Bumalik ang kamalayan ko na ramdam ko pa rin ang init at enerhiyang gustong kumawala mula sa kaloob-looban ng aking katawan, maging ang mahihinang kirot sa bawat hibla ng aking laman ay ramdam ko rin. Liban doon ay ramdam ko mula sa paligid ang init na napakasarap sa pakiramdam na tila ba’y nasa ilalim ako ng papalubog na araw. Amoy ko rin sa hangin ang pinaghalong bango ng mga bulaklak at kalikasan. Nang imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa parang ng mga puting bulaklak sa ilalim ng matingkad na sikat ng araw. Agad akong napabangon nang mapagtantong bumalik na naman ako sa lugar na ito kung saan ko nakita ang dalawang estranghero. Agad akong tumayo at sinuyod ang lugar upang hanapin ang burol kung sana ko sila nakita. Bawat hakbang ko ay lumilipa

