Nagsimula nang kumilos ang mga goblin at sabay-sabay na sumugod kay Clastine. Napakaliksi talaga at bilis ng mga kilos nila, pero nagagawa itong iwasan ng babae. Kaya niyang pantayan ang bilis ng mga halimaw. Nang tingnan ko ang mukha ni Clastine ay hindi ko napigilan ang pag-angat ng sulok ng labi ko dahil nag-iba na naman ang ekspresyon ng mukha niya, malayong-malayo sa normal niyang reaksyon. Nawala na ang maamo at kalmado nitong mukha; napalitan na ng seryoso at mga matang matalim ang tingin sa mga halimaw, na tila ba’y handang pumatay ng walang kahit na anong pag-aalinlangan. Hindi ko tuloy mapigilang maisip kung siya ba talaga ang Clastine na araw-araw naming nakakasama. Nag-iiba kasi talaga ang ekspresyon niya sa tuwing lumalaban siya. Ito rin ang isa sa mga rason kung bakit gusto

