PROLOGO
THIRD PERSON's P O V
" Ah, basta! Ako ang magiging asawa mo! Sa ayaw at sa gusto mo, Nicolas Jose! " tiwalang sambit ni Vivian na may halong pag babanta sa harapan ng barkada ng kuya niya, kaya naman mahinang na tawa ang mga ito kasama na iyong binatilyong magiging asawa raw niya.
" Vivian Marie, doon ka nga sa k'warto mo! Isusumbong kita kila Mommy at Daddy! Ang bata- bata mo pa kung ano- ano na iyang pinagsasasabi mo! " saway naman ni Vince MIguel sa bunsong kapatid na nasa edad sampung taon pa lamang at nasa elementarya, samantalang sila ay nasa disiotso anyos na ang edad at pawang mga estudyante na sa kolehiyo.
" Si Kuya naman e! Dapat nga suportahan mo ko sa pangarap ko! Ayaw mo no'n magiging bayaw mo itong si Nicolas na kaibigan mo naman!? " pumapadyak pa ang mga paang katwiran ni Vivian.
Isip bata pa talaga.
Kaya na tawa na naman ang mga kaibigan ng kanyang kuya na sina Jess, Bench, Raven at isama pa nga si Nicolas. Abala ang mga ito sa pag gawa ng mga school projects kaya nandirito ang mga ito sa bahay nila.
" Anong pangarap ang sinasabi mo riyang bata ka!? Baka pantasya! Hindi ka pa nga marunog mag ligpit ng higaan mo pag- aasawa na agad iyang nasa kukote mo! " sermon pang wika ni Vince sa kanya.
" Ouch! Kuya naman e! Yaya! " mangiyak- ngiyak na daing ni Vivian nang itulak siya ng bahagya ng kuya niya palayo sa mga kaibigan sabay tawag sa kanyang tagapag- alaga.
"Tama na 'yan, bro! Hindi ka na nasanay sa nakakabata mong kapatid." Awat naman ni Nicolas sa kanya at tumayo pa at saka nilapitan si Vivian para aluin.
" Tsk! Kaya lumalaki ang ulo niyan kasi kinukunsinte mo, akala naman niya may gusto ka rin sa kanya! " Pahayag pa ni Vince, na tawa lamang ng bahagya ang iba nilang kaibigan samantalang si Nicolas ay pilit pinapatahan ang nakaka batang kapatid ng kaibigan.
" Hate ko talaga iyang si Kuya! " nagkakanda haba ang ngusong sumbong pa nito sa kanya, niyapos pa kasi niya ito para lamang tumigil sa pag- nguyngoy.
" Ano nangyari!? " Bulalas na sambit at bakas sa mukha ang pag- aalala sa Yaya ni nang makalapit ito sakto namang may bitbit na isang basong tubig galing sa kusina kaya pinainom agad ang kaniyang alaga
" Pinagalitan na naman po ng kuya niya. " Si Nicolas na ang sumagot sa pag- uusisa ni Yaya Joy.
" Ganoon ba? Sige, salamat, Hijo, papasok na kami sa silid niya para makapagpahinga. " Paalam naman ng Yaya at hinila na si Vivian sa braso habang hawak nito ang basong may laman pang tubig.
" Sige po, Yaya. H'wag ka nang magalit sa kuya mo! " ginulo pa ng binatilyo ang buhok ni Vivian bilang paglalambing.
" Hmmp! Inis pa rin ako sa kanya! " Pairap namang tugon nito at saka sumunod sa tagapag- alaga.
" Kuu! Kaya lumalaki ang ulo nitong si Vivian e, inaamo mo kasi! Kunwari pang walang gusto baka naman nahihiya ka lang kay Vince na aminin!? " Kantyaw ni Raven sa kanya nang makabalik na sa umpukan ng mga kaibigan si Nicolas.
" Loko! Baka naman makasuhan ako ng child abuse niyan!? Naaawa lang ako sa bata kayo talaga! Parang hindi kayo dumaan sa ganoong edad na may mga crush- crush na! " Katwiran pa niya
" Sabihin mo lang, Bro, kung may gusto ka sa nakaka batang kapatid ko. Para itakwil na rin kitang kaibigan! " Pag babanta naman ni Vince na dumilim ang mukha.
" Bro, relax! Ikaw na rin ang may sabing bata pa nga ang kapatid mo! Hindi dapat siniseryoso! My God, she's only ten years old! Ano ba naman ang malay ng bata sa pag- aasawa!? Baka nga pag laki niya ay mahiya pa sa atin at pag tawanan lamang ang kalokohang pinag sasasabi niya ngayon! " Naiiling pang paliwanag ni Nicolas.
" Dapat kasi umiiwas ka na, Bro! Baka akala niya ay may pag tugon ang nararamdaman niya dahil mabait at sweet ka sa kanya. " Pahayag naman ni Bench
" I agree! " Sang- ayon din naman ni Jess.
" Okay! Okay! Para matigil na kayo ay sige, simula ngayon ay iiwasan ko na si Vivian! " Pangako naman ni Nicolas at itinaas pa ang kanang kamay na tila nanunumpa.
"Good!" Wika pa ni Vince at pinag dikit pa nila ang mga kamaong nakatikom bilang pag- selyado ng kanilang usapan.
" Dapat dalangan na rin natin ang pag punta rito para hindi nakikita ni Vivian itong si Nicolas." Suhestyon naman ni Bench.
"Pwede! Pwede!" Tatango- tango namang pag- sang- ayon ni Vince.
Pinag patuloy na nga nila ang ginagawang school project dito sa garden ng bahay n mag kapatid. Pawang nakasuot pa sila ng uniporme sa paaralan dahil dito na nga sila dumiretso pagkatapos ng kanilang klase sa university.
" Ano na naman ang ginawa mo at nagalit ang kuya mo sa'yo? " Malambing na tanong ni Yaya Joy sa kanya habang sinusuklay nito ang mahaba niyang buhok na sing- itim ng gabi, nakaharap sila sa vanity table sa silid ni Vivian.
Halata namang babae ang may- ari nito dahil puro kulay pink ang makikita sa silid. Sa kama mismo pati headboard, bedsheet, punda ng unan at carpet. Pati na ang couch sa isang side ng silid at vanity table niya ay puro pink din ang kulay. Isama pa ang mga stuffed toys na hello kitty na naka- display sa cabinet. Ultimo nga gamit sa bathroom at shower ay iisa ang kulay.
" Sinabi ko lang po na si Nicolas ang gusto kong maging asawa! " Mahaba ang ngusong tugon niya kaya mahinang natawa ang kanyang Yaya.
" Ikaw talagang bata ka! Kaya nagagalit sa'yo ang kuya mo! Ang babae kasi ang dapat na nililigawan hindi sila ang nanliligaw o unang nagbibigay ng motibo. " Paliwanag naman nito.
" Paano po kung nahihiya iyong lalaki na umamin tapos nag hihintay lang si babae na una siyang mag tapat? " Tila matanda pang tanong ni Vivian, nakatingin siya sa kanyang Yaya sa repleksyon nito sa salamin.
" Aba! Kailangang mag hintay ni babae, hindi kasi tama iyon bilang dalagang pilipina na mauunang umamin ng pag- ibig sa lalaki! " Tugon nito sabay paliwanag pa ni Yaya.
" Nge! Baka po tumanda na sila pareho pero hindi pa rin nag- aaminan ng kanilang mga damdamin!? " dismayado pang wika ni Vivian.
" Ikaw na bata ka, ang bata- bata mo pa, alam mo na ang salitang mga iyan! " Pagalit namang sermon ni Yaya sa kanya.
Nagkandahaba pa lalo ang kanyang nguso.
" Kaya po siguro hanggang ngayon e single kayo kasi hindi pa nagtatapat ang lalaki na gusto n'yo, 'no!? " Bungisngis pang wika niya.
" Napaka pilyo mo talagang bata ka! Pati iyon e nalalaman mo pa! Bad iyon! Dapat paglalaro muna ang inaatupag mo! " Sermon nito sa kanya at pinandilatan siya ng mga mata sa repleksyon niya sa salamin kaya natawa lamang siya at hindi na kumibo.
" Tingnan ko nga ang sinagutan mong assignment? Bumaba lang ako sandali sa kusina sumunod ka na agad sa akin at nanggulo ka pa sa kuya mo at mga kaibigan niya! " sermon pa nito pagkatapos siyang suklayan.
Tumayo naman siya at tinungo ang leather couch at naupo roon tsaka binuksan ang school bag na nakapatong sa center table na yari sa salamin.
Kinuha ang mga notebooks at saka iniabot sa kanyang Yaya. Isa- isa namang binuklat nito ang kwaderno ng alaga at saka nga tiningnan ang mga assignment niya.
" Good! Pwede ka na manood ng telebisyon. Mamaya na tayo bumaba kapag wala na riyan ang mga kaibigan ng kuya mo. Baka manggulo ka na naman! " Saad pa nito at siya na ang nagbalik ng mga notes ng alaga sa loob ng bag kaya hindi niya nakita ang pagsimangot ng mukha ni Vivian.
Pagkatapos ay dinampot ang remote control na nakapatong din sa center table at saka ini- on ang telebisyon. Ilang sandali pa ay tutok na tutok na silang nanonood ng cartoon na palabas.
Naistorbo lamang nang tawagin sila ng isang kasambahay.
" Kakain na. " aya sa kanila nito nang isinungaw ang ulo pagkatapos kumatok habang hawak pa ang doorknob.
" Nandiyan pa ba ang mga kaibigan ni Vince? " Usisa muna ni Yaya Joy.
" Kakaalis lang, sakto namang dumarating sila Ma'am at Sir kaya nag pahain na ng hapunan. " Tugon naman ni Tide na may halong paliwanag.
" Sige, susunod na kami nitong alaga ko. " Wika pa ni Yaya Joy.
" Okay! " Tugon pa ni Tide sabay talikod, hindi na nito isinarado ang pinto dahil lalabas din naman ang mag- yaya.
Ini- off na nga ng tagapag- alaga ni Vivian ang telebisyon at sabay na silang lumabas ng silid.
" Yaya, isusumbong po kaya ako ni Kuya kila Mommy at Daddy? " Bakas sa maamo at batang mukha ni Vivian ang takot at pag- aalala.
Naglalakad na sila sa pasilyo pababa ng hagdan. Magka hawak kamay pa silang dalawa.
" Naku! Ngayon ka pa kinakabahan! Samantalang kaninang kausap mo si Nicolas at kuya mo e hindi ka natatakot!? " Sermon pa nito kaya nag kandahaba na naman ang nguso ng alaga pero hindi na siya sumagot pa hanggang sa makababa sila sa dining room.
" Good evening, Daddy, Mommy! " Magiliw namang bati ni Vivian sa mga magulang at hinalikan ang mga ito sa mga pisngi.
" Good evening too, anak! Upo na at nang makakain na tayo. " Malambing namang wika ni Ginang Theresa.
Tumabi naman siya sa Mommy niya nang upo, nasa kabisera ng dining table si Ginoong Eric samantalang sa kaliwa nito naka pwesto si Vince at sa kanan nga si Ginang Theresa at sa tabi niya naupo si Vivian.
Ilang sandali pa ay tahimik na silang kumakain habang nasa dirty kitchen ang mga kasambahay. Kahit naman kasi ayain nila ang mga ito ay hindi pa rin sumasabay sa kanilang kumain. Ayaw lamang daw nilang masabihan na abusado kaya kahit papaano ay sila na ang umiiwas dahil alam naman daw nila kung saan sila lulugar.
" Mom, Dad, may ginawa na naman pong kalokohan si Vivian kanina sa harap ng mga kaibigan ko. " Sumbong ni Vince nang nangangalahati na sila sa kanilang pagkain.
Pinandilatan siya ng nakakabatang kapatid pero dinilaan lamang niya ito.
" Ano na naman iyon, Vivian Marie!? " Mariing usisa ng kanilang Padre de pamilya, malapit nang magalit dahil tinawag na siya nito sa buo niyang pangalan.
Sa mahinang boses ay inamin nga niya ang ginawang kalokohan. Istrikto kasi ang Daddy nila kaya hindi pwede ang magagaslaw na mga kilos.
" Anong sinabi mo!? " Bulalas na wika nito pagkatapos niyang umamin, at pabagsak na binitawan ang hawak na kubyertos.
Kaya lumikha iyon ng ingay na ikinapunta ng mga kasambahay sa dining area.
" May gatas ka pa nga sa labi tapos pag- aasawa na agad iyang nasa
kukote mo! Pag- aaral ang atupagin mo hindi kung ano- ano! " sermon pa ni Ginoong Eric.
" O- Opo, Daddy. " tila pinitpit na luyang tugon ni Vivian.
Wala namang nakakontra sa kanilang tatlo bagkus ay pinag patuloy na lamang ang pagkain hanggang sa makatapos sila ay wala na ulit nag salita sa kanilang mag- anak.