“F-Fhail!” hindi makapaniwalang bulalas ni Diamonika, “p-paano? I-ikaw b-ba a-ang g-gumawa n-ng p-paraan?” Hindi sumagot si Fhail. Mas hinigpitan n'ya ang pagkakayakap sa minamahal. “Paano mo 'to nagawa sa aking hayop ka?! Bwesit ka talaga sa buhay ko! Sana hindi na kita binuhay pa! Niloko mo ako!” Galit na galit na lumapit ang tatay ni Zebak sa kan'ya. Hinablot ng tatay n'ya ang kan'yang kwelyo. Bumwelo ang tatay ni Zebak, sinuntok n'ya ng malakas ang anak. “Ibinigay ko ang lahat sa'yo! Pero bakit mo ako niloko? Ni hindi ko alam na mayroon kang mga tauhan! Ano ba ang dahilan mo para ipapatay si Diamonika? Tanga ka ba? Anak s'ya ng kaibigan ko!” Ngumisi si Zebak, “'Yun na nga eh! Hayop ka rin! Isa ka sa nagpauso ng contract marriage! Isa lang ang sagot ko, hindi ko mahal ang babaeng '

