ANDREA POV
"TITA..."
Mahinang anas niya. Daig pa niya ang natuklaw ng ahas dahil sa tanong ni Tita Melissa.
"T-Tara na, sa bahay tayo mag usap–" mabilis nito yakag sa kanya at nagmamadaling lumabas ng restroom. Napalunok siya ng laway habang malakas pa rin ang kabóg ng dibdib niya.
Hindi niya alam ang gagawin at kung anong sasabihin niya. Paano nga kung totoo ang hinala ni Tita Melissa? Paano nga kung buntis talaga siya? Paano pag nalaman nila si Randall ang Ama ng pinagbubuntis niya? Paano ang pag aaral niya? Si Tatay Manny ano na lang ang sasabihin nito? Bakit hindi niya napansin na ilan days na siyang delayed ?
Samu't saring tanong ang tumatakbo sa isip niya. Kailangan malaman ni Randall ang nangyayari. Kung sakali man tama ang hinala ni Tita Melissa, natural lang na malaman ni Randall ang totoo. Sabay nilang haharapin ang problemang ito.
Pagkalabas ng restroom, nasa hallway na sina Tito Rafael, Tita Melissa kasama si Randall.
Yakap yakap ni Tita si Randall.
"Congrats, Anak. Napakagaling mo–"
"Thanks, Mommy."
Humiwalay naman kaagad si Randall saka niyakap si Tito Rafael.
"Maraming good opportunity ang lalapit sayo, once na manalo kayo sa final kaya pagbutihan niyo. Congrats–"
"Salamat, Dad."
Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito. Nang mabaling sa kanya ang tingin ni Randall, matamis itong ngumiti at walang pasintabi niyakap siya.
"Uhm, congratulations sainyo. Ang galing galing mo–" kalmadong wika niya sa binata, siya na ang kusang bumitaw sa pagkakayakap nito. Naiilang kasi siya sa tingin ni Tita Melissa.
Marahan natawa naman si Randall saka ginulo ng bahagya ang buhok niya.
"Salamat sa support–"
Nagkatitigan pa sila ni Randall parang may nais pang sabihin ito subalit hindi magawang masabi dahil nasa tabi nila sina Tito at Tita. Tumikhim si Tita Melissa para kunin ang atensyon nilang dalawa.
"Uuwi ka ba mamaya, Nak?" tanong ni Tita kay Randall.
"Hindi, Mommy. May victory party kami mamaya, pero don't worry uuwi ako maaga bukas–" nakangiting tugon ni Randall.
"Dahan dahan kayo sa pag inom, Randall. Wag kang magda-drive ng lasing," paalala naman ni Tito Rafael.
"Oo nga, maingat ka, Anak. Mag-enjoy ka lang, basta bukas umuwi ka ng maaga. Sabay sabay tayong maghapunan bukas ng gabi, maghahanda ako para sa pagkapanalo nyo," ngiting ngiti sabi ni Tita.
"Yes, Thank you, Mommy. Ingat kayo pag uwi–"
Wala siyang kibo. Kumaway na lamang siya kay Randall nang hawakan na ni Tita Melissa ang braso niya upang akayin siya paalis.
Pagkauwi sa bahay, umakyat siya kaagad patungo sa kwarto niya. Pabagsak na nahiga siya sa kama. Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya subalit hindi niya pinansin.
Nanatili lang siyang nakatulala sa kisame, lutang ang isip. Napapikit siya. Napamulat na lamang siya ng makarinig ng katok sa pinto. Alas-diyes na pala ng gabi. Dalawang oras din pala siyang nakaidlip.
Nang buksan niya ang pinto, si Tita Melissa ang nabungaran niya. May dala itong food tray at isang bottled water.
"Nag-take out order na lang ako. Kumain ka na," malumanay sabi nito ngunit seryoso ang mukha. "May pregnancy kit din akong inorder, tatlo 'yan.. gamitin mo, babalikan kita mamaya."
Wala siyang ibang masabi. Napatitig lang siya sa tatlong pregnancy kit na nasa food tray din. Uminom lang siya ng tubig dahil wala siya sa mood kumain. Gusto na niya malaman ang totoo.
Nagtungo siya sa banyo. Halos manginig ang buong katawan niya at sumabog ang dibdib niya kaba nang lumabas ang resulta. Pare-parehas na lumabas ang dalawang pulang guhit. Positive lahat ng pregnancy kit na ginamit niya.
Nanlumo at napaupo siya sa toilet bowl. Umiyak siya. Hindi na niya napigilan ang pag iyak hanggang sa bumukas ang pinto ng banyo. Naroon si Tita Melissa, seryosong nakatingin.
Kinuha nito ang tatlong pregnancy kit. Kitang kita niya ang disappointment sa mukha nito. Napahawak ito sa ulo at napahilamos ang mukha hanggang sa hatakin siya nito pabalik sa kwarto niya.
"T-Tita– I'm sorry po..." humihikbing anas niya.
Galit ang anyo ni Tita ng humarap ito.
"Paano mo nagawa samin 'to, Andeng? Buong akala ko nag aaral kang mabuti. Paano mo nagawang sirain ang tiwala ko... ang tiwala namin ng Tito mo sayo?"
Hiyang hiya siya na napayuko habang patuloy sa pag iyak.
"U-Umamin ka...Sino ang nakabuntis sayo?" madiin nito tanong.
Kaya ba niyang sabihin? Ano bang mangyayari oras na sabihin niya? Walang saysay kung itatago niya ang totoo. Kailangan nilang harapin ni Randall ang bagay na ito. Parehas silang mali kaya dapat lang parehas silang humarap kina Tita at Tito.
"Andeng... Sino ang Ama ng pinagbubuntis mo? Sino? Gusto kong malaman kung sino, para maitama natin at magawan ng paraan kung anong gagawin natin sa sitwa–"
"– Si Randall po."
Naudlot ang pagsasalita ni Tita Melissa. Napatitig ito sa mukha niya hanggang sa nanlaki ang mga mata nito at napatuptop ang bibig.
"S-Si.. Randall po ang–"
Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Tita Melissa sa kanang pisngi niya. Hindi siya makapaniwalang napasulyap kay Tita habang sapo ang namumulang pisngi.
"A-Anong sabi mo?!" madiin na asik nito.
Bigla siyang nakaramdam ng takot sa mga oras na iyon. Hindi siya makapaniwalang sinaktan siya ni Tita Melissa.
Napalunok ako ng laway. "T-Totoo po, Tita. May relasyon po kami ni Randall. Siya po ang nakabuntis sakin." Lakas loob na sabi niya.
Nagtatangis ang mga ngipin ni Tita Melissa sabay hawak sa magkabilang balikat niya. "Hindi pwede ! Hindi pwedeng si Randall ang Ama ! Hindi ! Anong ginawa nyo? Mag pinsan kayo, for christ sake ! Paano nyo nagawa ang bagay na 'to?!" sigaw nito at marahan siyang tinulak.
"T-Tita...." walang tigil pa rin ang patak ng mga luha niya. "S-Sorry po..."
Nagpalakad-lakad si Tita sa kwarto niya na parang tuliro at may iniisip na kung ano hanggang sa humarap ito sa kanya at hawakan uli ang magkabilang balikat niya.
"Makinig ka sakin, Andeng– Hindi pwedeng malaman ito ng Tito Rafael mo. Magagalit ito at itatakwil nito si Randall... Hindi pwedeng mangyari 'yon. Kailangan mong ilihim 'to.. kahit kay Randall..."
"Pero, Tita... Kailangan malaman–"
"No ! Hindi pwede, Andeng ! Masisira ang buhay ni Randall. Masisira ang plano niyang makapaglaro. Mawawala sa kanya ang lahat ng pangarap niya oras na malaman nila ang tungkol sa pagbubuntis mo ! Anong gusto mo? Malaman ng lahat na.. nabuntis ni Randall ang sarili niyang pinsan?! Kukutyain siya ! Mawawala siya team ! Hindi siya makakapaglaro ! Gusto mo bang mangyari 'yon?"
Umiling siya. Tama. Ano na lang ang sasabihin ng iba oras na kumalat ang tungkol sa relasyon at pagbubuntis niya. Alam na alam niya sobrang mahalaga para kay Randall ang makapaglaro ng basketball. Pangarap nito ang basketball.. at hindi niya kayang masira ang pangarap nito. Subalit, paano siya?
"Ayokong masira ang buhay ni Randall. Kaya please, Andeng... wag mong sirain ang pangarap niya."
"P-Paano po ... ano po ang gagawin ko, Tita?"
"Walang dapat makaalam. Ipapalaglág mo ang bata–" matigas na bigkas ni Tita Melissa.
Napaawang ang mga labi niya. Abórtion? Ang baby niya? Ang baby nila ni Randall?
"Hindi rin matatanggap 'yan ng Tatay Manny mo, Andeng. Ano sa tingin mo ang gagawin ng Tatay mo, oras na malaman niyang nabuntis ka ng sarili mong pinsan?! Kaya habang maaga pa– kailangan maalis 'yan. Naiintindihan mo ba ako, Andeng?"
Napayuko siya. Kasalanan na nga ang ginawa nila... magdadagdag pa ng panibagong kasalanan. Ano bang gagawin niya?
"Mag isip ka, Andeng. Para sainyo 'to ni Randall.. para sayo. Magiging malaking kahihiyan ito sa pamilya natin kaya dapat lang habang maaga... maagapan. Gaya ng sabi ko... hindi to pwedeng malaman ng Tito mo, ng Tatay mo o kahit si Randall. Hindi pwede, Andeng. Wag mong sirain ang magandang pamilyang binuo ko. Wag mong sirain ang buhay ni Randall.."
To be continued...