Dumaan ang isang linggo after the shocking announcement about sa mag partners sa Grad ball at hindi ako okay dito.
I've tried to talk to my advicer para maki pag switch kahit kanino pero ang sabi niya lang na all is set na. Ang tanging magagawa ko lang ay makiusap sa ibang students na medyo close ni Tom.
I talked to her ex-flings but they refused to change partners. Ewan ko gusto ko tapusin itong araw na ito nang nakakahanap ng kapalit na partner. Nakiusap narin ako sa mga naging barkada niya na babae pero ayaw din nila baka daw hindi magustuhan ni Tom.
Damn, nawawalan na ako ng pagasa. What should I do.
Nagpunta ako sa locker para kunin ang swimsuit ko, white shirt and shorts. Yun lang kasi ang allowed na swimming attire. Naglakad na ako papunta sa pool kung saan gaganapin ang P.E namin. Namataan ko na ang mga kaibigan ko sa bleachers na naghihintay sakin.
"Where have you been Ellie?" Sinalubong ako ni Vien ng tanong niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanila para sagutin ang tanong niya.
"Dumaan ako kay Ms. Alvarez para makipag switch partners sa iba. Kinausap ko mga ex-flings ni tom pero ayaw nila" malungkot kong sabi sa kanila
"Kaye ikaw na. Kaya mo yan tulungan mo ang friend natin. Alam kong mapapaikot mo yan seduce mo lang!" sabi ni Grey na medyo nang-aasar
"Gago, alam mo naman na ex fling ko yun nung junior high school!!!" Pasigaw ni Kaye. Bigla rin siya humarap kay Grey at bumulong "at baka magalit Vj ko" halatang pinarinig nito sa kanya. Kitang kita kong namutla si Grey pero nabawi nalang ng pag irap.
"Kung pwede lang ako Elle gagawin ko kaya lang demonyo yun eh." si Dane na nanghihinayang
"At mukha ka pang lalaki sa kaniya so 'di papayag yun for sure." Si Sheena na nagumpisa nanaman mangasar.
"Ah talaga ba? Pag nagpakababae ako mas maganda pa rin ako sayo. Hintayin mo!" Paghamon ni Dane. As if naman kaya niya. Eh mag dress nga ayaw niya.
"Ayos lang yan girls I'll find a way or worse hindi ako makapunta sa Gradball." Nagiisip ako kung ano pa magagawa kong paraan. Gusto ko naman umattend para hindi ko mamiss yong pinaka memorable na ball sa senior high.
Napatahimik kaming lahat. Ramdam nila yung frustration ko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.
"Oh my Goodness Gracious! Naalala ko yung rumor na may naging serious girlfriend yan si Tom. Nakalimutan ko yung name niya." Si Sheena na pinukpok pa ang ulo niya para maalala yung pangalan nung babae.
Aaminin ko medyo nabuhayan ako doon. I should talk to that girl. Malamang hindi niya hihindian yun. Playboy naman si Tom so walang tapon sa kaniya for sure.
"Tippy section 3. Nakita ko sila sa girls cr nung grade 11." walang buhay na sabi ni Dane. Para siyang zombie.
"Yeah I remember her now. I'll help you bes. After P.E okay?" Buti nalang Sheena was liked by many students here because she's into fashion trends.
Tinuruan lang kami ng PE teacher namin ng butterfly and backstroke today. Nag race din by teams. Natapos ang class nang isang oras at kalahati. Naligo at nagpalit ulit ng uniform namin.
Napag desisyunan namin na dumaan muna sa section 3 para makausap namin agad si Tippy.
Habang nasa hallway kami sa tapat ng classroom nila sakto ang bell at hudyat na ng uwian. Nakita na namin si Tippy na nililigpit na ang gamit niya. Sumabay din si Leina na bestfriend niya.
Tippy is a beautiful girl. Mukhang siyang anghel at napakahinhin. She speaks elegantly. That guy is lucky to have her. Malamang sa ugali. Hindi naman bagay ang angel at demonyo.
"Hi Tippy and Leina!" Masayang bati ni Sheena sa dalawa
"Hello po!" magalang naman nilang bati at halata namang naiilang sila samin. Nginitian ko sila at ngumiti naman sila pabalik.
"I've contacted Mr. Hugo and pumayag siya na irent niyo yung gowns basta kasama ako. He offered 50 percent discount as well." kwento niya sa dalawa. Namilog ang mata nila at halatang masaya sila sa balita
"Oh my G, talaga ba ate? Thank you" si Tippy. Kaya pala malakas loob ni Sheena may hiningi pala silang favor sa kaniya. Actually it was Leina who asked her.
"Nako galing mo talaga ate shee, libre na namin kayo merienda ngayon." Excited na sabi ni Leina
"Kayo talaga wala yun. May favor lang kasi tong bestfriend ko sa'yo Tippy." Saka lumingon si Sheena sakin at sinenyasan ako para sabihin sa kaniya.
"Ate Ellie ano po ba yun?" Si Tippy
Halos pagpawisan ako. Nahihiya kasi ako humingi ng favor ngayon ko palang sila nameet.
"Crop the formality. Ellie nalang." ngumiti ako sa kanya at tumango siya "I know you personally know Tom and I know he is special to you. Siya ang partner ko sa Grad ball." Nag babakasakali akong pumayag siya kitang kita ko na yung ngiti niya napalitan ng lungkot.
"So gusto mo na switch partners kayo ate Ellie? Pano yan hindi siya kinakausap ni Tom." Malungkot na sabi din ni Leina sa amin.
"Sige payag ako pero kausapin mo muna siya Ellie hindi niya ako pinapansin eh after nung break up namin. Sa partner ko walang problema crush ka noon eh." Mapait na ngumiti si Tippy sakin. I really saw the sadness in her eyes. Kawawa naman siya. I suddenly feel guilty!
True to their words, nilibre nga kami ni Leina ng meryenda sa pantry. Nakikita ko na sila dati sa campus pero hindi ko naman sila kilala sa pangalan.
Madami dami narin kaming napagusapan habang kumakain kami. We talked about our subjects and the upcoming graduation ball.
Nagpasalamat kami sa kanila at nagpaalam na uuwi na. Nasa waiting shed kami nang biglang kinalabit ako ni Vien at nginuso ang papalapit samin.
Humahangos na lumapit si Tom sa amin pero sa akin natuon ang mga mata niya. Nakakatakot naman siya. He looks like a beast that will choke me.
"Can we talk? Tayo lang dalawa. Limang minuto lang?" Nagtiim ang bagang niya habang nakatingin sakin. Nauna siya sa 'di kalayuang food stall na nakasara. Tumingin ako sa mga kaibigan ko para magpaalam sandali sa kanila at tumago naman sila agad.
"Anong kailangan mo Tom?" Tanong ko sa kaniya habang sinusubukan kong labanan ang titig niya.
"Naghanap ka pa talaga ng paraan para makipag switch ng partner huh?" Nanliliit ang mata niya sakin. "Lumapit kapa kila Leina? No way. I will be your partner in that ball." Galit na galit siyang tumingin sakin.
Nakaawang ang labi ko pero walang salitang gustong lumabas dito.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya galit. Namataan ko naman si Tippy at Leina na papalapit samin.
"Bakit ba galit na galit ka? Ang laki naman ng problema mo sa mundo.'' hindi ko na mapigilan maging sarkastiko sa kaniya. Nakakairita na rin naman kasi.
Akmang sasagot siya sa sinabi ko at halatang nabigla siya sa sinabi ko. Natigilan siya ng may lumapit sa kaniya.
"Tom!" sambit ni Tippy habang humawak ito sa bag ng lalaki
Nagulat nalang ako ng hinablot niya ang bag at bigla niyang tinulak si Tippy na nawalan ng balanse at napaupo sa kalsada. Sa gulat ko ay agad akong pumunta sa kaniya para tulungan siyang tumayo. Biglang pumalahaw siya ng iyak at naramdaman ko ang lamig sa mga kamay ko. Kasalanan ko 'to.
Nabigla kaming lahat sa nangyari. This is a bad idea. I was so persistent to have my partner changed. Mukhang malaki nga talaga ang galit niya sa dati niyang karelasyon. I may not know the real deal between them pero halata ko na masyadong masakit ang pinagdaanan nila.
"Hey, I'm sorry kasalanan ko to. Sana hindi ko na ininsist sayo yung gusto ko" habang inaalo ko siya lumapit na rin si Leina at mga kaibigan ko.
Hindi parin namin napatigil sa pagiyak si Tippy. Pulang pula na ang mukha niya ngayon at basa narin ang blouse niya. Niyakap siya ng kaibigan niya na umiiyak na rin ngayon.
"God, that man is so rude" wika naman ni Vien.
"Hindi naman siya ganyan. Mabait si Tom. Hindi lang namin naintindihan ang pagbabago niya ngayon. Simula ng naghiwalay sila ni Tippy." malungkot naman si Leina sa inasal ng dati niyang malapit na kaibigan
"Pasensya na kayo guys, sinubukan ko naman kausapin siya na maging partner ko pero ayaw niya. Ginusto ko rin naman yun kasi mahal ko siya eh." umiiyak parin si Tippy.
"Nakakatakot, love can really change you whether be good or bad." Si Dane
"Kasalanan ko ako ang dahilan bakit kami naghiwalay. I deserve all this." Humihikbi parin siya ngayon at sobrang lungkot ng mukha niya.
"Wag mo na sisihin ang sarili mo tapos na. You also have a reason." Leina added.
"Regardless kung ano man ang nagawa mo, hindi ka dapat niya sinaktan ng ganun parang wala naman kayong nakaraan." Tama si Vien
Totoo. Whatever his reason is, dapat hindi niya trinato ng ganun si Tippy. Kasalanan man niya o hindi, dapat hindi niya pinapahiya sa ibang tao.
I hope she'll be okay soon.
Nagpaalam na kami sa magkaibigan at nagkaayahan na kami umuwi. Excited akong umuwi kasi alam kong nasa bahay na at kadarating lang nila daddy at mommy from a business trip.
Pag pasok ko ng bahay amoy na amoy ko na ang niluluto ng masarap na putahe si Manang.
Gabi na ng nagtawag na si manang para kumain na kami. Gusto kasi nila dad lagi sabay sabay kami sa pagkain. Mahaba ang kwentuhan puro tawa at asaran kami ng mga kapatid ko.
"So I heard you have this Graduation Ball? Kailan?" Tanong ni kuya Bob
"March 15 po after ng pagasikaso sa clearance." sagot ni Vien kay Kuya
I knew it. Inumpisahan na ni Kuya Bob so I have to be ready. I know for sure malalaman nila sino ang partner ko. Parang gusto ko muna sabihin na masakit ang tiyan ko at umalis sa dining table.
"Who are you partnered with vi?" Tanong ni kuya Bob
"Kay Kendrick Reyes po." Sabi ni vien. My family knows the Reyes family.
"The future doctor. I see. Ikaw Ellie?" Sabay lipat ng tingin ni kuya Rye sakin. s**t! Baka di talaga ako maka attend.
"S-si T-tom O-orce po" nakayuko ako habang sinasabi yun nagulat nalang ako nang narinig si Kuya Bob at kuya Rye na sumigaw.
"What??" Sabay sabay pa talaga. Now I feel it no Grad ball for you Ellie.
"I wanted you not to go to that Grad ball eh pero last year mo na ito sa Highschool so yeah just be careful not to disclose any relevant information about us." Si Dad.
Naguluhan lang ako what should I be careful for? Bahala na basta pinayagan na ako. Magiingat nalang nga siguro ako dahil harmful na tao yun at baka business matter yong sinasabi ni Dad.
Naalala ko nanaman ang pagtulak ni kay Tippy. Napaka brusko! If a man like that hurt me, I'll freaking break his bone. Hindi ako papayag na tutulak tulak nalang ako.
Fine, I can attend the ball pero I need to be patient with this person and be careful when talking to him.
Hay. This graduation ball will really be memorable. 'Wag niya lang ako iinisin dun.
This better be good Orce dahil pag naging barumbado siya sakin sa gabing yun I swear I will definitely leave him. Who cares kung wala siya partner sa dance. Makisama siya sa akin at baka di pa siya mag move up sa ugali niya. I am sure he was brought up by his parents well pero ano kaya nangyari. I'm just so curious.
I guess I will just accept the fact that there is nothing that I can do to put things in favor of me. Bahala na, as gusto ko naman na ako nalang ang asarin niya kesa pagtabuyan at hiyain niya nanaman si Tippy. Mahal niya lang siguro yung lalaking yun kaya tinatanggap niya lahat. I salute her for that. Kung sakin yun I'll move on and let him see my worth.