At last nakauwi kami ng bahay ng safe. Good thing hinatid kami ni Jake at Mike. Hindi ko kayang akayin lahat sila.
Inaya ko si Michael at Jake na magkape sa loob ng bahay. Wala naman sila kuya at parents namin kaya pwede naman. Inakyat namin ng kwarto sila Dane, Sheena, Kaye at vien. Lasingera tong mga ito ngayon nagawang matumba. Nilingon ko si Grey na nasa sofa at nakatulala.
"I'll prepare the coffee, can you guys do me a favor? Please" halos mapiyok ang boses ko maiiyak ako. Ngayon ko lang kasi nakita si Grey na ganyan kalungkot.
Never nagkaroon ng issue sa love life niya. That's nothing to her. Akala ko dati hindi maiinlove ito 'to.
I'm aware of her what's happening to her. Sinasabi niya kasi sa akin. Ako lang ang nalalapitan niya ng mga seryosong bagay na usapan. Ang hirap lang ng situation niya, I can't also handle this kung ako ang nasa kalagayan niya.
"Ano best?" Si jake ang sumagot pero nakita ko rin na nilingon ako ni Michael
"Can you atleast entertain her please? 'Di ko ata kaya makita siyang ganyan eh." nanlulumo akong nakatingin sa kaniya. She is spacing out.
"Sure I'll talk to her. Jake tulungan mo nalang si Ellie for sure kalokohan lang din naman sasabihin mo." Sagot ni michael at agad niyang dinaluhan si Grey sa sofa.
Inayos na namin ni Jake yung two cups ng coffee at twi cups ng hot chocolate. Tumungo narin kami sa sofa para daluhan ang dalawa. Kitang kita ko ang pagtulo ng luha ni Grey at inuumpisahan niya ng maglabas ng damdamin kay Mike.
"Alam ko naman wala akong karapatan kuya eh nasaktan lang ako. Masakit pala yon. Kaibigan ko yung gusto niya. Maganda si Kaye at ganito lang ako." Umiiyak si Grey habang hinihimas ni Mike ang likod niya
Yeah. Tama siya, hindi nga kailangan ng karapatan para magmahal. Sounds pro ha?
"Walang pangit sa inyong magkakaibigan Grey. Kaya nga pinaguusapan kayo diba? Squad goals? At hindi kailangan ng karapatan magmahal. Masakit talaga yan. Kanina lang nalaman ko andun si Ellie sa party at sinabi ni August na may gusto si Paulo sakanya di na ko nagdalawang isip pumunta dun. Hindi ko kakayanin may poporma sa kaniyang iba." Sinabi naman ni michael ng mahina iyon pero sapat na para marinig ko yun
"Isn't that selfish love kuya? Joke kaya boto ako sayo kay elle eh" Napapangiti si Grey sa kanya
"Call it selfish then. I dont care I just love her so much and hindi natin kailangan ng karapatan. Wala kasi tayong assurance na gusto nila tayo pabalik kaya ganito takot tayo" sambit ni mike ng mahina kay grey. Kumalabog bigla yung dibdib ko.
Wow. Seriously? 'Di niya pa nakikita na gusto ko siya? Hayyy I really suck at making people feel what I feel.
"Coffee pre. Graciella oh mag hot chocolate ka muna" singit ni Jake. Timing talaga to kahit kailan. Biglang tumapat siya kay Michael
"Teka teka at anong sabi mo? Poporma si Paulo kay Ellie? Sira ulo siya ah. No way!"
"Wow. Daddy? Haha you shut up best this isn't about me. Si grey ang dadaluhan natin." nilakihan ko na siya ng mata.
"Kilala ko si Pau best. No not him." Sabi ni Jake
"And when did you became judgemental Jacob? Grabe ka!" Sabi ko
"Don't tell me gusto mo siya best. Iuuntog kita talaga seriously." Sabi niya sakin sabay tingin kay Mike na mukhang nagulat
"Baliw ka no? Hindi syempre." Tanggi ko.
"Hindi naman yan makakalapit sayo best tignan mo. Hindi bale nang masira mukha ko sa kaniya wag lang makalapit sayo eh." Si Jake
"I wont let him too. He's a jerk" seryosong sabi ni michael ng nakatingin sakin. Ngiti naman ang sinukli ko sa kanya.
"So over protective." Yon nalang ang nasabi ko. Wala tapos ang usapan may magagawa pa ba ako.
Binigyan namin ng advice si Grey sa nararamdaman niya. Sinabi namin na aminin niya nararamdaman kay Vj at Kaye. Ayoko ng nagkakaroon ng issue ang barkada namin.
Alam ko sasabihin niyang hindi niya kaya. She doesn't like confrontations. Hindi niya kaya. Ayoko naman ako ang magsabi kay Kaye. I want her to tell everything to them para atleast maging aware sila na may nasasaktan sila.
"Pasensya na kayo naistorbo ko pa kayo. Maraming salamat kuya michael, jake at lalo na sayo Ellie." niyakap niya ko ng mahigpit at hinalikan ko siya sa pisngi. Umakyat na siya ng kwarto para matulog.
"Hindi ka istorbo sa amin beb. Ngayon lang kita nakitang ganyan kaya hindi ko alam ano gagawin ko. Take a rest."
"Thank you, I felt better." Sabi niya at umakyat na siya sa kwarto.
Lumabas sandali si Jake para manigarilyo at sinabi na hihintayin niya nalang daw si Mike sa labas.
"Thank you for tonight ingat kayo paguwi ha?" paalam ko kay Jake at Mike. Nalingon kong tinapik ni Jake si Mike at isinenyas na magsisigarilyo siya
"Pagalis namin, Lock the door and wag na kayo lalabas ng bahay. Im so worried. Kung pwede lang ako magbantay sa labas." bumaling sakin Mike at kita ko ang pagaalala sa muhka niya
"I will. Wag ka magalala. We'll be safe. Ang creepy mo." mabilis na sabi ko kay sa kanya at lumapit saiya sakin para mahalikan ako sa noo.
My world froze for a second. Hala. Nashock ako. Simpleng halik pero geez kinikilig ako. Ito nanaman yung kalabog ng dibdib ko eh. Taksil talaga.
Nagpaalam na silang aalis at sinira ko na ang pinto namin. Umakyat narin ako sa kwarto ko at nakitang ang mga kaibigan kong mahimbing nang natutulog. Naligo ako at paghiga ko ng kama ay tumunog ang phone ko. Binuksan ko iyon.
Unknown number:
I can't sleep. Are you asleep? Mike here
Agad kong sinave ang number niya at nagtipa ng reply
Ako:
Hello. Just finished cleaning up. Kakahiga ko lang.
Malamang si jake ang nagbigay ng number ko. I wouldn't mind. Medyo matagal tagal din kami nagkapalitan ng text at halos magiisang oras na.
Mike:
It's late take a rest please. I love you..
Wew. Nagising lahat ng inaantok kong mga ugat ngayon. I decided not to reply na. Hindi ko rin kasi alam anong irereply ko sakanya. I wanted to tell him that I like him pero nahihiya ako. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko at namalayan ko nalang ng makatulog na ako.
Nagising ako ng niyuyugyog ni Sheena na para bang excited sa mangyayari. Napabangon ako at nagtataka. Naiinis ako parang wala pang 2 hours bago ako nakatulog eh.
"What? It's too early Sheena Marie ha?" Nakakunot ang noo ko sakanya
"Hoy 9 am na kumakain na sila ng breakfast at ikaw nalang ang hindi pa. Baka nakakalimutan mo may lakad tayo ngayon?" Iirap irap pa si Sheena sakin habang hinihila akong tumayo "teka ano ba ginawa mo kagabi ha?? Anong oras ka natulog?" Nanliliit pa ang mata niya na parang may gustong ipuntong may ginawa ako
"Duh nagcoffee lang kami nila Jake, mike at Grey. Bababa nako okay? Give me 10 minutes" sinabi ko sakanya para manahimik na siya
Naghilamos na ako at nag toothbrush. Bumaba na ko para makasabay silang kumain. Naririnig ko ang tawa nila na umaalingasaw sa buong bahay. Nakita ko ang niluto ni Vien na bacon eggs at hotdog.
"Good morning" ngiti ko sakanila.
"Muhkang ang ganda ng gising natin ah." Sabi ni kaye ng may nangaasar na ngiti sakin. Sinipat ko siya ng tingin
Nagsimula na kaming kumain ng almusal. "So si vj ang flavor of the night te?" Sabi ni dane kay kaye. Naghalukipkip si kaye at hindi nagbago expression ng muhka niya
"The usual" yun lang ang sabi niya. Naguluhan ako at hindi ko alam kung anong ibig sabihin.
Grey is extra silent today. Mukhang wala siyang gana makipagusap.
Pagkatapos namin nag almusal ay gumayak na kami para umalis. Pupunta kami ngayon sa charity na madalas dinadayuhan nila mommy. Shelter for homeless kids ito. May feeding program kami ngayon at dahil wala parents ko at mga kapatid obligadong ako ang pupunta so I thought of bringing my friends with me.
Naging masaya ang araw na yon. Nagdala kami ng mga laruang pasalubong sa mga bata. Naglaro ng games at tinuruan sila magbasa. Nakakatuwa para kaming bumalik lahat sa pagkabata.
mike:
Hi. Kamusta charity event? Sorry hindi ako nakahabol may make up class kami. Eat well okay? School lang ako hanggang 2 pm. See you!
Nagreply lang ako kay mike at ininvite ko siya sa event kahit alam kong may make up class siya. Baka sakaling makahabol pero 3rd year na kasi siya at alam kong madami siyang tinake na subjects na makakatulong sa business nila sa province.
He's taking up Agricultural Business. I know sila ni Kuya niya ang magmamanage ng business ng mommy nila sa probinsya.
Nag lunch na muna kami sa isang restaurant na malapit bago kami umuwi sa bahay para di na kami magluto. Nag paalam ang mga kaibigan ko na uuwi muna saglit at kukuha ng damit since hanggang bukas pa sila sa amin. Bukas pa naman ng gabi uuwi sila kuya sa bahay.
"Ellie, May nakalimutan akong bilhin. May bibilin lang ako saglit sa NBS mga 1 hour lang balik ako." Natatarantang paalam ni Vien
"What? Ang lapit na natin kanina doon vi. Saan ka pupunta?" Tinaasan ko siya ng kilay. Never pa to umalis magisa. Nagdududa talaga ako dito.
"You are over reacting Elle, remember the book I am telling you? Kahapon ang release. Ngayon lang nagpadala si mommy ng allowance. Don't worry may pasalubong kayo haha" nagpipilit tumawa si vien kahit alam kong nagsisinungaling ito. Sabagay malaki na siya bahala nga siya.
"Okay, just call me ha? Pakibili mo nga rin ako ng serum ko ha? I'll pay you later." sabi ko nalang sakanya muhkang hindi naman paaawat.
Umuwi naman muna ang mga kaibigan ko sa bahay nila. Magpapakita lang daw sa parents nila.
Naiwan ako sa bahay magisa. So boring. Gusto ko man sumama kay vien alam ko kailangan niya ng alone time. Hay life. Naisip ko maglinis nalang para maging productive ako ngayong araw.
Habang nagwawalis ako may napulot akong silver bracelet. Kanino ito? I'm sure 'di to sa mga friends ko. Yeah, I remember kung hindi kay Jake kay Mike ito.
I called Jake pero di naman daw sa kanya yon. So it is Michael's bracelet. I'll just text him.
Ako:
Hey, you left your silver bracelet here. Im cleaning the house alone kaya napansin ko.
Mabilis naman siya nagreply.
Mike:
Wait! What? You are alone? I'll go there later. Where are your friends? Don't go out. Lock the doors. 30 minutes nalang ito.
Grabe din to. May pagka over acting pero knowing na papunta siya binilisan ko paglinis. Nagpalit narin ako ng damit para naman hindi ako amoy pawis.
Biglang may nag doorbell. Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin si Michael na nakangiti. Halos napatanga ako sa kaharap ko. Is a greek God here? Matangkad, fair complexion, expressive na mata matatangos na ilong at ang labing makapal at mapula. s**t ano ba iniisip ko!
"Are you okay? Let's go out!" Masayang bati niya sakin.
"Yeah, nagulat lang ako andito ka agad. Hmm?" Medyo nagulat lang ako san naman kami kaya pupunta. Nakakatakot baka may makakita samin.
"Ayaw mo ba? Akong bahala. I want to have a date with you bago umuwi sila Rye pero it's okay if you're not yet comfortable." Malungkot na sabi niya habang may pilit na ngiti. Agad naman kinurot ang puso ko
"Wait for me here then. Bihis lang ako!" Malapad ang ngiti ko sa kaniya syempre kinikilig din ako. Agad naman siya ngumiti sakin. Tumayo na nga ako at pumunta na sa kwarto ko para magbihis.
Sinalubong niya ako ng tanong pagkababa ko. "Nasan yong pinsan mo at mga kaibigan mo pala?"
"Ah si Vien may binili sa mall. Sila Sheena naman umuwi muna babalik din siguro sila mamaya."
"Ah okay. Tara na?" Sumunod ako sa kaniya.
It's 3:30 in the afternoon. Marami pang makakakita sa amin.
Natatakot ako na baka may makakita or may magsabi kila kuya. Bahala na. I want to be happy with him today. ☺️