#15

1417 Words
ANDREA POV CHRISTMAS EVE... MASAYANG nag kukwentuhan sa salas si Tito Rafael at Randall. Pinag uusapan ng mga ito ng mangyayari sa susunod na laban at kung anong team ang makakalaban nila Randall para sa Final Game. Habang sila ni Tita Melissa, tahimik na naghahanda ng mga pagkain para sa noche buena mamaya. Naging malamig ang pakikitungo ni Tita sa kanya buhat nang malaman nito ang kalagayan niya. Hindi lang nito pinapahalata sa harap nila Tito Rafael at Randall. Umaakto sila ni Tita na parang walang nangyari. Hindi niya pa alam kung anong gagawin niya. Ang balak ni Tita ay ituloy ang abortíon pagkatapos ng pasko at bagong taon subalit hindi pa siya nakakapagdesissyon kung susundin ba niya si Tita o hindi. Nilagay ni Tita Melissa ang nilutong tuna carbonara at malaking ham sa malapad na dinner table. "Hindi pa ba kayo kakain?" kapagkuwa'y ni Tita kina Tito. "It's still early, Mom. 10 o'clock pa lang–" si Randall ang sumagot. Tumingin pa si Randall sa gawi niya pero umiwas siya ng tingin. Hangga't maaari ayaw muna niya makausap ang binata. Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone niya. Si Tatay Manny ang tumatawag. "Uhm, sagutin ko lang po tawag ni Tatay–" nag excuse siya at tumungo sa likuran bahagi ng bahay bago sinagot ang tawag. "Hello, Tay?" "Merry Christmas, Anak kong maganda. Kumusta ka diyan?" Buntis po ako, Tay... "Uhm, ayos naman, Tay. Ano handa mo diyan? Baka umiinom ka na naman sa kapitbahay ha–" mahinahon na sermon niya. Bakit parang gusto niyang umuwi sa probinsya nila? Bakit parang gustong gusto niya makita si Tatay? Pagak na natawa si Tatay. "Sus– pagbigyan mo na si Tatay, Anak. Malungkot sa bahay kasi wala ka. Hindi na rin ako nag abala magluto, nakikain na lang ako rito sa kapitbahay. At saka, saglit lang naman, mamaya uwi na rin ako para matulog agad." "Wag kayo magpapakalasing, Tay. Hmm. Uwi rin po kayo kaagad." "Oo naman, Nak. Kayo diyan ano handa nyo? Tiyak– maraming niluto masasarap na handa ang Tiya mo. Kumain ka lang ng kumain, Andeng. Enjoyin mo ang pasko mo diyan." Ngumiti siya habang nagpipigil na mapaiyak. "Opo, Tay. Kakain po ako ng marami. Merry Christmas din sayo, Tay. Ingat ka po palagi." "Ayos lang ako rito, Nak. Ikaw ang mag ingat diyan. Ay hala sige– paubos na ang load ko. Pasuyo mo na lang ako kina Tiya, Tiyo at sa pinsan mo diyan, merry christmas kamo sa kanila." "Sige po, Tay. Bye po–" Nawala na sa kabilang linya si Tatay Manny. Napabuntong hininga siya sabay punas ng luhang tumulo sa mga mata niya. "Miss na miss mo na ang Tatay Manny mo–" Napaigtad siya sa gulat ng may magsalita sa likuran niya. Napalingon siya. Nasa likod niya si Randall, nakapamulsa at matamis na nakangiti sa kanya. "Uhm uhm.." tango niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ni Randall. Akma na sana siyang papasok sa loob ngunit humarang si Randall. "May problema ba, Boo?" malambing nitong tanong. Hahawakan sana nito ang mukha niya pero umiwas siya. "Iniiwasan mo ba ako? Panay chat ako sayo, sine-seen mo lang. May nagawa ba akong mali, hmm?" Matigas siyang umiling. "W-Wala naman. N-Nalulungkot lang ako. Namimiss ko lang si Tatay–" pagdadahilan niya. "Hindi ka na ba masaya rito? Hindi ka ba masaya kasama kami? Ako? Hindi ka na ba masaya sakin?" mahinang sabi nito na may lungkot sa boses. Pilit siyang ngumiti. "Masaya akong kasama kayo nila Tita at Tito. Hindi lang talaga maiwasan na.. alam mo na.. ma miss ko si Tatay. Tara na sa loob–" Pinigilan siya ni Randall sa braso ng lalagpasan na sana niya ito. "No– alam kong hindi 'yon ang rason mo. Sigurado akong iniiwasan mo ko. Bakit, boo? Galit ka ba? Sabihin mo sakin... nagalit ka ba dahil uminom ako sa victory party ng team? Sorry na.. please.. wag ka na magalit sakin. Miss na miss na kita sobra, boo–" ungot nito at akma yayakapin siya subalit mabilis na umiwas siya. Kumunot ang noo ni Randall. Nagtatakang napatitig ito sa kanya. "T-Tara na sa loob–" aniya at iniwan na ito. Mahirap na baka mapansin ni Tita Melissa na nag uusap sila. Kabilin-bilinan pa naman ni Tita na iwasan at layuan na si Randall. Layuan mo muna si Randall, Andeng. Pakiusap ko sayo. Kung ano man relasyon ang meron kayo... tigilan nyo na. Hindi sa ayoko sayo pero... hindi pwede.. mag pinsan kayo. Kahit kailan hinding hindi ko matatanggap ang ganitong relasyon ! Kaso sadyang makulit talaga si Randall, sinundan pa siya hanggang kusina. "Ano ba talagang problema, boo?! Please naman– kausapin mo ako ng maayos," may diin na sabi nito. Humugot siya ng malalim na paghinga. "A-Ayoko na." "What? What do you mean, ayaw mo na?" pilit pa hinahawakan ni Randall ang kamay niya pero todo iwas siya. "Ayoko na. Let's break up–" tatalikod na sana siya ng bigla niyakap siya nito mula sa likuran. Ramdam niya ang mahigpit na yapos nito sa beywang niya. "Wag ka naman ganyan, boo. Wag mo ko biruin ng ganyan. Ayoko. Ayokong makipag-break ka sakin. Ayoko. Basta. Bawiin mo 'yan sinabi mo," parang batang nagmamaktol ito. Pinilit niyang kumawala sa pagkakayakap nito. Grabe ang kaba niya dahil baka makita sila ni Tita Melissa o kaya ni Tito Rafael. "Hindi ko babawiin ang sinabi ko. Ayoko na. Tigilan na natin 'to. Nahihirapan na ako–" mahinang usal niya habang nagpipigil na hindi maiyak. Ayaw niyang umiyak. Kailangan niyang tapangan para maniwala ito. "Ha? Nahihirapan? Pwede bang paki explain mo sakin para naman alam ko kung ano nararamdaman mo. Ayusin natin 'to, please .. boo." Matigas siyang umiling at humarap rito. Hindi na maayos 'to. Hindi na. "Nahihirapan ako kasi palagi na lang tayo nagtatago. Hindi tayo pwedeng maging sweet sa harap ng ibang tao. Hindi mo masabi sa lahat na girlfriend mo ko, kahit ako rin... bawal kong ipagkalat na boyfriend kita.. kasi bakit? magpinsan tayo e,' Incest 'yon sa mata ng mga tao, kaya ayoko na. Ayoko na ng ganitong relasyon," matapang na wika singhal niya kay Randall at mariin na tinulak ito palayo. Lumamlam ang mga mata ni Randall habang nakatitig sa kanya. "Kaya mo bang sabihin kina Tita at Tito ang relasyon natin? Kaya mo ba akong ipaglaban? Ha? Kaya mo ba? Kasi kung kaya mo... babawiin ko ang sinabi ko," unti unti ng pumatak ang luha niya. "H-Hindi gano'n kadali 'yon, boo– alam mong magagalit sila." "That's the point ! Nonsense na ang relasyon na 'to. Kaya tama lang na tigilan na natin 'to–" "Boo... may plano tayo 'di ba? Pag nagawa ko na 'yon mga bagay na gusto ko. Pag naka-graduate ka na... Aalis tayo, 'di ba? Lalayo tayo. Gagawa ako ng paraan para makalayo tayo. Titira tayo sa ibang bansa... kahit saan lugar na walang nakakakilala satin. Mahalaga magkasama tayo. Boo, may plano ako para satin..." nahihirapan na sambit ni Randall sabay hilamos ng mukha nito. Yeah marami nga silang plano. Pero, never nilang naisip ang isang bagay. Napapunas siya ng luha. "What if buntis ako? What if sabihin ko sayo buntis ako. Anong plano mo sakin? Ha? Anong gagawin mo?" She wanted to hear it. Gusto niyang malaman ang sasabihin at gagawin nito. May parte pa rin sa puso niya na ayaw bumitaw. Umaasa siyang may gagawin ito para sa kanya sa sitwasyon niya. Bumakas ang pagkabahala sa mukha nito. "Buntis ka ba? Boo, tell me– buntis ka nga ba?" halata sa boses nito ang pag aalala at takot. "Anong gagawin mo kung malaman mong buntis ako?" Napahawak ito sa buhok nito saka natutulirong napaikot, napasabunot sa buhok sabay harap uli sa kanya. "Uhm– I'm ... not.. ready yet. Hindi pa tayo handa. Hindi pa sa ngayon.. Kailangan ko pang makapaglaro at– kung totoo man na buntis ka.. We have to do something.. I mean, may kakilala si Mommy na OB GYNE, ninang ko. Kailangan maalis 'yan para–" Tinaas ko ang isang kamay ko para patigilin ito sa pagsasalita. "No. Need. Hindi ako buntis. Kumalma ka." Blanko ang mukha niya habang tumango tango. "Now I know– tama lang pala ang desisyon ko. Sorry, Randall. We're done." Bubuo ako ng desisyon para sa sarili ko at para sa magiging anak ko.. Ang tanga tanga ko para maniwala at umasang ipaglalaban siya ni Randall.. Niloloko ko lang pala ang sarili ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD