five

2011 Words
Hindi ko inexpect na darating yung time na kaming dalawa lang mag hang out somewhere. Masayang medyo kabado. Nagpunta kami ni mike sa Circle sa QC. I find this so childish pero malamang there's more to this. Dire-Diretso kami ni mike naglalakad habang hawak niya ang kamay ko. Napatingin nalang ako doon. Nakita ko na papunta kami sa Bike station. Na excite ako ang tagal ko 'di nakapag bike. Ayun na nga nagbayad na siya at nag rent ng 2 bike sa babae na nagbabantay. Pacute pa yung babae sa kanya. Hello? Hindi siya cute nakakainis ang landi. "Marunong ka ba magbike?" Tanong ni mike sakin habang nakatitig. "Hmm. Try me" paghahamon ko sa kaniya. Nakita ko nalang siyang umismid at nagpipigil ng ngiti. Pumwesto ako sa bike nilagyan niya ako ng helmet sa ulo. Umupo narin siya sa kaniya. "On three" sabi niya at nagbilang. Nagkarera na nga kami at tatawa tawa pa kami habang padyak ng padyak sa bisekleta nato. I feel like I'm back to the little me. Enjoy na enjoy namin na nagaasaran at naguungusan. Makalipas ang isang oras napagod na kami at sinauli na ang bike at helmet sa bike station. Pawis na pawis kami. Pinunasan niya ang pawis ko sa mukha. Wala pa naman kaming dalang extra na damit. "Let's eat. Nakakapagod din yun." Tatawa tawa siya ngayon sa harap ko. Giniya niya ko papunta sa mga restaurant doon. Wala ako sa mood na kumain ng kanin, siya rin naman daw so nagdecide kami na magmeryenda sa italian bistro. Pasta nalang ang kakainin namin. Sinamahan niya nalang ng strawberry at avocado shake. I started to feel happy being with him. I saw how he treated me, I'm really flattered. Hindi ako makakain ng maayos. Lahat galaw ko pinapanood niya. Ilang beses na nahuhuli ko siyang titig na titig sa akin. "What?" Natatawa kong tanong sa kaniya. "Sorry. I just can't take my eyes of you." Nakangiti pero alam kong namumula siya at nagpipigil ngumiti. This guy is making my heart beat fast. Is this a good thing? Natapos kami kumain at inaya niya akong maglaro ng arcade games. Mahilig kami ng mga kaibigan ko maglaro nito kaya sila ang naalala ko agad. Dito kami pupunta ng mga kaibigan ko pag nastress kami sa school quiz or exams. Inikot namin ang mga machines napagod ako katatayo at naisipan ko maupo sa tekken na arcade. Nakita ko siyang umupo don at naghulog ng token. Gusto niya ako kalabanin. Hindi ako magaling dito e. Naglaban kami at nagpipindot ako sa button. "Ano ba yan. Lagi mo nalang ako pinapanalo. Ang daya." Nakanguso ako sa kaniya. Hinahayaan niya ko manalo eh ang daya dapat lumaban siya para fair. "Oh sige na nga I'm sorry." nangingiti siyang humarap sakin "Last round" Naglaro kami ulit at wala pang isang minuto K.O. na ang character ko. "Waa ang daya. KO ako agad." hinampas hampas ko siya tawa lang siya ng tawa. Nag punta naman kami sa may b***l na booth at may prizes. Nataon ang mata ko sa isang malaking teddy bear na kulay green and pink at may nakalagay na LOVE M.E. sa tiyan. Nahalata yata ni Mike ang tinitignan ko. "You want that? Tara." Yaya niya sakin. Nagabot na siya ng bayad kay kuya na nagbabantay. Nagtanong din siya kung ilang points ang kailangan at seriously makakailang rounds siya dito bago niya makuha. Im still excited. Umabot na ng 500 points at ang dami niya ng nagastos. 500 points to go sakin na yung bear. Yey! Biglang nagring ang phone ko. Tinignan ko kung sino pero unknown number. Kinabahan ako parang ayoko sagutin. "Hello?" "Elle galing ako sa bahay wala ka doon. Nasan ka?" Natatarantang sabi ni vien. "Kaninong number to?. Pumasyal lang ako sa mall." Biglaang sabi ko sa kaniya "I see. Saang mall? sa labas nalang tayong dalawa mag dinner kaya? Punta ako diyan mga 7pm?" "Vi, asan kaba?" "Ah namasyal sa friend ko nakitawag lang ako sa kaniya" "Friend who?" Nangungutya na ang boses ko "Ellie di mo naman kilala kasama ko sa choir dati si apple." "Oh alright. See you later okay? May isang oras pa naman tayo eh." "Okay byiee. Love you" at pinutol niya na ang tawag. Pinasok ko nalang ang cellphone ko sa bag ko. Nagulat nalang ako ng may bagay na yumakap sa likod ko. Humarap ako at nagulat na ito pala yung cute na stuffed toy kanina. Oh my Gosh! Kinikilig ako... ang saya ko lang. Hindi ko mapigilan ngumiti. "Aww. Thank you Mike. I love it" namamangha akong tignan tong malaking bear na to. May initials pa ng name namin. M.E. "Sana all love no?" Nakaiwas siya ng tingin sakin at hinawakan nalang ang kamay ko. "Sana laging ganito" "Michael" parang hinahaplos ang puso ko sa sinasabi niya. "Let's go! Sino pala kausap mo sa phone kanina?" Nanliliit ang mata niya na para bamng inuusisa talaga ako "Si Vien. Hinanap niya raw ako sa bahay kanina wala eh ako so ayun tumawag. I guess namamasyal din." nagkibit balikat nalang ako. "I saw them earlier while I'm shooting." Sabi niya sakin na kinagulat ko. "She's with--" nagring ang phone ni Michael at sinagot niya nga ang phone niya "Yeah gago ka. Alright then see you around." "Si August" biglang singit niya. Kinabahan ako dun. Medyo nanikip ang dibdib ko at kinabahan ako. Feeling ko may magsusumbong sa mga kuya ko. "Mike nauuhaw nako bili tayong inumin" sabi ko rin kay mike at natutuyo na lalamunan ko dito. In fact, gusto ko lang magtago baka may makakita sa amin. Habang naglalakad kami papunta sa isang bench ay sinabi niya na hintayin ko nalang siya doon at siya nalang ang bibili. I waited for him. Nagcellphone muna ako at nagselfie. Ganda ng bagong effects ng app na dinownload ko kagabi. Tinitignan ko ang pinakamagandang angle ko ng mahagip ng camera ko ang pinsan ko sa background. Like what the heck akala ko nasa kaibigan to. Lumingon ako sa likod para iconfirm kung siya nga. I was really shocked this time kasama niya si August. Sila? So that explains the birthday ha? Muhkang nawala yung kaba ko kanina. "Elle tubig or juice?" Medyo hinihingal si mike ng inabot sa akin ang mga dala niya. Kinuha ko nalang ang juice at hinila siya sa kamay niya. "Wait, san tayo pupunta?" Tanong niya pero hinila ko siya sa may likuran ng bench nila Vien at sinenyasan na manahimik na muna Nilabas ko ang phone ko para iring yung gamit na number ni Vien kanina and I'm surprised nakita ko si August na kinuha ang cellphone niyang nagriring at nagkatinginan sila ni Vien. Inabot niya ito at siya ang sumagot. "Yes pinsan kong maganda? It's too early may 30minutes pa." Sabi niya at tumatawa lang sila ni August sa harap "Gago ka talaga malamang. I know you are super busy. I'm behind you!" automatic na luminga linga siya at hinanap ako sa dami ng tao. Umabante kami sa harap hinila ko si mike na ngumingiti na ngayon. "You really surprised her." Naka ngiti si mike. Natawa nalang din ako ng nakitang nanlaki ang mata nilang dalawa ni August samin. Lumapit na kami ng tuluyan. "In your friends house huh?" Nangaasar na sabi ko kay Vi. Namula naman siya at tinignan ang nangingiti na si August sa tabi "As if nasa mall ka rin." bawi niya sakin. Natawa nalang kami at nagyakap. Nalaman namin na kanina pa pala silang tanghali dito Napagpasyahan namin na doon nalang magdinner sa Max's restaurant. Naiwan kami ni Vien na nagtutuksuhan sa mesa habang nagoorder yung dalawa. Nagaasaran at nagtatawanan pa sila. "So kayo na? You look good together. That explains the act nung birthday niya." nakangiti at kinikilig kong sinabi sa kaniya boto nako kay August eh. "Hindi pa. Hindi naman nanliligaw. Gusto ko siya pero I'm having doubts alam mo na habulin yan at muhkang maloko. Eh kau ni Michael ba?" Sinasabi niya yun habang nakatingin kay August ngayon. "Hindi pa. He never even ask me kung sasagutin ko na siya. I wanted pero Im scared alam mo na." Malungkot kong sinabi yun. Mahal ko na nga talaga si mike takot lang ako dahil kila kuya. "I know. Let's enjoy this night bago umuwi sila kuya. Look nandiyan na yung dalawa. Busog na yata ako." biglang tawa niya sa dalawang lalaking papalapit ngayon Kumain na nga kami napuno ng asaran at tawanan yung gabi na yun. Tumawag sila mommy nangamusta samin pero bumalik din kami ng table para balikan yung dalawa. After kumain nagdecide nalang kami na umupo muna sa mga bench kung nasan ang maraming tao sa paligid. Napansin ko na medyo lumayo ng konti yung dalawa at lumipat sa katapat ng bench pero nakatalikod samin. Nakangiti ako habang tinitignan sila. Bagay sila. "Ang ganda nila tignan. Bagay sila" nilingon ko si Mike na seryosong nakatitig sakin. Nagiwas siya ng tingin bigla at natawa ako. "Maganda ka ring tignan. Ellie ano ba ginawa mo sakin at ganito kumalabog yung puso ko." humarap siya sakin ng seryoso ang tingin. Halos malaglag na talaga ang puso ko sa kaba at tuwa ewan ko. "Ha?" "Hay. Nevermind, nasabi ko na ba sayo kung gaano kita gusto ipaalam sa pamilya mo? Kaso iniisip ko baka hindi ka pa ready and I respect na nagaaral ka pa." Halos mapungay ang mata niya ng sinasabi niya sakin. "Sa tamang oras Mike" hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti ako sa kaniya. "I just hope na walang magbago satin. Sana gusto mo pa rin ako, marami kang makikilala as time goes by. Bata ka pa and your feelings for me might change'' nakayuko niyang sinabi yun. Nadudurog naman ang puso ko habang naririnig ko yun. "So you're judging my feelings now? You can't really see it huh?" Nakairap ako sa kanya at kinabigla niya naman yun. Hay, this guy is so naive. "What do you mean?" Naguhuluhan niyang tanong sakin. "Manhid" mahinang sabi ko na ako lang halos ang makarinig. "Ano nga Ellie?" I bet may idea na siya, gusto niya lang sabihin ko. "Hindi mo man lang naramdaman? O manhid ka lang talaga?" Inirapan ko siya. Manhid nga! Natahimik siya at napaawang pa ang bibig niya. Silence.. Walang nakapagsalita sa aming dalawa. Hindi ko na kayang itago rin amg nararamdaman ko. Next thing I knew, nag confess na rin pala ako. "What I mean is that our feelings is mutual mike." Ngiting ngiti akong humarap sakanya at bigla nalang ako nakaramdam ng mainit at mabangong yakap. What the hell? We stayed like that for a couple of minutes. It feels surreal. Bahala na, I just want to enjoy the night with him Nakita kong nang tumayo yong dalawang nasa harap namin. Nilapitan na rin nila kami at nagusap sila Mike at August na ihatid na nila kami sa bahay. Nakarating na kami at hindi na namin sila pinapasok sa loob. Lumayo ng konti si Mike at sumunod ako sa kaniya. I will thank him for this wonderful night. "Hey, Thank you pala. Sobrang saya ko." Sabi ko sa kaniya nginitian niya ako. "I'd do anything just to see you happy." "Wala nga akong nabigay in return." Sabi ko naman. Nahihiya talaga ako. Siya pa ang gumastos sa lahat. "Your presence is enough. Walang kapalit. Your smile is priceless. It's enough for me." Lumapit siya sa akin at dinikit ang noo niya sa noo ko. "Goodnight My Love." napakalambing naman niyang sinabi sakin yun nanginig ang buong katawan ko "Good night. Thank you for giving meme the bear to me. I really enjoyed this day so much." Sabi ko naman din sa kanya. Niyakap ko nalang siya at niyakap niya ko ng mahigpit. Enough to feel our love for each other. Tuluyan na ngang umalis yung dalawa at naiwan kami ni Vien sa bahay. Ilang beses pa niya ko kinulit kulit na magkwento at naikwento ko nga kung pano kami nagkita at saan galing si Meme. Nagkwento rin siya kung anong ginawa nila ni August buong araw. Nakikita ko ang pinsan kong masaya. Parehas kaming masaya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD