4 AM. Napapanuod ni Fhail mula sa malayo na abala na ang lahat ng maid sa pag-aasikaso para mamaya sa reception nina Diamonika at Zebak. Napangisi lamang s'ya. “Oh, Fhail, naiintindihan ko kung hindi ka natulong sa amin sa pag-aasikaso,” sabi ng isang maid. “Bakit po, manang?” “Akala mo ba ay hindi ko nahahalata na mayroon kang pagtingin sa ating amo na si Dia? Alam mo, bagay kayo, kaso sayang lang dahil ikakasal na s'ya. Ang laki kaya ng pagbabago ng ugali ni madam. Siguro ay nagbago s'ya dahil gusto ka rin n'ya.” Masaya ngunit malungkot na sambit ng matandang maid. Tumalikod s'ya. Pero muli s'yang humarap kay Fhail. “Balang araw, kayo rin ang magkakatuluyan.” Nag-bow si Fhail bilang paggalang sa maid. Kahit papaano ay gumaan ang kan'yang pakiramdam. “Salamat po.” Naglakad papalay

