Nagising ako sa maingay na phone ni Vien. Dito na siya sa kwarto ko nakatulog. Ginising ko siya at sinabi ko sakanya na may tumatawag. Seriously alas otse palang ng umaga?
Shees! My usapan nga pala kami ngayong umaga. Nakalimutan ko nanaman! Sunday morning nga pala. Nagkaayaan kaming magsimba sa Quiapo Church. Malayo ang trip nitong mga baliw na ito. Syempre pasimuno nanaman nito si Sheena. Gusto daw magpahula. Ewan ko sa kaniya. Tatakutin niya lang sarili niya.
11 am nang nakarating kami sa Quiapo para sa mass. Napagdesisyunan narin namin doon na kumain sa isang fastfood chain. Pagkatapos namin kumain ay hindi na mapakali si Sheena.
"Excited nako magpahula. Malalaman ko na mangyayare sa buhay ko." Kinikilig pa niyang sinabi samin
"Nababaliw kana Shee. Ano nanaman yang trip mo?" Tumatawang si dane
Nagtawanan nalang kami at sinamahan na namin siya kay Aling Pasing, iyong sikat na manghuhula doon. Matagal niya na daw ginagawa ito mahigit 30 years na. Napuntahan namin yung barong barong niya. Maliit lang ito. Isang lamesa, kandila baraha at dalawang upuan ang nandun. Ang creepy lang may mga nakasabit na kung ano-ano. Namataan namin ang isang matandang nakaupo doon. Puti na ang kanyang buhok, mataba ang pangangatawan niya. Iyon na marahil si Aling Pasing.
"Sino ba sainyo ang huhulaan ko?" Nakangiti niyang tanong saamin. Nagiiwas ako ng tingin. Hindi sa takot ako sa hula pero sa tingin ko magbabago ang pananaw ko pag naenganyo ako sa hula na ito.
"Ako po Aling Pasing." nakangiting tugon si Sheena sa matanda.
"Pagkatapos po ay ako manang. Gusto ko malaman sinong prince charming ko!" Namimilog pa ang mata ni Kaye sa sinabi sa matanda.
Parang nagdadalawang isip ako, gusto ko malaman kung magiging successful na businesswoman ba ako or matutupad ko ang pangarap ko na maging chef. Isa pa, gusto ko rin malaman kung si Mike nga ang forever ko. Nanaig yung takot ko. Wag na nga lang baka madistract lang ako sa future ko.
Nang maguumpisa na ang hula ay lumabas na kami nila Vien, Grey at Dane. Ayaw din daw nila magpahula gaya ko. Umabot ng halos isang oras ang dalawa sa loob.
Nang sa wakas ay natapos na lumabas na sa kurtina ang dalawa.
Si Sheena ay inaalo ang kaibigan namin na si Kaye. Ano kaya ang nangyari sa babaeng 'to?
"Hey, anong nangyari?" Concerned kong tanong habang niyayakap ko si Kaye. Yumakap lang din ito sa akin pabalik.
Naikwento nang dalawa kung ano ang nakita sa hula. Kay Sheena ay magiging successful daw siya sa career at swerte sa magiging asawa. Samantalang kay Kaye ay malungkot na hula. Lahat kami ay naiyak habang kinikwento niya samin. Sabi niya na maiiwan lang daw siya magisa sa buhay at magiging malungkot. Naawa ako dahil ngayon palang nagmumukmok na siya.
Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Wala pa man pero alam ko makaka-apekto na sa kanila yang hula hula na yan. Only God knows what will happen.
"Beb, hindi ibig sabihin noon totoo na agad. Parang guideline lang yan sa buhay mo pero hindi ibig sabihin mangyayari. No one can predict what will happen in the future and it's only God who knows. Stop overthinking." pinagsabihan ko siya habang hinihimas ang kanyang likod.
Mabuti nalang talaga a nakapagpigil ako. Kung ganyan din ang hula sa'kin baka mapako ako sa isipin na yon at hindi na makaahon. Ayoko ng ganoon. Napatitig ako bigla sa mga kaibigan kong nagkayakap yakap sa harap ng maraming tao.
Ito ang gusto ko sa aming magkakaibigan. Pag may problema o may nararamdaman kang hindi maganda alam na nila. Nandiyan sila lagi para pagaanin ang loob mo.
Naglibot libot kami at namili nang mga gamit doon. Nagkayayaan narin kaming umuwi sa bahay alas tres na ng hapon at pagod na pagod kami sa kalalakad.
Nagulat kami kay kaye ng bigla siyang magsalita.
"Hindi ko alam kung dapat ko ba sabihi. 'to sa inyo o hindi." Sabi ni kaye at napansin ko na pinipigilan naman siya ni Sheena.
"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ni Grey. Natigilan kami ng may tumutulong luha sa mga mata niya.
"Hindi lang kaming dalawa kasama sa hula niya. Sabi niya magkakaroon daw ng malaking away sa ating lahat at magkakaniya kaniya daw tayo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. We can never tell.
"Wag na nga kayo maniwala diyan. Nakakainis yan. 'Di naman totoo yan eh." Nagrereklamo si Dane sa narinig
"Knowing aling Pasing, halos yung nagrecommend sa kaniya nagkatotoo." Malungkot na sabi ni Sheena sa amin.
"Kung dumating man 'yon, we will make it work okay? Wala naman tayong hindi nalalagpasan. Fighting!" Naging positibo naman si Vien. She's right. Kaya naman lagpasan yon for sure.
Napakabigat ng araw na yon. Hindi man kami maniwala sa hula pero may pangamba parin itong iniwan sa amin.
Nakauwi na ang mga kapatid ko sa business trip nila galing Nueva Ecija. I'm just so happy na wala namang nabalita sa mga pinaggagawa namin. I understand why they are so strict, even my parents are strict but dad will always have that soft spot for me. I'm spoiled by my father pag sinabi niya wala nang magagawa ang mga kapatid ko.
Hinatid kami ni dad sa school dahil namiss niya daw kami. Ilang months niya na rin kasi kami hindi nahahatid sa school.
Nasa school kami ngayon para malaman ang result ng exams namin. My parents wanted me to take up business management para daw sa maiiwang businesses nila. I don't understand graduate na nang business course yung dalawa kong kapatid ang they are good in handling the business bakit pati ako kailangan ganon din? Hay.
Personally, mas gusto ko na kumuha ng culinary arts or interior designing. Yon kasi talaga ang hilig ko pero since iba ang gusto ng magulang ko yun ang susundin ko. I'm always like that hindi pa ako sumuway sa parents ko.
Nasa school kami at sobrang boring gusto namin mag cut pero graduating kami so hindi pwede. May ilang quiz na binigay yung teacher namin medyo mahaba pero ayos na. Nakapag group study naman na kami about sa topic so easy breezy lang. Naglalakad na kami papuntang canteen nang may madaanan kaming mga babaeng nagkukumpulan sa hallway.
"Ayoko maging partner si Aldrin. Lagi ako binubully noon." Umiiyak ang classmate namin na si Wena. Ang clumsy kasi niya talaga pero hindi niya deserve na mabully.
"Gaga, isang sayaw lang naman yun hayaan mo na 20 minutes na sayaw hindi ka naman niya date buong gabi sa grad ball." pag-aalo naman ng kaibigan niya sa kabilang section
"Oy oy ano yan? Anong meron?" Maangas na tanong ni Dane sa mga babae sa harap namin ngayon. Seriously? Nakakahiya
"Ah eh kasi sinabi na ni ma'am Alvarez sinong partner ko sa gradball. Announce niya daw mamaya sa room." malungkot na sabi ni Wena na halos maiyak na. Hindi mo naman siya masisi talagang rude si Aldrin at bully pa. I was never his target pero naiinis ako sa kaniya sa asal niya.
"Talaga ba? Nako grad ball malapit na nga pala. Effort nanaman." napapaisip si Grey ngayon
"Sana pwede magbibit ng partner para hindi boring." Iirap irap si Kaye.
"Sus as if pwede. Tara na sa room last subject narin naman para malaman sinong partners natin!" nauna na si Sheena sa paglakad sumunod naman na kami agad.
Naghintay pa kami ng 10 minutes bago dumating yung lecturer namin. Busy kasi ang mga teachers dahil graduating senior high school students kami. Mga diploma, honors, award at kung ano pang paper works ang inaasikaso nila.
Dumating na si ms. Alvarez at sinabi na mag assembly daw ng 4pm sa function hall. Rumble daw kasi ang partnering sa ibang sections. I've always been friendly to my schoolmates pero hindi ako comfortable na may kasayaw na lalaki na hindi ko masyadong close. Kinakabahan tuloy ako.
Halos sinabi na lahat ng partners namin at ako nalang hindi pa natatawag saming anim. Lalo akong nalungkot dahil yung mga kaclose ko na naging classmates namin dati ay partner na ng mga kaibigan ko.
Pag sinuswerte ka nga naman.
"Ms Lagdameo, you will be partnered with Tom Orce of section five." Ayun na nga ba ang iniisip ko. Spell swerte?
"Hahaha Ayiiiieee. Beauty and the Beast! Hmm calling Mike hello?" Kunwaring may tinatawagan sa cellphone si Sheena. Nang aasar nanaman. Kakainis! Sinabayan pa ng tawa nitong mga classmate ko.
Napapikit talaga ako ng mariin. Tom Orce. Wew! Hindi naman siya beast na pangit eh. As a matter of fact, Gwapo siya. Kabilang sa high society ang pamilya niya. Messy hair, well built na katawan, maputi, chinitong mata, matangos na ilong na may maliit na bullet pierce, may hikaw din sa right ear at Pinkish na labi. What the heck? Nagawa ko siyang idescribe ng ganoon. Well totoo naman pero looks can be deceiving. Ang sama ng ugali niya. Bully, rude, playboy, basagulero, tarantado at iba pa.
Napatingin ako sa grupo na nasa bandang unahan ng function hall. Mga classmate ni Tom nagsimula na siyang tuksuhin. Saktong nag angat siya ng tingin sa gawi namin at nagtama ang mata namin. Walang pag alinlangan niya akong kinindatan at ngumiti ng nanunuya. Anak ng.. umakyat lahat ng init sa muhka ko. Sakto tumunog ang bell na naghuhudyat na dismissal na. Wew! Save by the bell.
Inaya ko na sila Sheena na lumabas na kami para mag abang nang masasakyan pauwi. Nagmamadali at halos tatakbo takbo ako habang hinihila sila.
"Ano ba Ellie? masisira na damit ko." Galaiti ni Sheena habang inaayos ang blouse niya
"Yung inhaler ko asa bag. Please" muhkang aatakihin pa ng hika si Grey ano ba yan. Kinuha naman ni Dane yung inhaler sa bag at binigay kay Grey. Sorry.
"Kaye ano ba nangyari sayo? Hinihila mo ko." si Vien na irita na rin ngayo
Napabuntong hininga ako. Ang kapal kasi ng mukha nung tao na yon. "Ako un guys sorry na. Naasiwa ako. Ang malas malas ko naman." Gusto ko sabunutan ang sarili ko sa inis.
"Ano ba't nagpacute pa kasi yung demonyo sa kaniya nagawa pang kumindat. Parang asong may rabies." pagkwento ni Dane sa nangyari. Nagulat at natawa sila. Wala nako sana dapat ikwento eh. Maasar nanaman nila ako.
"Kuya will know about this. Hindi sila matutuwa. Will they allow you kaya?" concerned si Vien habang tinatanong ako
Honestly ewan ko ba. My brothers hated Tom's family. Baka hindi nila ako papuntahin ng Grad Ball. Sad, pero I have no choice I can't disobey my family.
Naglalakad na kami sa labas ng school papunta sa terminal. Kinalabit ako ni Dane ng makita nila ang isang estudyanteng may kahalikang babae sa waiting shed.
What is the meaning of this? Seriously? Making out in a public place? How cheap! They should have respected the school. Goodness!
Lumapit ako. It's still my responsibility dahil ako ang Student Council President. Bawal sa school premises ang PDA. They should know it. Sumunod naman din si Vi dahil treasurer siya.
Tumikhim ako. "Excuse me." Napatigil ang dalawa sa make out session nila. Nagulat pa ang babae at biglang yumuko nalang. She knew that she can be suspended. "I'm sure you know the protocols of our school. Strictly No PDA."
Pagkasabi ko palang doon, halos paiyak na yung babae sa harap ko ngayon. Nagtataka lang ako dahil nakatalikod pa rin samin yung lalaki. Nagsorry yung babae at sinabi na hindi na mauulit. I will let her go but this guy is annoying.
"Hoy, medyo bastos ka. Kinakausap ka ni Pres." Bahagya pang itinulak ni Vien ang lalaki.
"Sorry. Next time I swear, I won't be caught.'' He smirked and walked away.
Anak ng pating! Bastos.
"What a jerk! Kadiri. Tara na." Inaya na ako ni Vi umalis. Nairita lang ako.
Ano pa nga bang bago. Malamang kaya tinawag na halimaw yon sobrang arogante at bastos. May araw ka rin sa akin loko.
Was it my lucky day? This person is so annoying. What am I going to do with him. Kahit ako pa ang presidente ng student council mukhang hindi siya mapapatalo sakin.
Yeah. Deal with him. Matatapos na rin ang school year and I swear I won't see him again.
That annoying bastard!