#18

1087 Words
ANDREA POV ISANG ORAS na ang nakalipas ng umalis na si Timber sa bahay nila. Nakipaglaro ito saglit kay Ross ng NBA online games, at kumain ng dinner kasama nila. Naghuhugas siya ng plato ng lapitan siya ni Papa Arturo. "Narinig ko ang pag uusap nyo ni Timber. Tingin ko di naman masama kung kayong dalawa ang magkakatuluyan–" Nalukot ang mukha niya. "Pa-! Wala pa sa isip ko ang pag aasawa. Ayoko muna. Gusto ko lang mag-focus sa anak ko at sa trabaho," mariin sabi niya. "Malapit ka na mag 29, si Ross malaki na rin naman. Hindi naman habang buhay kasama nyo ako, mas mapapalagay ako kung meron mag aalaga sainyo dalawa ng anak mo pagdating ng panahon," mahinahon sabi ni Papa. Nang mamatay si Tatay Manny, hindi niya inisip na may magandang mangyayari pa sa buhay niya. Dumating si Arturo Manalo isang araw sa bahay nila sa probinsya. Nagpakilala itong Ama niya, nun una ay hindi niya ito pinaniwalaan. Subalit nagpakita ito ng mga larawan na magkasama ito at si Nanay Ana habang hawak siya na sanggol pa lang. Sinabi nito na dati niyang ka-live in partner ang kaniyang Nanay Ana. Hindi naging maganda ang pagsasama nila dahil sa naging babaero siya. Naghiwalay ito at ang Nanay Ana niya. Nagtrabaho ito sa barko hanggang sa nabalitaan nito ikinasal na si Nanay Ana kay Tatay Manny niya. Gulong gulo ang isip niya ng mga sandaling iyon pero nangako naman ito sa kanya na tutulungan siya upang makabawi ito sa mga pagkukulang nito sa kanya. Inamin nito na matagal na siyang hinahanap nito. Alam nito na patày na si Nanay Ana kaya gusto talaga nito makita at makaharap siya. Nagkataon lang na namatày na rin si Tatay Manny ng malaman nito kung nasaan siya. Nagdadalawang isip man subalit hindi na siya nagalit rito, tinanggap niya ito. At kagaya ng sinabi nito, binayaran nito ang mga utang niya at pinagamot nito si Ross. Dinala rin siya nito kasama si Ross pabalik sa Maynila upang tumira sa bahay nito habang bumalik ito muli sa pagta-trabaho sa barko. Sa tulong ni Papa Arturo, nagkaroon siya ng pag asa. Nakapag aral siya uli. Nursing ang kinuha niya, dahil nga sakitin si Ross. Sa tulong ng isang yaya kaya siya nakapag aral ng walang kahirap-hirap hanggang sa makatapos siya at maging isang ganap na Registered Nurse. Kaya nag-retiro na rin si Papa Arturo sa pagta-trabaho, siya naman ngayon ang babawi rito. "Umaasa ka pa ba sa totoong Ama ni Ross?" Napahinto siya sa paghuhugas saka napasulyap kay Ross na gumagawa ng assignment sa may sala. "Nabalitaan kong nandito sa Pilipinas ang lalaking 'yon," anito at kumuha ng malamig na tubig mula sa ref. "Tutal– hindi naman talaga kayo magpin–" "Wala na ho akong pakialam sa kanya, Pa. At saka, hindi rin naman niya alam ang tungkol kay Ross. Wala rin akong balak ipaalam pa. Kayo na rin ho ang nagsabi... hindi kami magkaano-ano, kaya ayoko na rin pong magkaroon ng kahit anong ugnayan sa pamilya nila," giit niya. Ano naman kung nalaman niyang hindi pala sila tunay na magpinsan? Aasa siya na baka pwede pa sila uli? No way! Tapos na ang gaga'han niya, tapos na ang kabaliwan niya sa lalaking 'yon. Matagal ng tapos ang lahat sa kanila. Sa dami ng masasakit at masasamang pangyayari sa buhay niya, na nalampasan niya. Wala ng lugar sa puso niya ang lalaking 'yon. Hindi na kailangan ni Ross makilala ito. Hindi na, okay na sila. Napabuntong hininga si Papa Arturo. Hinawakan siya nito sa buhok at simpleng ngumiti. "Hindi naman kita pinipilit mag asawa, Anak. Gusto ko lang din makitang masaya ka." Lumamlam ang mga mata niya. "Masaya ako, Papa. Masaya ako na nakilala kita. Nagkasama tayo. Nakasama ka namin ni Ross. Masaya ako na maayos na ang anak ko, walang sakit, maayos ang trabaho ko, basta masaya ako sa lahat ng bagay na meron ako ngayon–" "Salamat, Anak. Masaya rin naman ako na kasama ko kayo ng apo ko. Marami man akong naging pagkukulang, at least hinayaan mo akong makabawi sayo." "Bawing bawi ka na, Papa. Sobra sobra pa. Kung hindi dahil sayo, di ko alam kung nasaan kami ngayon ni Ross. Kaya.. maraming salamat sayo, Pa." Niyakap niya si Papa Arturo at gumanti rin ito ng yakap. Mayamaya napasigaw nang malakas si Ross na ikinagulat niya at si Papa. "Anong nangyari, Anak?" "Bakit ka napasigaw, Apo?" Sabay pa silang lumapit kay Ross na nasa salas. "Mama, look oh–" may ipinakita ito sa kanya sa tablet na gamit nito. Isang form iyon. Kunot noo napatingin siya kay Ross. May problema kaya ito sa assignment? "Para saan ba 'yan, Anak?" "Nagpasa ako ng application form sa school, Ma. Tapos isa ako sa mga napili–" abot tenga ang ngiti ni Ross. "Napili saan, Apo?" "Loloy, napili ako scholar sa Basketball Youth Program !" halos mapatalon sa tuwa si Ross. "Sa wakas, mami-meet and greet ko na 'yon favorite NBA player ko." Habang siya nag-loading yata ang utak niya. Basketball Youth Program? Ayaw pang mag-sink in sa utak niya ang sinabi ni Ross. Hindi niya alam na nahihilig ito sa basketball. Ang akala niya online games lang ang trip nito. "Bakit, Apo... Sino ba ang paborito mong NBA Player?" "Si Randall Anderson po !" masayang hiyaw ni Ross. Para siyang matutumba sa kinatatayuan niya dahil sa sinabi ni Ross. Grabe naman mag biro si Lord, bakit kailangan ang lalaking iyon pa? bakit kailangan mahilig din sa basketball si Ross? Nagkatinginan sila ni Papa. Napakamot siya sa noo at naupo sa tabi ni Ross. "Anak, bakit ka pa sumali diyan? Okay naman ang work ni Mama, kaya naman bayaran ni Mama at ni Loloy ang mga school fees mo 'di ba?" mahinahon na wika niya kahit parang pipiyok na ang boses niya. "Hindi, Ma. It's not about the free tuition or the student allowance that they offered. Gusto ko lang talaga makakita ng NBA Player– At saka, Ma. Some of my classmates told me na kahawig ko daw si Randall Anderson," pabibong sabi pa ni Ross. Totoo naman na malaki ang pagkakahawig nito kay Randall pero hindi niya pa rin sukat akalain na aabot sila sa ganito. Napahugot siya ng hininga. Paano ba ang gagawin niya para makumbinsi ito wag na sumali sa program na 'yon? Bakit ba kasi kailangan pang bumalik ng lalaking iyon sa Pilipinas?! Nanahimik na lang sana ito sa ibang bansa para tahimik din ang buhay nilang mag ina. Bwiset !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD