two

2008 Words
"Hay ilang months nalang college narin tayo. So excited, more experience more boys hahaha" humahalakhak na si Kaye. Kahit kailan talaga ang bruhang 'to puro kalandian ang alam. Siya kasi pinakamatanda sa amin kaya mas matured ang isip. Medyo maharot siya pero atleast she's real.. "Yuck!! Kalandi talaga. Ako countdown 4 more years tapos na kalbaryo ko ayoko na kasi magaral eh" sabi ni Dane na bugnot na bugnot na sa school life niya. Ito namang babae na ito parang tomboy, magandang parang lalaki kumilos. Pinaka-tamad din siya sa amin. Siya ang outspoken sa barkada. "Basta guys ha usapan magkakasama tayo ng school hanggang grumaduate. Hindi ko yata kayang ako lang magisa." Laging speech ni Grey dahil talagang takot magisa to eh Si Grey naman, Siya ang shy type ng barkada. Zero ang confidence level nito. Hindi ko alam kung bakit, maganda naman at matalino. "Grey, you are pretty and smart hindi naman tayo magkakasama hanggang mag work tayo. We'll be apart someday but our friendship still remains." Seryosong sabi ko kay Grey. Ganyan lagi kailangan namin siya bigyan ng words of encouragement baka kasi pagka-nagkahiwalay kami magkaroon siya ng separation anxiety. "Tignan mo nga yang katabi mo." pagkasabi ni Vien ay agad kong nilingon si Sheena "Nananaginip nanaman ng gising ang loka-loka." "Haliparot oh lumilipad nanaman ang utak. Iniisip isip na siguro nito kung anong gagawin niyang moves para mapansin siya ng prince charming niya.. you go girl" natatawang sabi ni Kaye kay Sheena na nangingiti narin habang nalagay ang kamay sa baba niya. "Excited lang naman ako grabe kayo ah. Alam mo yon, sa isang university na kami tapos senior ko pa siya at same course pa hayyyyy malapit na talaga sa pangarap." Kinikilig na sinabi ni Sheena. "Sana all" "Saka na natin yan pagusapan pag nakapag enroll na tayo. Wala pa nga eh." singit ni Dane sa usapan napatango nalang kami "Baka naman maisipan mo na magpakababae sa college te. Tutulungan kita. Maraming papables sa college." Nag volunteer si Kaye pero nanlaki ang mata ni Dane at umiling. "Baka naman maging wild din yan. Joke" tawang tawa talaga ko "Oy, tibo ka ba? O ano? Baka naman pinagnanasahan mo na kami." si Kaye "Oo nga baka hindi namin alam may tinatago ka pala. Eww!" Si Sheena naman ang nang asar. Wala naman siyang problema sa mga tomboy, inaasar niya lang talaga si Dane. Habang tumatawa kami, tumayo si Dane at humarap kay Kaye at Sheena. ''Buwisit kayong dalawa. Una, hindi ako tomboy. Pangalawa, mas maganda pa ako sa inyong dalawa salamat make up naman kayo eh. Pangatlo, maging tibo man ako hindi kayo ang pagnanasahan ko." Halos mahingal na sabi ni Dane. Yun na yata ang pinamahaba na sinabi niya. Natahimik kami. Nagpipigil ng tawa. Hindi ko na napigilan napahagikgik na talaga ako at maiiyak na katatawa. "Burned Bitches!" Si Vien "Tama na nga yan, baka kung saan pa mapunta yong usapan na yan." Pag pigil ni Grey sa kanila. Right. I remember nung grade 7 kami nagaway si Sheena at Dane at nauwi sa sabunutan. "Walang tao sa bahay nasa Nueva Ecija sila Kuya at sila Tita naman nasa Macau kaya we are free to hang out." Masayang sinabi ni Vien sa lahat "Tara. Milk tea time. My treat!" Pag aya ko sa kanila. Excited naman silang tumayo at nagmamadali. Usually after school kasi bago kami umuwi nagmemeryenda muna kami pag walang exams. Nasa Tea house na kami habang nanood ng mga videos online. Natigil kami ng biglang nag ring ang phone ni Sheena. "Oh ano nanaman? Pasalamat ka pa nga at sinagot ko tawag mo. Ang feeling mo!!" Gigil na sabi ni Sheena sa kausap. Alam na. Pag ganyan siya si Jake lang naman ang kinaiinisan niyan. "Ay s**t, oo nga pala. Gosh, sige papunta na ba kayo? Timing muhkang available kami lahat pero magbibihis muna kami ha naka uniform kami eh." Naka ngisi na sabi ni Sheena samin. Bipolar yata ito kanina galit ngayon naman naka ngiti na. "What? I hate you more kadiri na to yuck kadiring Jake feeling talaga!" Halos naduduwal na siya "Arte lang? Buti nga ikaw tinatawagan ng bestfriend ko. Tampo na ako." nalulungkot na sabi ko kay Sheena "So blessed ako ganun? Nako dun kana nga sa bestfriend mo na yon. Siya nalang naman bestfriend mo. Pumili ka siraulo pa." Tsh. Childish pero cute. Selosa naman nito. "Over acting ha? Sige ka wag mo ko ipush sa iba baka magkatotoo." Pagloko ko sa kaniya at gulat naman ang makikita sa muhka niya. Natawa kami sa expression ng muhka niya. Inaya kami ni Sheena sa birthday ng pinsan niya. At first we are hesitant kasi hindi naman kami invited nakakahiya lang. Pero desidido siya at napag alaman namin na si August pala yon. Kilala naman namin siya so sumama nalang din kami. Napag desisyunan namin ni Vien na ipaalam sina Dane at Grey dahil parents lang nila ang medyo strict sabi namin may group study kami at pajama party. This is our favorite part pag wala family namin ni Vien we can do whatever we want. Nagring ang phone ko bigla at nakitang si kuya Bob ito. "Hi kuya. Iniwan niyo kami dito." kunwaring nalungkot ako. "baby 3 days lang ito for our business okay? Nueva ecija lang kami. If everything happens call us immediately 2 hours byahe lang to papunta dyan. Kumain na ba kayo?" "Yes po kuya. Wala ata stock sa ref ng meat kuya puro gulay. Di po kasi makakapunta si ate Gloria ngayon at anak niya dahil namatayan sila." Ang gusto ko lang naman maghingi ng pang grocery para makapagluto ako while my friends are here "s**t! Ngayon pa naman kailangan si manang. Pauunahin ko nalang si Rye umuwi diyan." "No it's okay kuya. You need to close the deal. Kaya na namin ni vien ito and my friends." "Friends?? Chriztelle!! No boys or else.." kinabahan ako.. "Kuya ano kaba. Sino ba best friends ko ikaw naman." Napainom ako ng tubig sa kaba. "Only Vien, Shie, Grey, Kaye and Dane. All girls kuya." "Alright. Good diyan mo na muna sila patulugin for the mean time. Check your account mag grocery kayo and please wag gumala. I have my eyes on you okay? Love you" Napaka bossy talaga but we are so spoiled. "Thank you kuya. Good luck. Love you too. Ingat kayo lagi diyan." napa sigaw ako sa huling sinabi ko sa wakas. I even checked my bank account and yes may extra allowance and pang grocery pa. Isa isang dumating ang mga kaibigan ko at pinagbuksan sila ni Vien ng pinto. We are all so excited. Kanina pa ang party. "Oh my G!" naka O pa ang bibig ng gagang Kaye sa cellphone niya at tumingin kaming lahat habang tinitignan ang IG story ni August. "Sheena, nandun ang mga barkada ni August. Malamang nandun si Joms at Vj" malamig na sabi ni Grey at tumingin kay kaye na ngayon ay naka kagat labi. "Don't worry Grey everything is fine with me. The more the merrier!" Nag hairflip pa si Kaye Kitang kita ko ang malungkot pero nakairap na si Grey. Masaya kami magkakaibigan pero I know na may issues din kami lahat hindi naman maiiwasan yun sa pagkakaibigan kahit nga sa family pero lahat naaayos naman. "Guys behave kayo. Nandun ang mga kamag anak ko hanggang 8pm aalis wag kayo mag wild." naka ismid na sabi ni Sheena samin. "Wow. Hoy ikaw at si kaye lang naman ang magaslaw eh" sabay tawa na si Dane sa kaniya. Real talk. Nagtawanan nanaman kami. "Huh? At nagsasalita na siya. Eh kesa sayo ikaw tomboy kaya tatandang dalaga. Tse!" Lalo kami natawa I just love these girls. Natahimik ang lahat at nag prepare na dahil mayamaya aalis na kami. "Guys bagay ba?" Nilingon namin si Vien na nakasuot ng spaghetti strap na black at super duper short shorts na black. "Sexy babe!" nagapir sila ni Kaye alam kong sexy talaga tong pinsan ko pero papatayin kami ng mga kuya ko nito. "What do you think cous?" Tanong niya sakin habang tumatawa "Vi, you look hot on those clothes pero ano te stripper? Garden party lang ang punta natin hindi club." sabi ko sa kaniya habang napairap ako. "I know im just teasing you. Papalitan ko shorts ko noh and put a jacket on. Duh?" Nakangising sabi ni Vien loka loka talaga 'to. "Elle, baka nandoon si Michael mo ayiiee.." pabulong na sabi ni Grey sakin. Itong nerd na to inaasar ako ha? "Just so you know girl, nandun din si Vj so good luck girl." nakita ko siyang namula sa sinabi ko. Niyakap ko nalang ang cute talaga ng bunso namin. "Ellie, natatakot ako. Baka mapahiya ako dun. Pwede bang sa tabi mo lang ako lagi." nakita kong malungkot ang muhka niya parang pinipiga ang puso ko. Ang clumsy naman kasi nitong babaeng ito eh. "Beb, wag mo kasi pangunahan ang mangyayari. Kubg ano ano na naiisip mo. I want you to think na magsasaya tayo ngayon at hindi dahil sa boys kung 'di sa adventure natin mag barkada." saka ko lang siya binitiwan sa pag yakap ng nakitang ready na sila at ako nalang ang hindi pa. Great! "Porke pinaka fresh pinakamabagal? Bilis Ellie malalasing na mga gwapo dun. Bagal bagal." iritang sabi ni kaye "Girl, maghintay lang ng konti. Aabot ka pa naman. For sure aura ka dun." Tumayo na ako at paakyat na. "Nako wag ka mageffort masyado magmumuhka nanaman kaming alalay mo haha" sigaw ni Dane habang tumatakbo ako sa kwarto. Baliw tong mga to. Nagsuot nalang ako ng off shoulders na floral at shorts na black. Simple lang baka magreklamo nanaman mga kasama ko at sa bahay lang naman yung party. Pag baba ko nakita ko na sila na nagpipicture taking syempre nakisali ako. Ang gaganda netong mga kaibigan ko. Napangiti ako. Naalala ko dati, naging kilala at matunog kami nung highschool dahil nga lagi napapansin kaming magkakaibigan puro papuri sa ganda, talino at talent. Naputol ang pagalala ko nang moment namin ng biglang may nagdoorbell. Binuksan ni Grey ang pinto at bumungad si Jake na susundo samin. "Hi girls. Gaganda niyo ha? Lalo na yun oh". Tumatawang nakaturo ang nguso kay Sheena. "Hindi ba sabi niyo kanina mag tataxi tayo. Eh bakit kailangan may unggoy na susundo pa? Tsk" naaasiwang si Sheena. I don't know why she hates him that much. "Inutusan lang ako nang pinsan mo na sunduin kayo. Hindi lang ikaw. Feeling din." Bawi ni Jake. Napangiti ako. Bagay sila. "Hay nako tara na nga at baka may madevelop pa dito mamaya haha" nagevil laugh ang vien at pikon na pikon nanaman si sheena sakanya "Best tara na? Not sure kung pupunta siya di ko nasabi na pupunta ka e" bulong ni jake sakin. "Hindi ko naman tinatanong best baliw ka rin eh." sinapok ko na "bagay sayo, tara na nga!" "Anong sasakyan niya ang dala mo?" Taning ni Sheena "Everest. Daming tanong." Napairap nalang siya sa sagot ni Jake. Sumakay na kami isa isa. Si Sheena ayaw umupo sa harap so ako nalang ang umupo. "Kamusta ka? Namiss kita." Si Jake na sinabi sakin habang nagmamaneho. "Duh. Kakakita lang natin two days ago best. Pero sige namiss na rin kita." Nakangiti kong sqbi sa kaniya. Jake is a good friend of mine. We've been good friends three years ago at naging mag best friend nga kami. They may not be one of the elites but he is really smart. Napakabait na tao Isa rin tong shipper namin ni Michael eh. Nagpapaka cupid. Childhood friend sila ni Mike and He knows him very well. It was a 20 minute drive from Cubao to our destination. Smooth ang pagdrive ni Jake. Nang nandun na kami ay naexcite na kami ang ganda ng set up ng garden cozy vibe, lantern ang nagsisilbing ilaw doon. Medyo marami nang tao at inaya na kami ni sheena pumasok sa bahay nila August. Im looking forward to enjoy this night. Hope he's here too. I'm sure im going to enjoy this. Walang bantay :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD