar na lalaki at lumapit sa mag-ina.
"Hey– out mo na? Hinantay ka talaga namin. Uwi na tayo?" nakangiting sabi ng lalaki.
Naiiling naman ang babae at ginulo ang buhok ng batang lalaki. "Yup, out ko na. Grabe, ginulat nyo ko ah. At ikaw naman–" umuklo ang babae upang magpantay sa batang lalaki. "– wag mo sanayin ang pagpupuyat ha. Not healthy."
"Minsan lang naman, Mama. At saka– wala naman pasok bukas, kaya sinundo ka namin ni Dada Tim."
Tumayo na ang babae at humarap sa lalaki. "Uwi na tayo.. kayo talaga–" marahan hinampas nito sa balikat ang lalaking kaharap.
Kumurap-kurap siya. Si Andrea ang nurse na iyon. Hindi siya maaaring magkamali, idagdag pa na ang lalaking kasama nito ay .. si Timber Garcia. Ang kasamahan niya dati sa basketball sa UST. At ang batang lalaki.... ay anak ng dalawa?
Nakita niyang sabay-sabay na lumabas ng hospital ang tatlo. Napapagitnaan ng mga ito ang batang lalaki na tingin niya ay pito o walong taon gulang na. Tumayo siya at sinilip ang mga ito, pasimpleng tinanaw niya ang mga ito hanggang sa sumakay ang mga ito sa puting kotse.
Matagal na niyang iniisip kung kumusta na ba ang dalaga o ano na ba ang nangyari rito. Ngayon alam na niya. Of course, sa ilang taon na nakalipas. Hindi naman imposible magkaroon na ito ng asawa't anak... ng sariling pamilya. Ngunit, hindi niya sukat akalain na ang dating kaibigan pa niya ang napangasawa ni Andrea.
Malalim lang siyang napahinga at walang buhay na bumalik sa VIP room niya. Hindi ba dapat matuwa siya dahil maayos ang buhay nito? Pero bakit parang mabigat ang pakiramdam niya sa nalaman may pamilya na ito?
Kumuyom ang kamao niya. Gusto niyang makausap ang dalaga... kahit sa .. isang pagkakataon lang. Tama, kailangan niyang makausap ito. Bahala na. Sasamantalahin niya ang pagkakataon habang naririto siya sa Pilipinas... tutal dito sa hospital naman ito nagta-trabaho.
Isang beses lang.. Closure lang.. Tapos.. Okay na ko. Gusto ko lang makausap siya.