Nagising ako nang madaling araw dahil sa labis na lamig na nanunuot kahiit na sa makapal na kumot na gamit namin. Ramdam ko ang pamginginig ng bawat hibla ng aking laman kahit napapagitnaan ako ng dalawang maiinit na katawan. Gustong ko sanang bumangon pero nakalingkis ang maliit na binti ng dungeon guide sa aking binti, habang yakap-yakap naman nang mahigpit ni Clastine ang aking braso habang dikit na dikit ang dibdib niya rito. Dahil na rin sa lamig na nararamdaman ko na sumabay pa sa naiihi kong pakiramdam ay hindi ko napigilan ang pagtigas ng bagay sa pagitan ng aking hita. Nakagar ko ang aking ibabang labi habang pilit itong pinipigilan, ngunit sa bawat subok kong pigilan ito ay siya namang lalong pagtigas nito. Ilang sandali pa ay gumalaw sa tabi ko si Clastine kasunod ng pagm

