Narrator’s Point of View Unti-unti nang kumukonti ang bilang ng mga puno na nakikita ni Leo; paliit na rin nang paliit ang mga halaman sa paligid, senyales na malapit na silang makalabas sa kagubatan. Liban sa mga roaming goblin na nakaharap ni Clastine ay wala na silang nakitang mga halimaw. Marahil ay nasa ibang bahagi ito ng palapag kaya hindi nila nakasalubong. Nasa unahan niya sina Amara at Clastine na nagtatalo na naman sa hindi niya malamang dahilan. Pero hindi na lang niya ‘yon pinansin dahil alam niyang lilipas lang din naman ‘yon; na ‘yon ang bonding nilang dalawa para patatagin ang samahan nila. Ilang sandali pa ay tuluyan na silang nakalabas sa kagubatan at bumungad sa kanila ang malawak na parang ng flamerose, tila may dagat na kulay araw sa harapan nila dahil sa dami ng b

