Exploring the Domain of Hidrum

1600 Words

Hinintay na lang namin ni Amara na magising si Clastine upang magsimula na kami sa aming paglalakbay. Napag-usapan kasi namin ng dungeon guide na susuyurin namin ang domain ng mga water monster nang paunti-unti at nang hindi kami mapahamak, lalo na't hindi na rin kabisado ng gabay ang lugar. “Ang tagal mong magising. Muntik na naming maisipang iwan ka,” masungit na bungad ni Amara kay Clastine nang tuluyan kitong bumangon mula sa pagkakahiga. “Mukhang sarap na sarap ka sa pagtulog mo, eh.” Hindi sumagot ang babae sa dungeon guide. Tumayo lang ito at nag-unat ng katawan. Agad naman akong napaiwas ng tingin nang makita ko ang paghulma ng dibdib ng babae sa hapit nitong suot. “Good morning sa inyong lahat,” nakapikit niyang sambit habang patuloy pa rin sa pag-unat. “Anong gusto n’yong almu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD