"Ano na pre shot mo na, nakakahiya sa mga chicks dito!" Sigaw ng isang lalaking lasing na lasing na.
Nakabusangot kami ng pinsan kong si Vien habang nakikinig sa likod ng pintuan ng bahay namin. Great! May inuman nanaman sa bahay. Oh yeah, Last week of the month may gathering ang group nila Kuya Bob and Kuya Rye.
My parents are not home malamang out of town kasi ilang days na silang wala. My family is managing several businesses kaya madalas busy sila mom and dad. Both of my brothers are also involved with our business, ngayon naglaan lang sila ng oras para sa gathering na yan.
"Boss, andyan na pala mga prinsesa niyo. Kauuwi lang galing school." Sambit ni Alex, isa sa mga barkada ng kuya namin.
Padabog kong binuksan ang pinto at nakasimangot na tumingin sa mga tao sa paligid. Nakakasulasok ang amoy. Naghalong sigarilyo, vape at alak. Pwede naman kasi sa garden uminom bakit dito pa sa receiving area. Lasing na mga tao dito, my gosh! Ang kalat.
"Oh andito na pala ang bunso ko. Pasyal ka muna kila Dane or kila Sheena ha may meeting kasi kami ngayon e bunso sorry this is urgent." Lumapit samin ni kuya Bob. Namumungay ang mata at amoy sigarilyo at alak naghahalo.
Napatingin ako sa kaniya at nagiwas nalang ng tingin. Lagi naman importante daw, I don't get the point. May meeting pala na ganito may mga babae pang kasama na mukhang mga pang one night stand naman kulang nalang maghubad sa iksi ng suot.
"Ellie at Vien, wala na saba kayong sasabihin kila Mommy at Daddy ha? Kami na bahala sa allowance niyo at papayagan ko kayo lumabas para mag hang out with friends only ha? Okay ba yon?" Tumango nalang kami wala namang choice eh. We'll just shut up.
"Opo kuya, don't worry it's fine with me. Basta dagdag baon ha? balak kasi namin bumili ng project namin at sana rin plano namin magmilk tea ni Ellie bukas after school." Naka ngiting sabi ni Vien kay kuya at Natatawa naman itong pumayag sa kaniya.
Para na rin namin kapatid si Vi dahil nasa abroad ang mommy niya at sa amin na siya lumaki. Ang daddy naman niyang Phil-Am ay namatay nung bata pa kami.
Nagpaalam na lumabas sila kuya at iba niyang kaibigan dahil bibili pa daw ng alak at pulutan once a month lang daw kasi ito kaya sinusulit na nila. Bigtime sila in all fairness.
Hindi ko naiwasan ilibot ang mata ko sa buong sala. Nahagip ng aking mga mata ang isang lalaking nakatakip ng cap ang mukha. I knew it. Nice! Kahit takpan niya pa muhka niya diyan.
I know him too well.
Nagulat ako ng may biglang umupo na mga babae sa tabi niya kasama ang pinsan niyang si June at kuya na si Mervin. Nakita ko ang pagsalubong niya ng tingin sa akin at napako na ang mga titig ko sa kaniya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon.
"What the heck? Napuno na ng fucktards ang bahay ninyo. Eeww!" Biglang hatak sakin ni Vien papunta sa kwarto namin sa taas. Binilisan namin maligo at magpalit ng damit na pang bahay para mabilis kami makapunta kila Kaye.
Mabilisan din kami bumaba ng hagdan hinanap ng mata ko si Michael na kanina lang tinitignan ko at wala na siya doon. Si June , Mervin at ang mga babae nalang ang nandoon. Aba naman talaga. San na kaya nagpunta yon.. Hmm. Maybe he is out flirting with some girls? Or maybe not. tskkk isip ko talaga ang dumi..
Lumabas na kami ng bahay para makaalis sa nakaka suffocate na bahay namin. Naglakad kami papunta kila Kaye para magpalipas ng oras. Doon narin siguro kami magdinner. Panigurado hindi naman hahayaan ng lola ni Kaye na pag nandoon kami ay hindi kami kakain.
Nadatnan namin sila Dane at grey doon. Sila kasi ay nasa iisang group lang sa project sa isa naming subject. Pinanood lang namin sila tapusin ang ginagawa nila at naglaro nalang kami ng online game ni Vien.
Maya maya tinawag na kami sa kusina para kumain ng dinner. Nagprepare ang lola ni Kaye ng Bistek tagalog. My favorite!
"Same old girl? May session nanaman sa inyo noh?" Tanong ni Kaye samin ni Vien. Di na ako umimik.
They knew why we stay outside pag may session sila kuya. They have a group parang organization or fraternity. Ewan ko sa kanila. Wala akong interest alamin pa 'yon.
"What's new? And do you know that someone's hurt here.. HAHAHAHA" Nang aasar na tingin ang binigay ni Vien sakin. Argg pinsan ko ba to? Buwisit!
Pinagpatuloy niya doon ang kwento simula paguwi namin hanggang sa nakita namin sila Mike. Goodness ni hindi man lang ako binigyan ng chance ikwento yung side ko. 'Di naman ako masyado na hurt ano ba yun wala namang kami eh na shock lang ako. ganun lang.
"Girls!!!" biglang sigaw ni Sheena. My bestfriend na best friend yata lahat ng tao.
Umupo na siya sa dining table nila kaye at nagsimula narin kumain. Bigla siyang bumaling sakin.
"Bes, i need to explain everything." I get it now. For sure, kinausap siya na iexplain niya yung side ni Michael, her bestfriend.
"Yeah, the spokesperson!" Sabi ni kaye na nakairap pa. Hinawakan niya ang kamay ko na akala mo talagang brokenhearted ako ng bongga.
" Bessy, Alam mo naman na nandoon lang siya sa monthly meeting nila para makisama. Umiinom siya oo, masaya siya kasama sila pero hindi ang mga babae dun. Yung lumapit daw sa kaniya hindi niya nga naman daw kilala at mga fling lang daw ni June yun." Pagpapaliwanag ni Sheena sakin. Alam ko na gusto nito eh. Pagbabatiin niya lang kami eh. "wag kana magalit sakanya. He's..--!"
"Hey, No worries. Hindi ko naman ginagawang big deal yun eh. Nagulat lang ako siyempre I like him pero I don't hold grudges. Hindi rin naman kami para mag inarte ako best. Sabi niyo nga Mutual Understanding lang meron kami. It's not a relationship like thing. Malaman pa nila kuya baka paalisin siya sa grupo or worst bugbugin siya." Pinutol ko na sinabi niya. Pagpapaliwanag ko rin. Wala naman kasi talaga kaming relationship. Ni hindi pa nga nagusap in personal DUH!! puro si Sheena lang eh dahil parehas niya kami bestfriend.
Hindi natapos ang asaran at kulitan namin. As per what happened, ako ang hot seat ngayon. Those bullies. Muntik na ako maiyak sa pagkapikon lalo't hindi ako pinapasingit sa usapan nila Kaye. Babawi ako pag ako nang alaska sa mga ito. Hintayin nila ang ganti nang api. Haha
Natapos kami kumain at nanuod kami ng movies. As usual, nagaway pa sila kung anong movie ang papanoorin. So we watch a romantic comedy film after that mystery thriller film naman. Mapagbigyan lang ang gusto nitong mga kaibigan ko.
It's already 11:30 nag pasya na kami umuwi. Naglalakad kami sa street nila Kaye ng biglang may humila sa kamay ko.
Madilim ang daan at sobra sobra na ang kaba ko. Tumingin ako sa lalaki na humila ng kamay ko at sisigaw na sana si Vien ng tinakpan niya ang bibig nito. Tinitignan ko ng maigi ang figure na nasa harap ko at lalo akong pinagpawisan ng magsalita siya.
"It's already late. Nasa labas pa kayo. Lasing na mga kuya niyo baka mapano pa kayo sa daan. Ang daming nagaaway na lasing oh!" Turo niya sa mga magsusuntukan ng mga lalaki sa kalsada.
"Gosh Michael thank you for saving us ha. We could have been r***d geez!" halos mabulunan naman ako sa sinabi nito. r**e agad agad? babaeng to walang kahihiyan. Sinilip ko naman si Michael at ngingiti ngiti siya ngayon. Parang tanga to. Kinikilig yata sakin 'to!
"I'll take you home. Tara na may pasok pa kayo bukas." Sumunod nalang kami ni Vien sakanya. Nang makarating kami ilang block bago ang bahay tumigil si Vien at biglang nagsalita.
"You guys should clear things out I guess. First face to face encounter ha? Goodluck. " Masama ko siyang tinignan at gusto ko siyang sabunutan ngayon, as in ngayon na!!!!
"Enjoy, You look good together pala noh? sweet. Thanks Mike Bye!" Pinaglakihan ki siya ng mata. Nakakahiya na talaga. binato ko yung paubos na coke bottle ko sa kaniya at tumatawa tawa nang pumasok ng bahay.
"Baliw na talaga yung pinsan ko. Pasensiya ka na ha? Kung pwede ko lang izipper bunganga niya ginawa ko na." Halos mamula ako sa kahihiya. Napangiti naman itong lalaki sa harap ko.
"I-is it okay if I talk to you now? T-tulog naman na sila kuya mo and may sasabihin lang ako." Halos di niya ko matignan sa mata. Nautal pa. cute naman nitong taong ito.
"Sure. 'Di lang ako sanay kasi first time natin magusap in person." sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa mga paa ko. Nang akmang magsasalita na siya ay nagangat ako ng tingin at napadpad sa mga mata niya.
"Look, I just want to say sorry kanina. Yeah, I am a part the group never ako natuwa at nagenjoy sa mga babae na tinatawagan nila. Those girls are cheap girl damn. I just don't want to give you a bad impression that I am flirting with them." Mahinahon niyang pinaliwanag sakin habang tinitignan ako sa mata. Wow natagalan ko yung titig niya.
"Hmm. I see, You don't really need to explain it. I mean, I understand. I know my brothers too well." I just smiled para hindi na siya magisip.
"It's always you that I like, okay? I hope nothing will change." Wow nothing will change huh? Ano 'yon Inabot niya sakin yung letter na dala dala niya. Kinuha ko naman yun.
"Goodnight Ellie. Get inside, It's late."
Awkward silence. Anong sasabihin ko ba dapat pag ganito?
Tinapik ko siya sa balikat "Thank you sa paghatid. Goodnight!" Nakita ko siyang ngumiti. Errr.. Bakit nanlambot ang puso ko sa ngiting yon.
Pumasok na ako ng bahay pero hindi ko maiwasan na lingunin siya. Hinihintay niya pa ako. Dumiretso na ako sa kwarto para matulog.
"Anooo nangyareee???? Mygosh kinikilig ako dito wooooohh!!!" nakakabinging sigaw ni Vien na abnormal. Hay kadugo ko ba talaga to? kaloka.
Naghilamos nalang ako at nagpalit ng pajama ngunit paglabas ko ng pinto ayan nanaman siya.
"Uy, kayo na? ano na cous kwento naman diyan alam mo naman shipper niyo ko ayiieee.. Miellie or Elliechael? haha"
What? Anong Miellie at Elliechael? Ang laswa. My cousin is absolutely crazy.
Rinding rindi na talaga ko gusto ko nalang matulog talaga. Binigyan ko nalang siya ng makahulugang ngiti at humiga na ng kama.
"Tomorrow okay? I'm tired! Love you cous!" Hindi na siya nagpilit pa at binigyan ako ng halik sa pisngi na para bang hinihintay talaga yung kwento ko. Hindi ko rin kasi alam san ko sisimulan pero parang gusto ko magtatalon sa kilig dahil unang beses nagusap kaming dalawa at in person pa. Happy lang!
**ALARM CLOCK**
Napatingin ako sa alarm clock at napabangon. Shocks! nag alarm nga pala ako ng 4am para tapusin yung presentation namin. hayyy antok pa ako pero kailangan kong tapusin to para naman makahinga nako ng maayos at di na nagrurush lagi. Naalala ko ang letter ni Mike na binigay sakin kagabi. Tinignan ko muna si vien na mahimbing ang tulog at saka ko binuksan ang letter.
Hi Ellie,
Hindi ko alam kung pano ko sasabihin gustong gusto kitang lapitan lagi at kausapin ka. Itatanong ko lang sana sayo kung,,
PWEDE BA KITA LIGAWAN? sorry kung sa letter lang muna kasi naman alam ko na off sayo dahil malalaman ng mga kuya mo. I hope you will give me the chance para ipakita sayo kung gano kita kagusto. I know you are still young and I'm not rushing things.
PS. wala talaga sakin yung mga babae na yun. Fling lang ng tarantado kong pinsan pati tuloy ako madadamay. Ikaw lang talaga. Ingat ka. :)
**Mike
Kinikilig ako pero ayoko sumigaw dahil pagdadamutan nanaman ako ng pinsan ko nato ng moment eh hehe. Manliligaw na siya pero nako parang delikado. :( Napaisip ako..
Hayyy.. Ngayon ko nalang naisip sa sobrang tagal ko nang hawak tong sulat nato nagising na si vien. Agad kong tinago yung sulat.
Buong araw lang ako naka ngiti sa school. :)
________________________________________________________________________________