Fearless, Fierce Love by Mar Mojica : Chapter Two

830 Words
Nasa loob kami ng kantina habang kumakain ng tanghalian. Hindi pa rin maiwasan nina Amanda at Leni na hindi pag-usapan ang nangyari kanina. Nakikinig lamang ako sa kanila habang malaking kagat ang iginawad ko sa hawak kong burger. "Grabe Mel, ang galing mo talaga. Kaya mo kaming ipagtanggol. Kung naging lalaki ka lang baka niligawan na kita." "Tama si Leni, noh. Alam mo, iniisip ko tuloy kung babae ka ba talaga. Paano mo ginawa yon?" Ngumiti lang ako at itinuloy ang pagnguya. May mga dumaraan sa mesa namin at hindi maiwasang ngumiti sa aming tatlo. Malamang napanood nila kami kanina. "Naalala mo noong in-upper cut mo iyong nagnakaw ng backpack mo? Noon kita unang nakitang nagalit nang ganoon. Kabang-kaba talaga ako noong mga oras na iyon…" Nanlalaki ang mga mata ni Leni na parang inaalala ang mga pangyayari. "Eh, noong pinagselosan siya ni Thalia ni Franklin, naalala mo? Sinabunutan niya si Mel pero napilipit agad ng kaibigan natin ang braso ng bruha. Tanda mo ‘yong mukha ni Thalia? Parang espasol sa putla!" humalakhak na sabi ni Amanda. Si Thalia ay girlfriend ni Franklin na pawang nag-aaral ng Digital Arts. Si Franklin ang Vice President ng College of Arts Student Alliance. Si Franklin din ang long time crush ko simula pa noong freshman ako. Siguro dahil palagi akong nakatingin sa guwapo, matalino at mabait na Franklin kaya nasabunutan tuloy ako ni Thalia. "Correct! At takot na takot pa rin ang bruha hanggang ngayon 'pag nakikita si Mel! Wish ko lang nakapanood siya kanina. For sure iiwan na niya si Franklin dahil sa takot kay Mel," pakumpas na sabi naman ni Leni. "At mapapansin ka na ni Franklin..." Tumili pa si Amanda habang niyuyugyog ang braso ko. And speaking of Franklin, muntik na akong mabulunan nang makita ko siyang papasok sa loob ng kantina. Nakasabit sa braso niya ang kamay ni Thalia. Tumahimik ang dalawa kong kaibigan at nanlalaki ang mga matang tumitig din sa tinitingnan ko. Panay ang siko sa akin ni Leni. Kumabog ang dibdib ko nang dumako ang mga mata ni Franklin sa puwesto namin. Oh my kalamay! Ang guwapo niya talaga! Bagong clean cut na naman kasi ang buhok ni Franklin. Ang magandang hugis ng kanyang labi ang natitigan ko. Sarap sigurong halikan ng labing iyon. Mukha man akong maton at parang lalaki kung umasta, babae pa rin naman ako at may pusong marunong pumuri sa isang kagaya ni Franklin. Kung puwede ko lang ipagsigawan na iniibig ko siya! Puwede bang iwan na niya ang Thalia-ng ‘yan at akin na lang siya! Kaso, wala sa personality ko iyon. Nakita kong kumaway si Franklin. Pigil na umimpit sina Amanda at Leni. Luminga-linga ako para siguruhin kung kami ang kinakawayan niya. At mukhang kami nga! "Hi Mel!" Oh, my kalamay ube! Ako nga ang kinakawayan niya! Pero bakit? Hindi maalis ang tingin ko kay Franklin habang papalapit siya sa mesa namin. Kitang-kita ko ang pag-ismid ni Thalia. "Narinig ko ang ginawa mo kanina..." bungad ni Franklin habang nakatayo at tumapat sa mesa namin. Nasulyapan ko ang aking dalawang kaibigan na nakanganga. "A-Ano kasi... S-Si Amanda kasi..." Hindi ko alam kung bakit gusto kong magpaliwanag, hindi ko naman alam kung paano magsisimula. Gusto ko lang namang sabihin na ipinagtanggol ko lang ang kaibigan ko laban kay gorilya, este, kay taghiyawating bully ng GMC. "Next time 'pag may problema, lumapit ka na lang sa Student Alliance. Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" usisa ni Franklin. Ang guwapo niyang tingnan habang nagsasalita. Bawat kilos ng kanyang labi ay ang gandang pagmasdan. Samantalang nakasimangot naman si Thalia at hindi makatingin sa akin ng diretso. "Naku nasaktan! Hindi siya okay! Hindi nga siya makakain dahil masakit ang katawan niya, eh,” ani Amanda. “Ipagtanggol ba naman niya ako sa mga lalaking iyon, 'di ba. Nakakaawa naman si Mel." Napaubo ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit sinabi iyon ni Amanda na parang alalang-alala. Nakita kong nakanguso si Leni at tumatango-tango rin. "Hmp!" narinig kong usal naman ni Thalia. Dahil inalis ni Franklin ang nakasabit nitong kamay sa kanya. Kumunot ang noo ni Franklin at dumukwang sa mesa namin. "Are you alright, Mel? Gusto mong samahan kita sa clinic para ma-check up ka?" Natakpan ni Leni ang bibig niya. Kulang na lang ay magsisigaw siya sa tawa. "O-Okay lang ako Franklin. Hindi na kailangan ang clinic." Nakatingala ako ngayon sa mga mata niyang kumikislap kapag tinatamaan ng liwanag. Ang ganda ng ilong niya na sobrang tangos na bumagay sa kanyang mukha. Pero ang gusto ko talaga ay ang kanyang labi. Hayyyy... pakiss naman diyan, pleeease. Wala nga sa personality ko iyon! "Frank, hindi mo ba nakikitang okay lang siya? Eh, mas malakas pa ‘yan sa kalabaw, eh. Halika na nga!" masungit na sabi ni Thalia. Hinila ni Thalia si Franklin palayo sa amin. Nag-iwan ng napakatamis na ngiti ang aking crush at kumaway pa siyang muli. Oh my kalamay ubeng malagkit! Ang guwapo niya talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD