Narrator’s Point of View Hindi makagalaw si Amara sa kanyang kinatatayuan nang maramdaman niya ang biglaang paglitaw ng halimaw sa kanyang likuran. Unti-unting nilukob ng kaba ang kanyang sistema dahilan para mawala siya sa konsentrasyon at matigil ang paggamit niya ng healing magic sa mga kasamahan. Agad siyang napalingon sa kanyang likuran at nakita ang dambuhalang halimaw na ilang pulgada lang ang layo mula sa kanya. Kitang-kita niya ang sandatang dala nito na paniguradong papatay sa kanya sa oras na matamaan siya nito. Gusto niyang lumayo sa halimaw. Gusto niyang gumalaw ngunit natuod na siya sa kinaroroonan niya dahil sa labis na takot. Nanginginig ang bawat hibla ng laman sa buong katawan niya. Halos maihi na siya sa takot. Gustong-gusto niyang sumigaw ngunit natatakot siya na

