#17

1357 Words
ANDREA POV 10 YEARS LATER ... "ANGA GWAPO NIYA sobra–" eksaheradong sabi ni Julie. Isa sa mga ER Nurse. "Nawala 'yon puyat at pagod ko ng makita ko siya," abot tenga ngiti dugtong pa nito. "Ano nga pangalan ng team niya sa ibang bansa?" curious na tanong naman ni Kevin. Ang baklang ER Nurse din. "Parang Toronto Raptors yata?" singit naman ni Jenika. Ang mahinhin na Radiology nurse. "Buti pa si Nika– nakita na niya ang mala-Greek God body ni Randall Anderson. Sampal ka sakin bente pag inagaw mo siya sakin," birong sabi ni Kevin kay Jenika. Randall Anderson? Kailan ba niya huling narinig ang pangalan iyon? Napakatagal na rin. Hindi niya akalain na babalik pa ito ng Pilipinas, ang masaklap pa dito pa yata sa Makati Medical Center naka-admit ang lalaki dahil nagkaroon ito ng Youth Basketball Program sa bansa at naaksidente ang kanang braso nito habang naglalaro. Sa mga nakalipas na taon, naging laman palagi ito ng sport news. Naging instant basketball superstar ito. Kaliwa't kanan ang mga offer ng iba't ibang team sa bansa ngunit nag-decide itong mag aral sa Canada at doon na nito pinagpatuloy ang pangarap na maging sikat na basketball player. Hindi naman ito nabigo dahil napasama ito sa isang kilalang NBA team ang Toronto Raptors. At ngayon, nagsusulong ito ng Basketball Youth Program para sa mga kabataan gusto rin maging basketball player. "Ikaw, Eya– nakita mo ba ng personal si Randall Anderson?" kapagkuwa'y tanong ni Julie sa kanya. Napalingon siya sa mga katrabaho. Umiling siya. "Hindi ko naman siya kilala. At saka.. may pasyente ako kanina," saad niya at pinagpatuloy ang pagche-check sa hawak niyang data sheet. "Naku, wala 'yan si Eya– di mahilig sa basketball 'yan. Pusoy dos lang alam niyang sport," pabibiro ni Kevin na ikinatawa naman nila Julie at Jenika. Napailing na lang siya sabay tingin sa suot niya relo. Alas tres na ng madaling araw. "Out ko na. Maiwan ko na kayo–" 6PM to 3AM kasi ang pasok niya. Kailangan na niya umuwi agad. Lumabas na agad siya ng Emergency room pagkakuha ng bag niya. Nagsuot na lang siya ng hoodie, tinatamad na siya magpalit pa ng damit. Patawid na siya sa kabilang side ng kalsada upang mag abang ng jeep. Habang nag aabang, napatingala siya sa mataas na building ng hospital. Limang taon na rin siyang nagta-trabaho roon. Napakabilis ng panahon. Napahugot siya ng malalim na hininga. Nang may humintong jeep ay sumakay siya kaagad. Sa Brgy. Tejeros siya ngayon nakatira kasama ang kaniyang biological father. Pagkapasok sa isang simpleng bungalow na bahay. Naabutan niya ang siyam na taon gulang na anak na si Andrei Ross na natutulog sa mahabang sofa. Napangiti siya. Nakatulugan na nito ang pag aantay sa kanya. Hinubad na niya ang suot na hoodie at nagpalit ng damit. Tinabihan niya ang anak sa sofa, iidlip na muna siya dahil mamaya kailangan niyang gumising uli para asikasuhin ang anak sa pagpasok sa eskwela. Pagkamulat niya ng mga mata, maliwanag na. Kita na niya ang sinag ng araw galing sa bintana. Napabalikwas siya ng bangon saka inayos ang magulong buhok. Wala na si Ross. Nakapasok na. Binasa niya ang maliit na notes na nakalagay sa dining table. Ma. Morning. Pumasok na po ako. Kumain ako bread and egg. Kumuha po ako sa wallet mo po ng 100 para pamasahe at baon ko. Bye, loveyou po. Napatitig siya sa notes. Hindi na pala baby ang baby niya. Malaki na si Ross at mabilis itong matuto sa gawain bahay. Nasanay na rin itong gumising ng kusa, mag luto at pumasok ng mag isa. Mula kasi nang magtrabaho siya bilang nurse sa hospital, iba iba palagi ang oras ng pasok niya kaya kung minsan naiiwanan niya si Ross mag isa. Maaga niya itong tinuruan kung paano asikasuhin ang sarili at ang bahay, kung sakali wala siya sa bahay. Mayamaya ay nakarinig siya ng doorbell mula sa gate. Mabilis niyang tinungo ang gate, naroon nakatayo sa labas ang matalik niyang kaibigan. Napangiti siya. "Hello, bestfriend ! Kumusta na?" masayang bati ni Timber sa kanya. Never silang nawalan ng contact ni Timber. Mula ng magpatulong siya rito para makauwi sa probinsya. Ang binata na ang naging takbuhan niya kada may problema siya. Nang malaman ni Tatay Manny na buntis siya, inakala nito si Timber ang Ama ng pinagbubuntis niya. Sa una hindi matanggap ni Tatay Manny ang naging sitwasyon niya. Kalaunan wala naman itong nagawa kun'di tanggapin siya at ang pinagbubuntis niya. Pinilit pa nito ipakasal siya kay Timber subalit inamin niyang hindi si Timber ang nakabuntis sa kanya. Masakit man pero kailangan niyang sabihin kay Tatay Manny ang totoo. Inamin niyang si Randall ang totoong nakabuntis sa kanya. Masyado itong nagulat at nagalit, kaya sumugod si Tatay Manny sa Maynila upang kausapin sina Tita Melissa at Tito Rafael ngunit huli na.. nakaalis na ang mga ito patungo Canada. Naging sanhi iyon ng inatake sa puso si Tatay Manny. Nagkaroon ito ng mild stroke kaya naging mahirap din sa kalagayan niya ang nangyari. Inaalagan niya si Tatay Manny kahit buntis siya. Nanganak siya sa Lying-In sa probinsya, ilan buwan lang ang lumipas, inatake uli sa puso si Tatay Manny. Naisugod pa ito sa hospital subalit binawian din ito ng buhay. Pakiramdam niya pinagbagsakan siya ng langit at lupa sa mga nangyayari. Idagdag pa na naging sakitin din si Ross noon. Ang hirap hirap para sa kanya tanggapin ang sinapit. Nawalan siya ng pag asa makapag aral, nagkaroon siya ng mabigat na responsibilidad, nawalan ng magulang tapos patong patong na utang dahil sa pabalik-balik sila ni Ross sa hospital. Habang ang taong naging dahilan ng paghihirap niya, nagpapakasaya at nagpapakasarap sa kasikatan tinatamo nito. Buong akala niya, hanggang doon na lang ang buhay niya, na hindi na siya makakaahon sa paghihirap na dinadanas. "Paano nalaman dito na ako nakatira?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumisi ito. "Wala hinuluan ko lang–" Naningkit ang mga mata niya. "Tinawagan mo siguro si Papa," marahil si Papa Arturo ang nagsabi kung saan sila nakatira. "Sana nag-chat ka na lang sakin–" Marahan natawa ito. "Gusto kitang i-suprise e. Nasaan nga pala ang pogi kong anak-anakan?" Pinapasok niya si Timber sa loob ng bahay. "May pasok sa school si Ross, mamaya pang hapon ang uwi non," sagot niya at iginiya ito paupo sa mahabang sofa. "Himala naisipan mong umuwi ng Pilipinas–" Nag aral kasi ito sa Amerika bilang isang OB-GYNE. Hindi na ito naglaro ng basketball. Kumportableng umupo ito sa sofa at ngumisi. "Mag-stay na ako dito for good. Mag aasawa na ako." Nakatayo siya sa may kusina upang magtimpla ng kape, nabaling ang tingin niya kay Timber. "Ay weh? Sino papakasalan mo?" "Ikaw–" Napaubo siya saka matalim na tinignan si Timber na tumatawa na ngayon. "Buhusan kaya kita ng mainit na kape," banta niya rito. "Bakit? Single ka naman. Single ako. Masama ba 'yon?" Napailing siya. Inabot niya rito ang tinimplang kape. "Oo, Single mom ako." Inirapan niya ito at tumabi ng upo kay Timber. "Lugi ka–" "Anong lugi pinagsasabi mo?" pinitik ni Timber ang ilong niya. "Hindi ka basta single mom.. isa kang matapang, masipag, maganda at dakilang nanay. Matagal na tayong magkaibigan... baka tayo talaga ang meant to be?" Umingos siya. "Pinagsasabi mo– !" Ilan sandali pa ay bumaba si Papa Arturo. Medyo nabigla pa ito nang makita si Timber na katabi niya. "Magandang umaga po, Tito Art–" bati ni Timber kay Papa. Ngumiti si Papa rito. "Akala ko next month pa ang uwi mo, Timber." "Excited po akong makita agad si Eya e," nakangiting tugon ni Timber. Umikot naman ang mga mata niya habang si Papa Arturo ay natawa. "May balak ka ba mag-apply dito? Dapat diyan ka na lang sa Makati Med para magkasama kayo sa trabaho ni Andrea–" suhestiyon ni Papa. "Sa katunayan po, nagpasa na po ng application diyan last week pa po. Bale, ngayon week ang start ko," pag aamin ni Timber na kinalaki ng mga mata niya. "Seryoso?" aniya na napaawang ang mga labi. "Mukha bang hindi?" natatawang sagot na lang sa kanya ni Timber.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD