three

2015 Words
"Hello po, pasok po kayo hinihintay napo kayo ni August sa loob." sambit ng kasambahay nila. Ginala ko ang mata ko sa service area at nakita ang family picture nila. Only child nga si August. "My next target!" si Kaye. Maharot talaga! "Joke" "Gago! Friendship over tayo nun!!" Sabi ni sheena na iritang irita na sa presensya ni Jake. Nagulat kami sa pagbaling niya kay jake ngayon. "Ikaw ha wag ka lalapit sakin andyan mga pinsan ko, pabugbog kita bwisit ka." "Ano? Ako bubugbog sayo eh feeling mo e." Iritang ganti naman ni Jake kay Sheena "Hi everyone. Welcome to my party." Wow. Gwapong si August ang biglang nagsalita sa likod namin. "Happy birthday August!" Bati ko at nakita kong sinuklian niya ako ng matamis na ngiti. Sumunod narin ang mga kaibigan kong bumati. Magkakilala na din kasi kami ni August dahil business partners ang parents namin. Nung bata ako naaalala ko kasama namin ang family nila nung nagpunta kami ng Hongkong. Nagtataka lang ako kay Vien ang tahimik niya ngayon. Unusual naman ito, madalas siya ang pinaka madaldal. Baka wala lang sa mood. "Aren't you gonna great me tonight??" Nilingon ko kung sino ang sinabihan ni August at nakita kong ang pinsan kong pulang pulang parang kamatis. Anong meron? "H-happy Birthday!" nilalabanan na niya ang titig ni August ngayon. "Thank you. Tara sa garden kain muna kayo." iginiya niya kami sa garden nila para kumuha ng pagkain at pinuwesto niya kami sa table na malapit kila Jake. "Hmmm. I smell something fishy!" Tumatawa si Sheena at binatukan ang pinsan. "Ouch! Is that even your gift?!" Reklamo ni august kay sheena na nakahawak sa batok niya. "Hindi insan, dala ko nga regalo ko eh di ko lang nabalot!" Bulong ng nakangiting sheena sabay tingin kay vien na busy na sa pag cellphone. Ginulo naman ni August ang buhok ni Sheena. Bongga dahil catering pa talaga ito 'di naman debut. Wala ang parents ni August puro mga relatives niya lang ang nandito. Isa isa na kaming kumuha ng pagkain namin at umupo sa table namin. Medyo nakakailang kumain dahil ang daming nakatingin sa amin. May mga close friends si August dito relatives and schoolmates niya sa university nila. Nung dumating kasi kami daming matang nakatingin pero isang pares ng mata lang ang gusto kong tumitig sakin ngayon pero wala siya. "Are you okay best?" Tanong ni Jake sakin. "Jake? How dare you. Iniwan mo lang ako saglit arghh!" inis na inis 'tong babaeng 'to. Ano ba akala nito? "Sab, I told you i'll get back to you." Naiirita pero kalmadong sinabi ni jake. Tumingin ng masama sakin yung babae. Wow parang sinasaksak ako ha. "May problema ka ba? You look like you're going to wreck me!" Hindi ko napigilan ang sarili ko. Grabe na kasi parang nangiinsulto yung tingin niya sakin. "Wala naman. Yung kamay mo kasi grabe pagkakapit sa boyfriend ko." Maarte niyang sabi. "Best, you already have a girlfriend? Why didn't you tell me? Eh bakit parang hindi niya ako alam kung sino ako sayo." Inis kong sinabi. Masasabunutan ko itong babaeng 'to. Nagpipigil lang ako. "Tigilan mo na nga pagiging isip bata Sab." Medyo tumaas ang tono ng boses ni Jake "I'm Amara Chriztelle Lagdameo call me Ellie. bestfriend ni Jake." pagpapakilala ko sa babae. Umaliwalas ang muhka ng babae "And they are my friends. Vien, Dane, kaye, Grey and Sheena. Walang dapat ipagselos samin dahil kaibigan namin siya." Pagpapakilala ko sa mga kaibigan ko habang nakairap sa babae. "Oh yeah Sorry! I should have known. I'm sorry talaga ha? You all look good. Bagay yata ako sa circle of friends niyo." ngiting ngiting sabi ni sab. I think I met her somewhere. "Bitchesa! Letse." Padabog na sabi ni sheena. Nagulat naman ang lahat sa kinilos niya. "What did you say?" Maarteng sabi ni sab ng nakataas ang kilay. "Ako na kukuha. Sorry Sab mahilig talaga sa Letse flan 'tong si Sheena eh at ako rin nagccrave ako." Tatayo na sana ako pero nakita kong may binulong si Jake sa babae at hinila ako paupo ni jake. "Oh enjoy the night girls. See you later" binalingan niya si Jake at tumango lang ito. "Kung ako yon girl kalbo na. Ang arte. Jowa mo yon?" Tanong ni Kaye kay Jake "What? Hindi no." Pagtanggi ni Jake. "Ah sayang naman. Bagay kayo eh parehas mukhang hayop!" Si Sheena "So bagay din tayo? Animal ka rin eh." "Buti nakapagpigil ako. Ayoko manira ng party ng iba. That was so close!" Nakakahiya rin kung patulan ko ang daming tao. "Dessert na tayo." Si Dane naman ang sumingit. "Ako na kukuha best. Di ka pwede mag model model dun ang daming hator diyan at may alak dito." Pagbabanta ng bestfriend ko at anong model kukuha lang ng dessert. Sira ulo! "Ikaw na nga bessy baka may lason or gayuma pa yan pagbalik." nagiinarte si sheena "Oh e 'di ikaw nalang kumuha oh? Ikaw ang mag model dun tutal model ka naman." Medyo sarcastic na sabi ni Jake. Muhka kaming baliw na pabalik balik ang tingin sa dalawang 'to. "Tara na Jake tayo nalang nga para di na kayo magaway we are here to enjoy." Sabi ko at sumunod ako kay Jake. Naglalakad kami at nakakuha na ng dessert at 4 na plato talaga yun sa dami. Nakakahiya man pero carry nato. Habang naglalakad kami pabalik sa table ay may tumawag kay Jake. "Tol, ang dami niyan ah. Sugar rush?" Tanong ng isang gwapong chinitong lalaki. Schoolmate ko yata to dati pero ahead siya samin. "Oh hi there" biglang lambing ng boses niya sakin "Hello. We'll just drop this in our table" sabi ko. Malalaking plate kasi ito at nakakahiya baka akala pa nila akin to lahat. "Balik kami pagtapos nila kumain Ced." ani Jake sa lalaki. Ngumiti naman ito. Naglakad kami pabalik sa table namin at inubos na ang dessert. Palinga linga ang mga mata nitong mga kaibigan ko nag wiwindow shopping nanaman ng mga gwapo. "Hey, you guys alright? Nabusog ba kayo?" Nakayuko si August sa likod ni vien pero palipat lipat ang tingin samin. "Sobra thanks August ah naenjoy namin yung food." Natutuwang si Dane "Good. Dou guys want to drink?" Tanong niya "Anong akala mo naman samin insan 12 years old?? Hello?? Were 18 damn. Diba vieny?" Sheena rolled her eyes. "A-ah O-oo!" nauutal pa tong pinsan kong nakayuko.. hmm "Are you allowed to drink?" Ani august pero kay vien nakatingin. Nag angat naman ito ng tingin si sa kaniya at tumango ito. "Okay I'll prepare San mig apple for you girls. After punta kayo dun sa long table ha?" "Sige pre. Hintayin ko nalang sila. sunod kami." Sabi ni Jake "Bakit may pahaging si papa august girl? Ano to may something?" Nakangiting si Kaye kay Vien "Ha?" Nagulat pa si vien "Ha?" Panggaya ko sakanya parang baliw. "Yun lang sagot? Sabi ko na nga ba eh may something!!" Pagasar ko rin sa kaniya "Wala nagdedelusyon lang kayo." Sabi ni Vien "Tigilan niyo na si vi. Alam mo naman yang pinsan ko malandi rin." singit ni Sheena Pagkatapos namin ay naisipan na namin makisali sa long table. Siguro ay mga 12 katao nalang ang nandoon. Pinakilala ni august samin ang mga kaibigan niyang sila Joms, Vj, Ced, paulo, mitch, sab, kikay mga barkada niya. Si april, wendy, seth at will ay mga pinsan ni august. "Seth ang laway mo nga tumutulo na. Matutunaw na sila kakatitig mo." nang aasar na sabi ni wendy sa pinsang si seth "Halata ka masyado. Mangigisda ka talaga!" si april naman ang nagsalita "It's rude to stare brother." sabi ni will sa gilid ni seth. Nag angat ako ng tingin at nakita siyang naka titig sakin. Naconscious ako. May dumi kaya ako sa muhka. "Can't help. Ang gaganda ng friends mo Sheena. For sure taken na mga yan eh" sabi ni seth "No we're all single" sambit ni Kaye "Pero may ilang hindi available?" Singit naman ni Paulo habang nakatingin sakin. Ang lagkit naman tumingin nito. Nakakailang "August, I wonder sino yung nagpapakilig sayo eh.. hmm" nangaasar si Ced "Oh nandito ba?" Sabi ni Vj habang napapatingin sa side namin "Ohh really ha? Kaya binusted moko? Nasan para makilatis" sabi naman ng baklang si kikay. "Wow ha? Biglang hot seat ako. Nagpapakilig? That's so gay." Natatawang sabi ni august "Eh ano san nagpapa ibig ganun?" Sabi ni sheena kay august . Tinaas nalang ni august ang kilay niya at nagtawanan na lahat. "Ellie right? You look familiar. Do you have a boyfriend?" Seryosong tanong ni Paulo sakin. Napaka init naman at pinagpapawisan ako lakas naman ng loob nito. "I dont have." Ngumiti nalang din ako at di pinapansin yung kalabit ni sheena. "But she is not available." isang boses ang narinig ko ang nagpatayo sa balahibo ko. "Happy birthday pre, sorry Im late" baling naman ni Michael kay August "Dude, I knew it. Di moko matiis." si august nakatayo na para salubungin si michael. Kitang kita ko naman ang pagkainis ni paulo. Pinapakain nila si mike pero sabi niya tapos na daw siya. Tumayo bigla si Sheena para ibigay ang upuan niya kay michael para magkatabi kami. Humigit nalang ng isa pang upuan si August na itinabi niya kay mike para upuan ni sheena. Rinig na rinig ko ang pagtikhim ni Michael sa gilid ko. Para bang pikon na pikon siya sa mundo. Gusto ko siyang silipin pero nahihiya ako at alam ko na nakatitig siya sakin ngayon. Nilapit niya sakin ang kanyang upuan at medyo bumubulong siya sakin lalo ako nanigas sa kinauupuan ko. "Hey, not in the mood?" Lakas loob ko ng tinanong sakanya. Di rin ako mapakali sa kakaisip kung anong problema niya "Sorry hindi naman. Nairita lang ako." Aniya "Sakin?" Naguguluhang tanong ko "Hindi. Naiirita ko sa mga lalaking panay ang titig sayo kanina kapa tunaw na tunaw eh." Nagiigting ang panga niyang nakatitig sa mga lalaki sa lamesa "Hey. Im happy your here!" pinisil ko ang kamay niya para maalis ang pagkairita niya. Totoo naman talagang masaya ako at andito siya sa tabi ko ngayon. "Ang dami kong nerereview pero nung sinabi ni Jake na nandito kayo nagmadali akong magpunta. I knew it, someone will hit on you. Good thing di pa ko late" Nakangisi niyang sabi sakin habang nakatitig sa mga mata ko "Baliw. Ikaw talaga." Namula na yata buong muhka ko sa kilig ko. Talaga ting lalaking to alam pano ako pakiligin "Totoo nga. Tignan mo nga si Paulo alam ko mga gaya mo tipo niya. Alam ko style niya kaya hindi ako mapakali. Hindi rin ako makapag focus sa inaaral ko." Sabi niya "Aww. Selosa naman niya." Tinatawanan ko siya. "That is your effect on me Ellie." Masuyo niyang sinabi sakin yon. Halos lumipad palabas yung puso ko. Damn. "Ehem" nanunuksong si jake ang nasa harap ko ngayon. Nasapok ko siya sa ginawa ko at pinagalitan ko siya dahil ang dami nirereview ni michael pero pinapunta niya parin. "Hindi ko pinilit yan best, nagtatanong lang siya, sinasagot ko. Tapos bigla bigla nandito na pala siya." Mapanuksong tingin niya kay Michael "Ano ba kasing tinanong mo?" Tanong ko naman kay Mike "Wala yon." Medyo namumula pa siya "Tinanong niya kaya sino yung mga kumakausap sayo. Sinabi ko naman. Ellie lang malakas!" Lumalim ang gabi at napadami narin ang alak na nainom namin. Halos malasing na lahat ng mga lalaking andito at tipsy narin ang mga kaibigan ko. Inis na inis ako sa ginawa nilang pagalis alis kung saan. Kanina si Vien ang hinahanap ko ngayon naman si Kaye. "What the hell? Asan ba si Vien at kaye?" Naiinis ako at madaling araw na andito pa kami. Inis na inis akong inikot ang garden kasama si michael na kinakalma ako at nakita ko si Kaye na nakikipag make out kay Vj. Naramdaman ko ang pisil sa braso ni Grey at naluluha na siya sa nakikita. Sumulpot narin si vien sa likod ko at inaya ko narin silang umuwi. Hindi ko alam kung papagalitan ko si Kaye dahil nasaktan niya si Grey. Napansin ko nalang nasa harap na kami ng pinto. This is not good.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD