Nagising ako dahil sa sobrang pangangalay ng magkabilang balikat ko. Masakit din ang likod ko dahil ako ang sumalo ng bigat nilang dalawa. Gusto ko na sanang iunat ang katawan ko pero napakahimbing pa ng tulog ng dalawa. Nakakahiya namang gisingin sila, ‘di ba? Wala akong nagawa kundi ang tiisin ang ngalay na nararamdaman ko at hintayin silang magising. Mabuti na lang at hindi iyon gaanong matagal. Ilang sandali lang ay nagising na si Clastine, at ewan ko kung bakit bigla akong nagkunwaring tulog. Akala ko ay tatayo na siya ngunit hindi. Muli siyang bumalik sa pagkakasandal sa akin at mas idinikit ang kanyang dibdib sa braso ko. Hindi ko napigilan ang mapalunok lalo na nang maramdaman ko ang pagtango ng bagay sa pagitan ng hita ko. Unti-unti ring bumibilis ang t***k ng puso ko kasabay

