Ito na nga ang araw na pinaka hihintay nang lahat ng Senior High School ang graduation ball. I woke up early today medyo na excite kasi ako. I jogged around the village para daw mas mag firm yung legs ko sabi ni Hugo. I've been doing that for 2 weeks.
Nakauwi na ako ng bahay at around 8 am and I was surprised that Hugo and Sheena was there para ibigay personally yung gown. Nag handa sila mommy ng breakfast at masaya na nakipag kwentuhan kay Hugo.
"Actually tita kaya talaga kami dumiretso dito sa inyo may importante kasing offer si Hugo para kay Ellie." Ngiting ngiti si Sheena sa pagsabi ng balita kay mom.
"Really? Is it for modelling?" Si mommy na nakangiti ngayon. I know deep inside tutol siya dito.
"As a matter of fact madam, my bestfriend Apollo saw the pictures that I took when they are fitting my gown. He was mesmerized by her beauty so gusto siya nitong isali sa Show business." Hugo was so proud dahil siya daw ang naka discover sakin.
"Oh the chaotic world of show business dear." Sarcastic na sabi ni mom. She just hates how showbiz works.
"What??" Tanong ko sa gulat ko. That's not actually what I expected akala ko modelling spoof lang. Showbiz??
"You heard it right Honey!"
Wow. I'm amazed pero I'm sure my brothers would disagree on this. My father wanted me to take up business related courses. I also want to make a name of my own. I want to earn money because of my hard work not because of my family's money.
I can say yes to modelling but no to ahow business. Ayokong magulo ang tahimik na buhay namin. Our family is into business so better stick with that.
Nagpaalam si Hugo and Sheena na aalis na sila at may pupuntahan pa. It's already 4:00 o'clock in the afternoon and ilang oras nalang ang hihintayin ko para sa ball. I decided to take a bath para makapag ready na.
Balak ko sanang magpunta sa salon to get a treatment for my hair pero napasarap ang kwentuhan with Sheena and Hugo so wala na akong oras pa.
Naglalagay na akong ng Essential Oil and moisturizer ng pumasok si mommy sa kwarto kasama ang make up artist na kaibigan niya. Nilagyan niya ng kulay ang buhok ko. Wala naman daw ito bad effect sa hair kasi organic temporary dye. I looked in the mirror and it was Light hazelnut brown color. Lalong nag muhka akong maputi sa buhok ko.
Tinanong muna nung make up artist ko kung nasan ang gown ko at sinama ko siya sa kwarto ko para makita niya at tignan kung anong babagay na make up sa gown ko. Naalala ko na binilin ni Hugo na dahil soft ang features ng muhka ko kaya simple make up lang daw.
"I love the gown it's unique for a grad ball. I will make you a Goddess. Ang ganda mo, sarap paglaruan ng make up sa face mo." Sabi ng make up artist. Proud naman si mommy sa sinasabi nito.
Natapos ang make up ko pero sabi nila mamaya ko nalang daw tignan at tinalikod pako sa salamin. Inayos niya narin ang buhok ko into a messy bun. Gusto ni mommy lagyan ng flower head dress na ginamit ko dati pero I declined hindi bagay instead nagsuggest si ms. Hanna na yung ginamit ko nalang daw nung nag JS prom ako na tiara.
After that, sinuot ko na ang gown at pinahiran ako ni mommy ng glitter lotion para daw mag glow balat ko. Pinaharap nila ako sa salamin at nagulat ako. Muhka nga akong Diyosa. Wew.
Excited na ako ngayong gabi. Last memory na ito sa senior high. Kung sana kasundo ko rin yong partner ko okay na lahat eh.
Bumaba na kami ng hagdan at naabutan ko si Vien sa gown niyang Beige. It suits her body well. Ang ganda rin nitong pinsan ko. Ngiting ngiti si daddy sa akin habang palapit kami sa kanila nila kuya.
Nakangiti at himahanga si daddy. Kitang kita ko na halos maiyak siya ng makita ako. Natigilan ako sa pagikot ni Kuya Bob sa akin at tinitignan ako maigi.
"Is that a gown? It is showing a lot of skin mommy. Seriously? And you approved this?" si kuya Bob na medyo nairita. Conservative type pa naman to si kuya
"Dalaga na baby ko. Hindi na cry baby." nakasimangot naman si kuya Rye pero tinatago ang ngiti. Nangaasar nanaman. Mas close ko kasi siya dahil 4 years lang ang gap ng age namin.
"Bob cut it. She's a grown woman let her be. She is in a legal age now. She'll always be my princess." Si daddy na nagwink pa sakin. Natatawa nalang si mommy at vien sa mga kuya ko.
Inaya na kami ni Daddy dahil malalate na kami. Thirty minutes nalang and the program will start. Nagpumilit talaga si Dad na ihatid kami.
Nakarating na kami ng Aphrodite Hotel. Daddy dropped us there. Pinaalalahan lang niya kami na tawagan namin siya pag magpapasundo na. Naglakad na kami papunta sa venue at kitang kita ko ang mga batchmates ko na titig na titig samin. Nginitian ko nalang sila.
"Hi Vien, Hi Ellie" Kendrick wearing his brown tuxedo. Wow ang gwapo niya.
"You guys look stunning." He complimented us. Enough to make us flattered.
"Ikaw din ang gwapo mo lalo ah." Sabi ko sa kaniya. We kind of tease each other. Kasama ko siya sa student council so doon nagstart ang friendship namin.
"Swerte ko sa partner ko. Kawawa naman yong unlucky girl." Sabay tawa ng wagas. Inumpisahan nanaman ako ni Vien asarin.
"Whatever. Looks like your date is fetching you. I'll see you around guys." masayang ngiti ko sa dalawa.
Naglakad ako at hinahanap ng mata ko ang mga kaibigan ko. Nasan na ba yun. Matawagan na nga lang. Kinuha ko ang cellphone ko sa pouch ko nang may nagsalita sa likod ko.
"Ellie"
"Oh my partner. Uy matchy matchy?" Turo ko sa tuxedo niyang white at gown kong white. I never thought that white will be a good color for this event. Hell yeah, kami lang ang naglakas ng loob na mag white.
"Whatever! Akala ko wala akong partner at magiging tanga ngayong gabi. Tara" ang sungit naman nito.
"Kakailanganin mo rin ako eh." Inasar ko. Deadma lang siya. Hinila niya ako at sa inis ko sinapak ko siya sa braso.
"Ano ba, naka heels ako Tom. Pag naputol tong heels ko or mapunit tong gown uuwi ako at wala kang partner mamaya sinasabi ko sayo." pananakot ko sa kaniya
"Sorry. Wag ka kasi bagal bagal. Ayoko sa lahat malamya!" Wow this man, really? Mapipikon nako pinipigil ko lang ang ganda ko ngayong gabi.
"Can you at least be kind to me tonight? My goodness!" Reklamo ko
Nakarating na kami sa function hall ng hotel at kitang kita ko ang mga batchmates ko na handang handa para rito. I looked at the center at ayun nakita ko ang mga kaibigan ko. Ganda naman nila.
Si Dane na boyish naka suot ng Black simple spaghetti strap dress. Simple lang ito pero it has intricate designs. Si Grey, naka green na peacock dress lalo siyang pumuti at wala ang glasses niya. Si Kaye, naka blue na body hugging dress na beaded ang ilalim. At syempre si Sheena suot ang electric red. Muhkang sophisticated at fierce. We need to do a groupie!
"Good evening Seniors. Can we all proceed to the dance floor. We will now start our program. The grand cutillion." Sinabi ng master of Ceremony namin.
Agad naman lumapit si Tom at inilahad ang kamay sakin. May pag ka gentleman din pala ito. Nagpunta na kami sa gitna at humarap sa isa't isa. Nagumpisa kaming sumayaw at halatang medyo nahihiya pako sa kaniya.
"You're so stiff. Relax a bit" bulong niya pero hindi ko masyadong narinig. Alam ko na nangaasar siya.
"What?!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Relax, I said. Muhka kang... Nevermind!" Naka smirk siya ngayon at napipikon ako ng sobra.
"Are you insulting me Mr. Orce? I can walk out of here. Letse ka!" Gigil na gigil na sabi ko habang pinanlilisikan ng mata
"I didn't say anything. Wag ka nga sumimangot pano tayo mananalo ng award nito."
"Nakaka inis ka kasi eh. Kung alam ko lang iinisin mo ako, hindi nalang sana ako nagpunta dito."
"Sayang naman hindi nila makikita yung best dresses and face of the night kung ganoon. Ganda mo pa naman ngayon!" Naka ngiti na niyang sabi.
"Yeah right. May binabagayan palang devil ang white? Hahaha"
"Is that a compliment? Okay i'll take it as a compliment then."
"Mahangin!" Sabay belat ko sa kaniya
"Magaan ang loob ko sayo Lagdameo. For the first time may maarte akong gusto maging kaibigan."
"Ano?? Iniinis mo talaga ako."
"Sorry okay. Friends? I just feel that you are so genuine." Seryoso niyang sabi sa akin.
"Friends. Uy ganda ni Tippy oh yung ex mo Hahaha"
"Wag mo sirain ang gabi ko Ellie. Unang gabi natin magkaibigan please."
"As you say sige na nga sungit."
Natapos na ang sayaw at natuwa ako dahil pwede ko pala maging kaibigan tong mokong na ito. It seems na ginagamit niya ko para pag selosin ang ex niya. Is that a good plan? Tutulong nalang ako sa kaniya besides he is my friend now. Halata naman sa kanila na mahal pa nila isa't isa.
Halos patapos na ang gabi at nag pasalamat na ang staff ng school and faculty.
"May we call on Mr. Raval and our Registrar Mrs. Cayanan to award the best dressed for tonight."
"The best dressed for male category is Mr. Lemar Santiago of Section 4 and the for the female category is Ms. Sheena Marie Arevalo."
Ang saya namin dahil may nakuhang award ang isa sa friends ko. Si Lemar naman kung titignan ang suot niya napaka formal and hot. Maroon and black ang color ng suit niya.
"Now may we call on Ms. Alvarez and our principal Mrs. San Pedro to award the stars of the night"
"I must say all of you looked so good this night but these two people really slay the night. They look like celebrities!"
"Yes that's right. So, The stars of the night are Mr. Timoteo Ray Orce and Ms. Amara Chriztelle Lagdameo. Look at them. They look like a God and Godess. First time I saw someone who fearlessly wore a white suit and a white gown on a graduation ball. Amazing! Congratulations."
We were given the chance to dance in the middle together with Sheena and Lemar. Sa amin apat nakatutok ang spotlight. We are all happy.
"Congratulations." Masayang bati ko kay Tom.
"Told you, we'll win this. I trust Hugo a lot." He said
"Paano pala kayo nagkakilala ni Hugo?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Baka model din siya hindi ko lang talaga alam.
"He is my cousin. Second cousin actually. Hindi kasi mahiwalay mga parents namin kaya lumaki kami sobrang close din pati yung isa pa naming pinsan pero nasa states siya ngayon." Pagpapaliwanag niya. Kaya pala Tommy ang tawag sa kaniya.
"Oh I see. Akala ko model ka niya." Tumawa lang kami.
Pagkatapos ng kainan, nagsayawan at nagnparty lang kami. I was obliged to go around to check everyone because I am the head of the student's council. Nakakapagod din siya.
The arts club showed a video compilation of some activities in school. May nakakaiyak na message pa ang teachers and principal. Syempre, sobrang softie ko nauna na yata ako naiyak.
I will miss being in High school. The real challenge is approaching. College na kami next school year. Hindi kami pare-parehas ng course kaya alam ko maghihiwalay kami magkakaibigan. Sad pero kaya naman namin gumawa ng paraan para makasama ang isa't isa.
Natapos na ang gabi at ang saya ko lang dahil naexperience ko ito. This night is so memorable. I felt that we are grown up already, I gained another friend and I won as a star of the night. Ang saya lang.