bc

HEARTLESS BILLIONAIRE'S SON

book_age18+
32
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
HE
fated
arrogant
mafia
heir/heiress
tragedy
bxg
serious
bold
war
musclebear
surrender
addiction
like
intro-logo
Blurb

Sinasabi nila…

Maswerte raw ako, sapagkat anak ako ng pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa...

Mayaman, protektado at lumaking nasa piling ng mga magulang na handang ibigay sa akin ang lahat.

Ngunit walang nakakaalam… kung gaano kabigat dalhin ang apelyidong Montemayor.

Lalo pa at ang ama ko ay si Matias Montemayor.

Ang lalaking minsang kinatakutan ng buong underground world.

At ang babaeng pinakamamahal niya… Si Gladerious.

Lumaki akong nakikita kung paano magmahal ang Daddy ko.

Kung paano niya tingnan si Mommy na para bang ito lang ang mundo niya.

At bilang anak nila… akala ko madali lang ang magmahal.

Akala ko sapat na ang pagiging totoo.

Akala ko kapag mahal mo ang isang tao… hindi mo ito masasaktan.

Ngunit mali pala ako.

Dahil dumating ang araw na ako mismo ang magiging dahilan ng pagluha ng babaeng pinakamamahal ko.

At kagaya ni Daddy noon…

Unti-unti rin akong nilamon ng galit.

Ng kapangyarihan.

At ng mundong matagal nang gustong iwan ng pamilya namin.

Hanggang sa dumating siya.

Ang babaeng hindi ko dapat mahalin.

Ang babaeng may koneksyon sa pinakamadilim na nakaraan ng angkan Montemayor.

At ang babaeng sisira sa lahat ng ipinangako ko sa sarili ko.

Ako si Matias Montemayor II.

Nag-iisang anak ng dating tinaguriang;

Heartless, Arrogant and Devil Billionaire.

At ito ang kwento kung paano ako tuluyang naging katulad ng ama ko...

Isang lalaking handang sirain ang buong mundo para lang sa babaeng mahal niya.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Matias ll POV. “Master Matias ll…” Hindi ko agad nilingon kung sino ang tumawag sa akin. Tahimik lang akong nakatayo sa gilid ng glass window ng Montemayor Oil Company habang pinagmamasdan ang dumadaloy na tubig. Patuloy pa rin ang ulan at sigurado meron na naman aksidente. Alas-onse na ng gabi. Ngunit buhay na buhay pa rin ang buong business district. Kagaya ko, heto at naririto pa rin sa trabaho. Ganun pa man hindi ako mapalagay, at kapag ganito nararamdaman ko meron na naman mangyayari na labag sa kagustuhan ko. “Master Matias ll,” muli niyang tawag. “Narito na po ang mga files para sa Singapore project.” Bahagya akong napapikit bago tuluyang humarap. Nakita kong agad yumuko ang assistant ko nang magtama ang mga mata namin. Naroon ang takot sa mukha niya at sanay na ako sa ganyang tingin. At iyon din ang tingin ng mga tao noon kay Daddy. Ang nakakatawa dahil habang tumatagal… mas lalo akong nagiging katulad niya. “Ilapag mo na lang dyan sa ibabaw ng desk,” malamig kong utos. “Y-Yes, sir.” Mabilis nitong inilapag ang folder sa ibabaw ng table bago halos nagmamadaling lumabas ng opisina. Muling tumahimik ang paligid… na matagal ko nang nakasanayan. Napabuntong-hininga ako saka tinanggal ang necktie ko. Matindi na ang pagod ko sapagkat halos tatlong araw na akong kulang sa tulog at walang pahinga. Hindi na rin ako umuuwi ng mansion. Dahil sa sunod-sunod na meetings at business acquisitions. Laging ganito ang sitwasyon… ako ang naiwan mag-isa habang si Daddy… Mas gusto pa na lang gugulin ang oras kasama si Mommy. Bahagya akong natawa. Hanggang ngayon baliw pa rin siya kay Mommy. Minsan nga naiisip ko… baka kapag nawala si Mommy, sumunod agad sa kabaong si Daddy. Bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin noon. “Kapag dumating ang babaeng tunay mong mamahalin… maiintindihan mo rin ako.” Napailing ako, impossible. Hindi ako katulad niya. Wala akong panahon sa pagmamahal. At lalong wala akong balak itali ang sarili ko sa kahit sino. Dahil nakita ko kung gaano kahina ang isang tao kapag nagmahal. Napatunayan ko na kahit gaano kalakas si Daddy noon… Si Mommy lang ang kahinaan niya. At ayokong maging ganoon… ayokong may taong kayang pahinain at wasakin ako. Biglang tumunog ang cellphone ko. At napakunot-noo ako nang makita ang pangalan sa screen. Si Mommy kaya agad kong sinagot ang tawag. “Why?” Simpleng tanong ko. “Wow,” natatawa niyang bungad. “Ganyan ka ba sumagot sa mommy mo?” Napabuntong-hininga ako at napapikit. “Busy ako.” “At dahil busy ka… kaya tatlong araw ka nang hindi umuuwi?” Hindi agad ako nakasagot. Sapagkat alam kong tama siya. “Matias…” mas malambot na ang boses niya ngayon. “Kumain ka na ba?” Muli akong natawa. Kahit kailan talaga… hindi pa rin nagbabago si Mommy. Siya pa rin ang mapagmahal at maalalahanin kong ina. “Yes, Mommy, tapos na...” “Liar.” Napailing ako. “Mukha ba akong sinungaling?” “Oo.” Diretso niyang sagot. Napatawa ako nang tuluyan. At sa totoo lang… Si Mommy lang yata ang taong kayang magpatawa ako nang ganoon kadali. “Umuwi ka na,” dagdag niya. “Hinahanap ka ng daddy mo.” Napakunot-noo ako. “Bakit?” Tahimik siya sandali bago ko narinig ang mahinang pagtawa niya. “Nami-miss ka raw ng apo niya.” Agad akong natigilan… “Apo?” “Oops.” natawa siya. “Mali.” “Mommy…” Bigla siyang humagalpak ng tawa sa kabilang linya. “At least alam ko nang marunong ka rin pa lang kabahan.” “Hindi nakakatawa.” “Sige na. Umuwi ka na rito. May importante kaming sasabihin sa’yo.” Nawala ang amusement sa mukha ko. Importante? Hindi ko alam kung bakit… ngunit biglang may kakaibang kutob akong naramdaman. At bihira akong magkamali sa kutob na ganoon. “Fine. Pauwi na ako.” “Good.” Pagkaputol ng tawag… tahimik akong napatitig sa cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko… may malaking pagbabago sa buhay ko simula ngayong gabi. At hindi ko din sigurado na ang gabing iyon ang magiging simula ng magulong kwento ng buhay ko. At ng babaeng tuluyang gugulo sa buong mundo ko. - Umaga na nang makarating ako sa Montemayor Mansion. Tahimik ang buong paligid. Ngunit kahit ganoon… maaliwalas pa rin ang mansion. Maliwanag na ang paligid at may ilang bodyguards na agad yumuko nang makita ang sasakyan ko. Pagkababa ko pa lamang… agad kong nakita si Daddy sa veranda habang may hawak na kape. Tahimik niya akong pinagmamasdan. At kagaya lagi… pakiramdam ko binabasa niya agad ang laman ng isip ko kahit wala akong sinasabi. “Tatlong araw,” malamig niyang bungad nang makalapit ako. Napabuntong-hininga ako. “Busy.” “Hindi dahilan ang pagiging busy para hindi ka umuwi.” “Daddy…” “Hayaan mo na ang anak mo.” Biglang sumingit si Mommy habang palabas ng mansion. Agad niya akong nilapitan at niyakap. At kagaya lagi… kahit gaano kabigat ang dinadala ko, kusa iyong gumagaan kapag siya ang kaharap ko. “You look tired,” malungkot niyang sabi habang hinihimas ang buhok ko. “I’m fine.” “Liar, kagaya ka rin ng daddy mo.” Napailing na lang ako habang bahagyang napapangiti. Sa likod niya, nakita kong nakahalukipkip si Daddy habang seryoso pa ring nakatingin sa akin. “Akala ko may importante kayong sasabihin?” tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa. At doon ako tuluyang napakunot-noo. “Why do I feel like may tinatago kayo?” Biglang napangiti si Mommy. Iyong klase ng ngiti na alam mong may balak manggulo. “May dumating kasi.” “Who?” Hindi agad siya sumagot. Bagkus ay humawak siya sa braso ko bago ako hinila papasok sa loob ng mansion. Tahimik akong sumunod. Hanggang sa makarating kami sa grand living room. At doon… agad akong natigilan. May isang babae roon nakaupo sa sofa. Nakataas ang paa habang tahimik na nagbabasa ng libro. Mahaba ang kulot nitong buhok, maputi at napakaganda. Ngunit hindi iyon ang unang napansin ko. Kundi ang paraan ng pag-upo niya. Masyadong relax, komportable at parang sarili niyang bahay ang mansion. Bahagya akong napakunot-noo… sino siya? Parang naramdaman niya ang presensya namin dahil dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na libro. At nang magtama ang mga mata namin… doon ako tuluyang natigilan. Malamig ang mga mata niya, walang bahid ng takot, walang pagkailang at lalong hindi interesado. Parang… wala lang sa kanya kung sino ako… na para bang hindi siya apektado na kaharap niya ang isang Montemayor. At nakakainis iyon. Unti-unti siyang tumayo habang diretso pa rin ang tingin sa akin. Then she smirked. “Siya na ba ‘yong sinasabi ninyo?” tanong niya habang nakatingin kina Mommy at Daddy. Agad nagsalubong ang kilay ko. “What?” Ngunit hindi ako pinansin ng babae. Bagkus ay muli niya akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. At pagkatapos… hahagya siyang natawa. “He looks arrogant.” Sumingkit ang mga mata ko. Excuse me? Narinig kong mahinang natawa si Mommy sa tabi ko. Habang si Daddy naman ay tila nagpipigil din sa pagngiti. Hindi ako makapaniwala. Unang beses kaming nagkita ng babaeng ito at agad niya akong ininsulto? “Who are you?” malamig kong tanong. Tumaas lang ang kilay niya. “At least marunong ka palang magsalita.” pabalang na sagot niya. Tumiim ang panga ko. Hindi ko alam kung bakit… pero pakiramdam ko gusto ko na agad siyang palayasin sa mansion. Ngunit bago pa ako makapagsalita… biglang lumapit si Mommy sa babae at ngumiti. “Matias ll, meet Athena Valencia.” Athena. Tahimik kong inulit ang pangalan niya sa isip ko. At hindi ko alam kung bakit, ngunit pakiramdam ko… hindi magiging madali sa amin ang ang lahat ng babaeng ito. Lalo na nang muli niya akong sulyapan… at ngumiti nang tila may paghahamon. “This is going to be fun,” sabi pa niya. At doon ko unang naramdaman… na ang babaeng nasa harapan ko ang tuluyang magbibigay ng gulo sa tahimik kong buhay. - Heartless Billionaire’s Son.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
706.1K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.5M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
945.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
339.5K
bc

Not just, the Beta

read
338.0K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook