To Test Her

1705 Words

Kasalukuyan naming binabagtas ang masukal na kagubatan. Mas kumapal ang mga halaman sa paligid at lalong dumami ang naglalakihan at nagtataasang kahoy. Halos berde na lang ang nakikita ko. Amoy na amoy ko rin ang preskong amoy ng kalikasan na humahalo sa hangin. “Sa tingin ko’y kailangan nating kunin ang lahat ng items na maaari nating makuha,” saad ni Clastine habang nasa tabi ni Amara. Nakalabas na ang twin blades niya kung sakali mang may lumitaw na mga halimaw. “Bakit mo naman nasabi, Clastine?” tanong ng dungeon guide habang hinahawa ang mga d**o na lagpas na sa kanyang ulo. Nasa likod lang nila ako upang magsilbing guwardiya at upang hindi na rin nila ako makulit, lalong-lalo na ni Amara. “Sa tingin ko ay hindi ‘yon maaari,” sabat ko sa usapan nilang dalawa kaya napalingon sila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD