#13

1306 Words
ANDREA POV DECEMBER HOLIDAY season. Bakasyon. Wala ng pasok. Tahimik na tinutulungan niya mag-decorate ng mga christmas decorations si Tita Melissa sa railings ng hagdan. "Okay ka lang ba, Andeng?" kapagkuwa'y tanong ni Tita Melissa. Dagli naman siyang napaharap rito. "Opo, Tita. Okay lang po ako," malumanay niyang tugon. "Maputla ka kasi–" Recently, hindi maganda ang kada gising niya. Parang hinahalukay palagi ang tiyan niya, parang nasusuka siya na wala naman lumalabas, lagi siyang sinisikmura. "Sinisikmura po kasi ako kanina pag gising ko po." Bumaha ng pag aalala ang mukha ni Tita Melissa. "Naku, acid, tsk– uminom ka na ba ng gamot?" Tumango ako. Uminom naman na siya kaya nawawala rin. "Magpahinga ka na muna sa kwarto. Ako na bahala mag-decorate dito," untag ni Tita Melissa. Gusto pa sana niya tulungan ito mag ayos ayos subalit mapilit talaga si Tita na magpahinga na lamang siya. "Mahiga ka na lang, Andeng – para mamaya hapon makasama ka sa panunuod ng laban ni Randall." Oo nga pala. Mamaya ang Semifinal Men's basketball. UST laban sa UP. Kailangan niyang makapagpahinga para makasama siya kina Tita Melissa at Tito Rafael at saka nangako rin siya kay Randall na manunuod siya. Boo, manuod ka ng laro ko later ha. Ikaw ang lucky charm ko. Missyou. Naalala niya ang chat ni Randall sa kanya. "Sige po, Tita. Magpapahinga po muna ako–" aniya at iniwan na si Tita Melissa saka umakyat na pabalik sa kwarto niya. Buong akala niya mahihirapan siyang makatulog dahil parang kakagising lang niya pero wala pang ilan minuto ay mahimbing na ang tulog niya. Nagising na lang siya dahil sa katok sa pinto ng kwarto. "Po?" malakas na sabi niya habang pupungas-pungas na bumangon. "Maligo at magbihis ka na, Andeng. Aalis na. Manunuod tayo ng laro ni Randall. Bilisan mo na baka ma-traffic tayo–" Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Gosh ! Napasarap na naman ang tulog niya. Tsk ! Kainis. Nag hilamos at sepilyo na lang siya at mabilis na nagpalit ng damit. Hindi pwedeng di siya makakasama. Importanteng laro ito para sa 'nobyo' kaya dapat lang nandon siya para suportahan ito. Sa SM Mall of Asia Arena, gaganapin ang laban ng dalawang bigatin na University. Lahat sila binigyan ng kulay dilaw na pahabang balloon. Punong puno na ang Arena. Ginagala niya ang kanyang mga mata. Hindi niya sukat akalain na ganito karami ang manunuod. "Pangarap talaga ni Randall 'to. Sana this time.. palarin na sila makapasok sa final," wika ni Tito Rafael kay Tita Melissa na katabi niya. "Pinaghandaan 'to ng anak mo. Malaki ang tiwala ko sa kanya," nakangiting sabi ni Tita. Pasimpleng ngumiti siya. Malaki din ang tiwala ko kay Randall, hindi lang sa kakayahan at talino nito kun'di sa pagmamahal na binibigay nito sa kanya. Paglabas ng mga player, nakita niyang luminga-linga si Randall sa mga audience, tila may hinahanap. Palihim siyang napangiti. Tumayo si Tita Melissa at kumayaw rito, kaagad naman itong napansin ng binata. Matamis na ngumiti sa kanila si Randall at kumaway. Nagtama ang kanilang mga tingin. Ngumiti lang siya rito at ganon din ito, para silang nag usap na gamit lang ang mga isip. Kung pwede lang sumigaw ng I love you kanina pa sana niya ginawa. I love you, My handsome boo. Nandito lang ako palagi manunuod ng bawat laro mo. Ako ang biggest fan mo. Mwahh ! Nag-type siya ng message at sinend iyon kay Randall. Alam niyang mamaya pa nito mababasa iyon pero ayos lang, mahalaga mabasa nito. "Good evening, basketball fans! Welcome to the Mall of Asia Arena for a night where legends are made and dreams of a championship become a reality. We are live for the Semifinal Round of the UAAP Season 96' !" wika ng lalaking Emcee. "After weeks of grueling battles, only four teams remain. Tonight, two powerhouses collide for a seat in the Grand Finals. The atmosphere is electric, the fans are ready, and the stage is set!" Malakas na sabi naman ng babaeng Emcee. Nagsimula na ang laro. Halos mapuno ng hiyawan at sigawan ang buong Arena dahil sa parehas magaling ang mga player. Nagkaroon pa konting tensyon dahil kamuntik ng magtalo ang magkabilang team, mabuti na lang naawat. Masyadong mainit ang laro, parehas gustong umabot ng final game. "Three-point basket for number 27, Randall Anderson !" Halos mabingi siya sa lakas ng hiyawan maging sina Tita at Tito napapasigaw na rin dahil sobrang dikit talaga ang laban kaya napapatalon talaga ang lahat sa tuwing nakakapuntos si Randall. "The final quarter is underway, and the crowd is on its feet! Will they hold onto the lead?" Ramdam niya ang tensyon. Pinagpapawisan ang kamay niya kahit malamig naman sa buong Arena. Kinakabahan siya, pero alam niyang kayang kaya ng Team nila Randall ang makapasok sa Final Game. "Anderson, puts it on the floor, drives hard into the paint... finishes at the rim! Count the bucket!" Napatayo siya ng maka-shoot ng two points si Randall. Napasulyap siya sa mga scores. UP 109 / UST 111. OH God ! Yesh ! "Beautiful vision by Aren Bassig Jr. dropping a dime to Randall Anderson for the easy layup!" "The fans are on their feet! Let them hear you! DEFENSE! DEFENSE!" "A dagger three from the corner by Randall Anderson ! The lead is now five!" "The momentum has completely shifted here in the Mall of Asia Arena ! Can UST Tiger complete the comeback?" Konting segundo na lang ang natitira. Kung gaano kalakas ang dagundong sa buong Arena, mas doble ang kabog ng dibdib niya habang pinapanuod ang bawat galaw ni Randall. Hanggang sa tumunog na ng malakas ang buzzer. "It’s over! The UST Tiger has done it! They are heading to the Grand Finals!" "At the buzzer! IT'S GOOD! The UST Tiger are heading to the Finals!" Napatalon at suntok sa hangin si Tito Rafael, naiyak naman sa tuwa si Tita Melissa. Habang siya, umiiyak rin sa sobrang tuwa. "What an incredible display of heart and sportsmanship. To the UP Team a valiant effort and an amazing season. To the Winning team we'll see you in the Finals!" Kitang kita niya ang kasiyahan sa mukha ni Randall habang tulong tulong itong binubuhat ng mga kasamahan nito na tila pinagkakaguluhan ito sa tuwa. "Joining us now is the Best Player of the Game, Randall Anderson, with 48 points and 27 rebounds. Let's give him a round of applause!" Nagpalakpakan ang lahat. Si Randall ang naging MVP sa laro. Pagkatayo niya upang kuhaan sana ito ng larawan ay bigla na lamang siyang nabuwal, maagap naman siyang nahawakan ni Tita Melissa. "Ayos ka lang, Andeng?" nag aalalang tanong nito. Umiikot ang paningin niya at tila hinahalukay ang sikmura niya. Pilit siyang ngumiti kay Tita Melissa. "A-Ayos lang po, Tita. Sa r-restroom lang po muna ako..." kahit hirap ay pinilit niyang tumayo at tumungo sa banyo. Hindi naman siya nahirapan hanapin ang banyo. Mabuti na lang walang katao tao kaya napaduwal siya agad sa isang bakanteng cubicle. Wala naman siyang nakain kaya di niya alam kung bakit ang sama ng timpla ng tiyan niya. Mariin siyang napapikit habang sumusuka hanggang sa naramdaman niyang may humimas ng likod niya. Dagli siyang napalingon. Naroon si Tita Melissa sa likuran niya. Inabutan siya ng panyo at isang bottled water na agad naman niyang kinuha. Umayos siya ng tayo sabay punas sa bibig. "P-Pasensya na po, Tita. Sumama po pakiramdam ko–" nanghihinang sabi niya. Mataman siyang tinitigan ni Tita Melissa. Seryoso ang mukha nito na hindi niya mawari saka walang habas siyang hinawakan sa magkabilang balikat. "Andeng, umamin ka nga sakin– buntis ka ba ha?" madiin na tanong ni Tita sa kanya. Parang malakas na bomba iyon sa pandinig niya. Bakit ba hindi pumasok sa isip niya ang posibilidad na mabuntis siya? "T-Tita...." "Buntis ka ba, Andeng umamin ka !?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD