ten

1997 Words
Nag graduate na kami at nag halo halong saya, lungkot at excitement ang naramdaman namin nung graduation. Decided na kami sa kung anong course ang kukunin namin at kung saang unibersidad kami magaaral. Bakasyon na at naka pag process na kami ng papers sa aming papasukang school next school year. A month to go. Mag isa akong mag aaral sa isa sa pinaka magaling na university na kilala sa Business administration. Si Vien naman ay mag aaral ng architecture dahil related sa isang business nila. Kasama ni Vien sa university sila Kaye na kukuha naman ng journalism at si Dane naman ay accountancy. Sa manila pa sila mag aaral dahil iyon ang dream school nila. Si Sheena naman ay pumili lang ng malapit kasi part time model siya hindi niya kakayanin kapag sa malayo. Kukuha siya ng Psychology. Si Grey naman ay medical technology. Buti pa sila sama sama pero ako, magiisa. Sad to know medyo magiging busy kami sa studies but I know we'll find a way. We've been friends for years. Besides, we can always set a date kung kelan pwede magbond. Since sunday wala naman pasok. Sa sobrang bored ko, halos lahat ng units nakapag advance reading na ako. Maganda rin yong prepared ka na atleast habang tinuturo yong lecture familiar kana sa topic. Habit ko na rin yata yon nung elementary palang hanggang ngayon dala ko parin. Paparating na ang birthday ko. My parents always want to have a extravagant party for me, but we usually celebrate my birthday abroad dahil yon naman lang ang gusto ko. Family time lang okay na sa akin. Three weeks before my birthday, nag set up ng dinner sila mom and dad sa isang five star hotel sa Manila. Even tita Adelle, mommy ni Vien, is here bigla siyang umuwi dahil may urgent meeting daw siya. Why is it so formal tonight? Nauna kami sa hotel nila mommy, daddy, vien and tita adelle. Nagulat ako bakit ang haba ng reserved table? I think walo lang kami. Dumating na rin si kuya Bob, ang kanyang fiance' na si Ate Inah at si kuya Rye. "Isn't this a big table for us mom? O may iba pa kayong guest?" Tanong ko kay mommy. "Let's wait for them. Ayan na sila." nakangiting sagot ni mom sakin. Tinignan ko rin ang pamilya ng papalapit sa lamesa namin. May lalaking nasa mis 50s na naka suit at babaeng naka dress na nasa early 40s naman. Muhkang elegante ang mga ito sa suot at halatang mayaman. "Hi Good evening Lagdameo family." ngiting ngiti ang lalaking nasa harap namin. "Good evening kumpadre. Sit down please" sabi naman ni tita Adelle. Umupo na nga ang lahat at maya maya lamang dumating na ang mga pagkain. Nagsimula na kami kumain. Tahimik lang kami sa usapan habang naguusap ang mga nakakatanda. Napag-alaman namin na ang daddy ni Vien at si Mr. Buenavista ay matalik na magkaibigan noong nabubuhay pa si Tito Vic, ang daddy ni Vien. "Ang gagandang bata naman nito Adelle." namamangha na sabi ni tita Leila Buenavista "Mana sa magulang Lei. Ito si Vivienne Scarlet. My one and only daughter. Si Bob richard, Ryleigh Mare and Amara Criztelle mga anak ni Kuya Rod at Ate Lina" masayang pagpapakilala ng tita adelle samin. Sabay sabay naman kaming bumati. "Nice family. So who will be my future daughter-in-law?" Maganda ang ngiti ni mr. Buenavista samin ni vien. Kinakabahan ako. Nasense ko na ang mangyayari ay fixed marriage. It's for me or Vien. I feel so bad na I'm wishing it's for her and not for me. I've always been wanting pure and genuine love. This is not really for me. Halos magwala na ang puso ko sa kaba. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid ko. Hinihiling ko lang na wag sana sakin ito. Im sorry Vi. "Vien is my daughter. She's 18. We still have atleast 5 years to have them married." Hinaplos ni tita ang buhok ni vien. Ang pinsan ko naman ay gulat na gulat sa narinig. "Mom??" Nanlaki ang mata at halos sumigaw si Vien Natahimik kami. Nagulat. We never expected na nag arrange si tita Adelle ng fixed marriage para sa anak niya. "Iha we'll talk later at home okay. We are not in a hurry. Don't worry" sabi naman ni daddy kay vien. Ramdam ko ang pagkagulat ng pinsan ko. Kitang kita ko ang pagkadismaya ni Vi sa mommy niya. Napatingin din ako kay dad at nakita ko lang na huminga siya ng malalim while mom fakes a smile. Masyado namang mabilis. "Where is your son Mr. Buenavista?" Tanong ni mommy "Oh that kid can't make it tonight. He is busy with his exams. Next time for sure he'll come with us." Tahimik na kami nang iserve and dessert. Inimbita nila mommy sa birthday ko ang mag-asawa and they promised to bring with them their son. Sumabay si Vien sa kotse ni Kuya Rye at kaming tatlo lang doon. Nasa back seat siya at umiiyak. Binuhos niya ang frustration niya habang nasa byahe kami. I pity my cousin. Wag lang sana maisip ni Daddy na ipakasal ako para lang sa negosyo nako lalayas talaga ako. I'm sure hindi naman gagawin ni Daddy yon. "Vien, take it easy. Your parents think that you'll be in good hands and this will be the best for you" payo ni kuya sa umiiyak parin na si Vien "I just can't believe it kuya. I like someone else." "You are too young for that Vi believe me." Yun ang huling sinabi ni kuya bago pumasok ang sasakyan niya sa gate namin. "What about my happiness and freedom kuya?" Halos pumiyok na tanong ni Vien kay Kuya Rye. I can feel that she is scared, gosh sino ba naman ang hindi. Magpapakasal siya sa taong hindi naman niya kilala. "I don't know Vien. You have to trust tita Adelle. Nakakagulat pero try to talk to your mom." Sabi ni Kuya Papasok na kami ni Vien sa loob ng bahay ng nakarinig kami ng sigawan. Pinigilan ako ni Vien pumasok at nakinig nalang kami. Nakita namin doon ang nagtatalo na si daddy and Tita Adelle. Galit na Galit si Daddy. "Hindi ka nagiisip! Ano mararamdaman ng anak mo? Adelle nagiisip ka pa ba ng tama?" Sigaw ni daddy habang inaawat naman ni mommy. "You don't understand kuya. Iyon ang bilin ni Victor sa akin. We need the Buenavistas for our business. That's it." siguradong sagot ni Tita kay Daddy habang nakayuko siya "Alam mo na at stake ang iniwang negosyo ng asawa ko Kuya, I need them to fix it." Dagdag pa ni tita na medyo emotional na ngayon. "Wala na bang ibang paraan? Wala ka na bang makitang remedyo?" Giit ni Dad "That is the best option that I can think of." Kitang kita ko si tita na nalulungkot at umiiyak na ngayon. "I don't really get your point here. Sabi ko i delay mo muna. Hayaan mo i-enjoy ng anak mo ang college life niya." "At paano kung makakita siya ng boyfriend doon at maagang mag asawa paano na ang pangarap namin ng asawa ko sa kaniya kuya? Paano?" Iyak ni tita Namalayan ko nalang na hinila na ako ni Vi papasok ng sala. "Ganyan kababa ang tingin mo sakin mommy? You think I wouldn't succeed without marrying your friend's son?" mabilis na nag walk out si Vien at umakyat sa kwarto niya. "Follow her Chriztelle make sure she will not hurt herself. Let your daughter breath Adelle." mahinahon na sabi ni mommy habang niyayakap at inaalo si tita. Umakyat na ako sa taas at kinakatok ko si Vi. Binuksan niya nalang ang pinto at yumakap sakin. I tried to make her feel comfortable. Doon na rin ako natulog sa kwarto niya. Now I get it. Kailangan ni tita magpakasal si Vien sa anak ni Mr. Buenavista para maging matatag ang business nila. I pity Vien. It must've been hard for her. Kahit siguro sa akin mangyari yon, mahihirapan ako dahil may gusto akong iba. It's her dad's wish and for sure hindi niya kayang tanggihan yon. Kinabukasan nag-usap na sina tita at si Vi. Naging okay na ang dalawa pero iba pa rin ang pakiramdam ng pinsan ko. Tita will fly abroad in a couple of days. May mga inaayos pa daw siyang papeles doon. Weeks passed and hinihintay nalang namin ang birthday ko. Though my mom is insisting na mag set up ng party pero hindi ako pumayag. A simple gathering will do. Dumating na nga ang araw ng birthday ko at agad ako nakareceive ng mga text at chat messages. Nagulat ako 11am na pala, napuyat kasi ako sa kapapanuod ng korean variety show na running man. I only had 5 hours of sleep. Agad ako naligo at bumaba para makita ang pamilya ko. "Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, Happy Birthday.. happy birthday to you." Sabay sabay kinanta nila Daddy, Mommy, mga kapatid ko at si Ate Ina and mga kaibigan ko. May party poppers at confetti pa. Nagkalat pa talaga sila. Nagulat ako at nakaready na ang dining table. Ang daming pagkain. Puro favorite food ko pa. Masaya ako sa ganito lang. Basta kumpleto kami. This is what I really value. Napanganga ako sa dami ng pagkain sa lamesa. Ang dami ng niluto pero ilan ilan lang naman kami. My family and friends are there. Sobrang saya. Ang daming regalo ang natanggap ko ngayong araw. Favorite ko ang bigay ni dad na pendant na may picture naming dalawa. I feel so special today. Balak ko pa naman ipamper lang sarili ko. I have no plans of preparing something like this. If meron man siguro dinner or lunch with my family sa labas. Pero, nageffort sila kaya masaya na rin ako. Napuno ang bahay ng balloons and gifts. Nag ring yong phone ko at nakita ko na tumatawag si Mike. Nagpaalam ako na sasagutin ko ang tawag at lumabas akosa garden. "Happy birthday. I wish you all the happiness in life, love. Sorry hindi kita natawagan ng ilang araw. I miss you!" "Thank you. I wish you were here." "I wanted to. Let me see, pag maaga si mama natapos sa check up niya diretso ako diyan tawag nalang ako sa inyo ni Jake." "Okay then. See you!" "I'll call you later. Enjoy your day Love!" "Thank you. Bye ingat kayo." Napangiti ako. Kumpleto na yong araw ko. Hearing his voice after a couple of days makes me relieved. Akala ko wala na siyang pakialam sa akin. Naging busy lang talaga siguro siya. Alam ko hindi niya sinasabi pero I can feel may mabigat siyang pinagdadaanan. Si tita Mely kasi ang mama ni Mike, lately laging nasa hospital. Siguro nga yon ang dahilan kaya pre-occupied siya. I totally understand kung ano man ang ginagawa niya. Hindi naman ako demanding na hihingiin ko lahat ng oras niya. We should have time for ourselves, our family and friends. Sobrang saya ng araw na ito. Pagdating ng hapon nag barbecue party nalang kami. Napuno ng tawanan ang bahay namin. I feel so blessed. Hindi man nakapunta si Mike at least nakausap ko siya. Dumaan ang June at kailangan na namin pumasok. Ilang linggo na kami pumapasok sa university, ramdam ko ang lungkot dahil wala ang mga kaibigan ko dito. Wala akong kakilala dito. Nilabas ko ang cellphone ko at nag chat sa groupchat namin. Kitang kita ko na nag groupie pa yung tatlo sa university nila. Si grey at sheena rin may picture last week. Nakakainggit loner ako. I can easily make friends dahil approachable naman ako. Parang aloof sa akin yong mga blockmates ko. Not sure, pero okay lang nandito naman ako para magaral, bonus nalang if I have friends. For weeks ganito lang ang buhay ko, school - bahay - school - bahay. May times na nagkikita kita kaming magkakaibigan pero madalas kulang kami. Mahirap na kami kumpletuhin. Laging busy or may mga lakad with schoolmates or family nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD