RANDALL POV
DALAWANG araw bago magbagong taon, ginanap ang Final Game imbes excitement ang maramdaman niya ay pag aalala para kay Andrea ang laman ng isip niya. Napabuntong hininga siya.
Gumugulo sa isipan niya ang biglaan pakikipaghiwalay nito sa kanya. Bakit? Anong dahilan? Totoo kayang buntis ito? Napailing siya. Kilala niya si Andrea, hindi magdadalawang isip ito na magsabi sa kanya kung sakaling totoong buntis ito.
Pero paano kung talagang buntis ito kaya bigla itong nakipaghiwalay?
Isang tapik sa balikat ang nagpagising sa diwa niyang natutuliro. Si Aren Bassig Jr. ang kasama niya sa team.
"Kabado?" nakangising tanong nito sa kanya.
Ngumisi rin siya. "Paano spell non'?" banat niya na ikinatawa naman ni Aren.
"Tsk– angas ! iba talaga pag MVP."
Umiling-iling na lang siya sabay tayo at tapik sa balikat din nito.
"Mas maangas ka. Manunuod ang apat na jowa mo," biro niya.
"Jowa my ass !"
Nagtawanan na lang sila bago naghanda na tawagin sila upang mag simula na ang laro.
"Ladies and gentlemen, fans and alumni, welcome to the Grand Finals of UAAP Season 96'! After months of blood, sweat, and tears, it all comes down to this. One game. One champion. One legacy!"
Nang tawagin ang team nila ay isa isa na silang lumabas. Napatingin siya sa mga audience. Naroon sina Mommy at Daddy pero hindi niya makita si Andrea. Wala ba ang dalaga? Hindi ba ito manunuod ng laro niya?
Bakit parang may lungkot siyang naramdaman dahil wala ang dalaga?
Mayamaya ay hinanda na sila ng kanilang coach. Ang DLSU ang magiging kalaban nila sa Final Game, magagaling ang mga ito subalit hindi rin sila magpapadaig. Gagawin niya ang lahat para makuha ang championship ngayon taon.
Naging madikit at mahirap man ang labanan ay binigay nila ang lahat lahat ng kakayahan nila sa laro.
"The atmosphere is deafening here at the Mall of Asia Arena ! Ten players, one ball, and one goal. The Championship!"
Malakas ang hiyawan sa buong Arena.
"He's open at the arc... lets it fly... BOOM! A triple for Randall Anderson. The crowd is losing it!"
"With that bucket, we have a NEW LEADER! The UST Tiger take a one-point advantage!"
"Randall Anderson again?! He is absolutely ON FIRE! That’s three triples in a row!"
Siguro nga umayon sa kanila ang panahon at nadinig ang dasal nila. Lamang na lamang na sila sa kalaban at malakas ang kutob niyang sila ang mananalo ngayon.
"Five seconds... four... three... it's all over! The wait is over! The UST TIGER are your NEW CHAMPIONS!"
Halos di magkamayaw ang mga kasamahan nila sa sobrang tuwa. Nakakabinging sigawan, hiyawan at malakas na palakpakan ang maririnig sa buong sulok ng Arena. Napansin niyang maluha-luha na ang mga kasamahan niya pati ang kanilang coach.
This is it ! Ito na ang susi sa mga pangarap niya – ang tanghalin champion ang team nila at maging best player of the game siya.
"With a massive stat line of 52 points, 28 rebounds, our Player of the Game is none other than number 27, Randall Anderson of the UST Tiger !"
Nilapitan na siya ng mga emcee at dinumog na siya ng mga sport reporter. Nakatutok sa kanya ang camera.
"Congratulations, Randall Anderson ! You were everywhere on the court tonight. How does it feel to secure this win for UST Tiger on such a big stage?" tanong ng babaeng reporter sa kanya.
Napangiti siya habang tumutulo pa ang pawis niya. Nagtilian ang mga audience na karamihan ay mga babae.
"Masaya. Sobrang saya– hindi pa masyado ma-absorb ng utak namin pero naniniwala ako na ginawa namin ang lahat para manalo," nakangiting sagot niya.
"For the fans and alumni watching right now, who do you dedicate this performance to?"
Matamis siyang napangiti sa harap ng camera. "I dedicate this performance to my parents for their endless support. To all the fans who stayed by my side and believed in my game— this win is for you. Thank you! "
"Once again, let’s hear it for your Player of the Game, Randall Anderson for the final roar from the crowd !" malakas na sigaw ng emcee saka naghiyawan ang mga tao sa Arena at pumainlanlang ang malakas na tugtog.
Pagdating sa backstage, sinalubong kaagad siya nina Mommy at Daddy. Mahigpit na niyakap niya si Mommy.
"Congrats, Anak–"
"We're so proud of you, Nak–"
Napangiti siya sa sinabi ni Daddy at niyakap din ito. Kumakabog ang puso niya sa sayang nararamdaman. Pakiramdam niya ito na ang simula, ang magandang simula para sa pangarap niyang makapaglaro sa Philippine Basketball Association.
"Mom, nasaan pala si Andrea?" kapagkuwa'y tanong niya kay Mommy.
Napansin niyang natigilan ito, nabura ang matamis na ngiti sa mga labi nito at napalunok saka sumulyap kay Daddy. Napakunot ang noo niya. Bakit ganon ang reaksyon ni Mommy?
"Uhm, ano kasi... umalis si Andrea–" parang nagdadalawang isip pa ito kung sasabihin sa kanya o hindi.
"Umalis? Saan nagpunta? Alam naman niya na ngayon ang Final game ko 'di ba?"
Nagpasuyo siya kay Mommy na sabihin iyon kay Andrea. Hindi na niya kasi ito ma-contact, siguro binlock na nito ang number niya.
Tumikhim si Daddy. "Umalis siya ng walang paalam. Nag iwan lang siya ng sulat kay Mommy mo na babalik na siya ng probinsya–"
"What?" gulat na sabi niya. Babalik ito ng hindi pa tapos ang klase? "What do you mean, Dad? Doon ba siya magpapalipas ng New Year o talagang bumalik na siya ng probinsya?"
Humugot ng malalim na paghinga si Mommy sabay hawak sa pisngi niya.
"Nakakalungkot nga at biglaan ang pag uwi niya. Ayaw na niya tapusin ang pag aaral niya– nakakadismaya nga e kasi matapos ang lahat ng ginawa natin sa kanya... hindi rin pala tayo importante para sa kanya," naiiyak na wika ni Mommy.
"Hayaan mo na siya, Nak– Kakausapin ko lang si Tiyo Manny mo. Tutulong pa rin tayo sa pag aaral ni Andrea kung gusto niya, ipapadala ko na lang doon ang mga naiwan niyang gamit," dugtong pa ni Mommy.
Hindi siya kumibo. Marahil, tama nga si Mommy.. kung iyon ang desisyon at kagustuhan ni Andrea ang... lumayo at kalimutan siya. Wala na siyang magagawa pa, baka hanggang doon na lang talaga ang meron sila. Nasasaktan siya sa pambabalewala nito sa nararamdaman niya pero wala naman siyang magagawa pa.
Mag iingat ka na lang palagi, Boo..