Chapter 1

2688 Words
-VSQZ Company "Ano nag-cutting ka na naman ba?" napa-simangot kaagad ako nang marinig ko ang boses ng nanay ko. Napabuntong hininga ako at sinarado muna ang pinto namin tska tumingin sa kanya. "Ma, judgerist ka talaga. Hindi porket maaga akong umuwi nag-cutting na kaagad. Hindi ba pwedeng walang prof kaya umuwi kaagad. Hindi naman ako laging nag-ka-cutting eh." Hindi ko alam kung bakit todo explain ako dahil kung maka-explain ako parang nag-cutting talaga ako. "Ay ganoon ba? Sensya na, anak. Gawain mo kasi 'yan noong high school ka. Proud akong nag-bago ka na. Ay teka, sure ka ba ikaw si Anne Castillo ko? 'Yong baby girl namin?" Napa-irap ako sa ere. Ang korni talaga ng nanay ko pero naalala ko mana pala ako sa kanya. Tamad akong pumunta sa hagdanan at dahan-dahan nang umakyat. Nakakatamad kumilos dahil ang init na nang oras. "Teka lang, ikaw ba talaga ang anak ko!?" sigaw ni mama mula sa baba. "MA!" sigaw ko pabalik. "Ay confirmed! Sungit eh" rinig ko mula sa baba. Napa-iling ako nang makapasok sa kwarto ko. Binuksan ko kaagad ang aircon at 'yung speaker ko. Nagpatugtog kaagad ako ng isang pamilyar na kanta. Umupo muna ako ng saglit upang magpahinga. Nag-scroll muna ako sa aking instragram. Hindi kami mayaman, let's say average lang. Parehas may trabaho ang magulang ko at malaking pasasalamat ko doon. Karpentero si papa 'yong pakyawan kumbaga. Masipag iyon kaya makakarami siyang gawa ng food cart sa isang araw. "Please baby, neon naegeseo mulleoseoya hae." kanta ko. Habang si mama naman ay supplier ng mga pagkain like turon, Shanghai, Cheesestick, Potato roll at dynamite kung saan din nag-tatrabaho si papa. Medyo nakakatipid sa mga gastusin dahil tumutulong ang mga tita ko kaya walang problema kapag nag-papasweldo sakanila. Tumayo na ako sa aking kama nang nag-iba ang tugtog. Sinimulan ko na mag-bihis. Nang maramdaman ko ang tugtog, lumandi ang aking balakang at sumabay sa bawat kumpas ng tugtog. Nang matapos na ako ay may napansin akong kakaiba sa side ko. Shet, ang tanga mo Anne Castillo! Kaagad naman ako tumingin sa bintana kung may nakakita sa akin. Pagka-libot ng aking paningin, meron nga. Nakangisi pa ang walang hiya! Ukinam! Sarap kutusan! "Mukha ka pa lang tanga magbihis. Bagay pala sayong mag-stripper. Huwag ka nang mag-arki. Mag-ganoon ka na lang, yayaman ka pa ng walang drawing- drawing." "Gaga!" sigaw ko at tumawa siya. Sino ba naman hindi mapapasayaw sa Talking Body? I really love that song. It makes my body go wild. Rawr Nasa kabilang side lang ang bahay nila Claire s***h Clara. May mas kaya sila kaysa saamin. Siya 'yong nag-tampo sa akin noong 2nd year highschool kami kasi akala niya inagaw ko ang best friend niya, pero ngayon tignan niyo kaibigan ko na rin siya. "Beshy, game ka?" tanong niya sa akin. Sinenyasan ko siya na saglit lang. Kinuha ko ang laptop ko para ayusin ang video na pinapagawa sa akin ng school ko. Umupo ako sa may bintana dahil may parang cabinet na pwedeng upuan or higaan dito. Pwedeng-pwede akong mag-star gazing dito. Teka napapa-isip ako minsan kung ano ba talaga ang course ko at ginagawa ko ang hindi ko dapat gawin? Pang-multimedia arts ito 'di ba? Ang huli kong naalala is BS Architecture ang kinuha ko. "Walwalan ba ulit?" excited kong tanong kay Claire habang nag-ta-type ng pwede kong gawin mamaya or pwedeng i-shoot na mag-isa. Mula peripheral vision ko, nakita ko siyang umiling-iling. "Saan ba? Yayaman ba ako diyan?" tanong ko. Bigla siyang tumango-tango ng mabilis at nag-thumbs up. I smirked at napa-iling na lang. Hinihintay ko siyang mag-explain pero sampung minuto na 'ata nakakalipas, walang umi-imik saamin. Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang din siya sa akin. I gestured to her na "Ano 'yon?" Ganoon din ginawa niya. "Saan ba?" tanong ko. "Mamaya na kasi yung meeting at tsaka malaki naman bayad kaya please huwag ka na mag-backout." Napakamot ako sa ulo dahil nairita ako sa sagot niya. My question is saan, right? Not kung anong mangyayari mamaya or how much. "Saan nga naknang..." "Kukuha ka lang ng litrato at video sa Vazquez Company para sa website and social media nila. Idagdag mo pa sa mga flyer." Napapikit ako nang marinig ko ang explanation niya. I took a deep breath and looked at her and saw her pleasing eyes. "Mukha ba akong photographer at pumayag ka? Bakit hinid sila kumuha ng mas professional kaysa sa akin? And wala ba silang marketing team?" sagot ko na medyo napataas ang boses dahil nabigla ako sa sinabi niya. "Well, basically, ikaw lang ang kilala kong photographer at videographer kaya nag-go ako. Tsaka 'wag kang mag alala nandoon si papa." "Mag-alala ka at baka mawalan ng trabaho ang papa mo kapag nakita nila ang gawa ko." Tumawa siya sa sinabi ko. Well, I'm just saying the truth. "At tsaka sa barkada lang naman natin 'yong pagiging photographer s***h videographer ko. Hay nako Clara, hindi mo muna kasi hiningi opinyon ko bago ka sumagot ng Oo. Wala akong background na magaling talaga ako." reklamo ko at umirap sa hangin. Sinave ko na muna 'yong gawa ko at pinatay ang laptop. "Sorry. Sige, tawagan ko na lang si papa mamaya na hindi na tayo tutuloy. " Pagkasabi niya n'on, kaagad kong isinarado ang bintana ko. AtTiTtUdE Ka AnNe? Well, medyo true. Kingina, wala pang isang oras pero pinagsisisihan na tuloy 'yung sinabi ko kay Claire. It's like I hurt her feelings ng slight. Kung tatanggapin ko 'yung alok niya, may chance akong mag-katrabaho kaagad in the near future. Makakabili ako ng maayos na kamera. Yes, gusto ko yung course na kinuha ko pero mas gusto ko mag-multimedia arts. Pero let's make it more practical 'di ba. Kapag kinuha ko ang Multimedia Arts mahirap mag-hanap ng trabaho minsan. Opinyon ko lang 'yon. Kaya BSArch kinuha ko kasi ang alam kong makakakuha kaagad ako ng trabaho. I made my way to the bathroom at ginawa ko ang 3mins bath challenge, shet naman Anne. Pinatuyo ko kaagad ang buhok ko sa pamamagitan ng blower at itinirintas ang small section ng nasa gitna ng aking buhok. Take note mag-kabilaan pa iyon. Ang dami mong arte Anne. Well,matagal na tsk! Nag-lagay ako ng contact lens dahil ayaw kong mag-salamin. Nag-lagay na din ako ng kaunting BB cream then lipstick para mas mature tignan. Lumabas na ako ng banyo ko at nag-bihis. Ang tanga ko, inuna ko muna mukha ko bago ako nag-bihis. Deputang hangal. Nag-tank top ako with matching long cardigan at nag-white maong shorts. Nag-sneakers din ako. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. "Puta anong mukha yan?" natatawa kong tanong sa sarili ko. Kaagad kong kinuha ang shoulder bag ko at nilagay ang laptop, notebook with ballpen, ang aking portable camera, at mga abubot ko rin sa katawan. Kinuha ko rin ang wallet at cellphone ko at lumabas na ng kwarto. "Ma, alis lang kami ni Clara, ah. May gagawin lang. Bye, tapos baka gabihin ako." Tango lang ang natanggap ko mula saaking nanay. Kaagad akong lumabas ng bahay para sunduin sa kabilang side si Clara. Kinatok ko ang pintuan nila. Nang bumukas, bumungad si Claire na naka-porma. I'm shookt. "Alam ko naman na hindi ka makakatanggi. Game ka na, beshy?" Isinukbit niya ang braso niya sa akin at pumunta kami sa garahe nila. Ang dami kong gustong sabihin pero I'm still shookt. "Woah, how did you f*****g know that I was not gonna f*****g back out?" napa-english tuloy ako sa gulat. "Woah, easy girl. I know you for 7 years already, bits. And I know you're thinking every possibility that might happen if you are going to do it or not. Now get inside." she said in a mocking tone. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at kaagad akong sumakay. Nang makasakay siya, tahimik lang kaming dalawa hanggang makaandar ang kotseng sinasakyan namin. Syempre hindi kinaya ng konsensya ko. "Look b***h, I'm sorry about the way I acted a while ago. I'm just tired these past few days." Ganyan yata kami kapag hindi okay ang isa't isa, straight english kami. Pero kapag kalokohan or sa iba, aba, carabao english na. "Look, ok na. Wala na sa akin 'yon. Tara, drive thru muna tayo, tomguts na ako." she said. Tumango lang ako sa kanya at inilabas ang laptop ko para mag-edit. Maya-maya tumigil ang sasakyan at narinig kong umo-order na si Claire. "Coke float ah." paalala ko sa kanya. Naramdaman kong umandar na ulit ang kotse kaya kinuha ko na 'yong parang table sa compartment na pwedeng ilagay sa gitna ng gear shift. Ewan ko ang weird tignan pero bilib ako sa naka-isip nito napaka-brainy. "Wow nemen, alam na alam yung kinakain koooo," kilig kong sabi kay Claire sabay kuha sa Mcflurry at fries. "Mag-kanin ka munang gaga ka." sabi niya sa akin. Sinubuan ko siya ng fries bilang pang-suhol. Natawa siya at umiling-iling. "Anong oras ba meeting?" tanong ko sabay kain ng fries. Inilagay ko muna laptop ko sa sahig ng sasakyan at hinubad ang sapatos ko. "Gaga ka talaga. Kung ano-ano ginagawa mo, matapon pa 'yong float mo." sabi niya. Nag-indian seat ako at kinuha ang laptop ko. "So anong oras nga?" "Mga 1 or 2pm." "Kingina, 12 pa lang." Nakita ko sa labas na papunta kami ng Makati. Kilala ang Vasquez Company pag-dating sa mga kotse pero hanggang doon lang ang alam ko. Madami silang uri ng kotse pero hindi ko alam ang mga tawag doon. Sports car lang yata ang alam ko. Isa sila sa mga pinaka-mayaman sa Pilipinas. Kinuha ko ang cellphone ko at sinearch ang Vasquez Company. Nang-laki ang mga mata ko nang makita ko ang income nila kada araw. Pagmamay-ari ito ni Franklin James Vasquez isang 56-year-old Filipino businessman. May lahing Spaniard ito pero tumira sa Pilipinas simula noong high-school. "Gurl, ang gwapo ng may-ari ng Vasquez Company kahit may edad na." sabi ko kay Claire. "I know right." tanging sagot niya saakin. Ang asawa ni sir Franklin ay si Mrs. Ysabelle Maine Vasquez isang 50-year-old Turkish businesswoman. Pagmamay-ari niya ang clothing Brand na VSQZ. Ang sosyal tignan at mukhang mahal na mahal nila ang family name nila. Pero kung bobo ka, iba basa mo. VasAqAza sige push natin 'yan. May 3 silang lalaking anak. Sina Francisco (29), Dave Miguel (25), at John Lewis (10). Wow, mukhang gustong magkakalat ng lahi si sir. "Ang sad, walang picture 'yong mga anak. Type ko 'yong Francisco, ang hot ng pangalan eh." Malandi kong kwento kay Claire. "Yep, ang hot pakinggan pero huwag kang mag-imagine kaagad kasi hindi naman magiging kayo." "Sabagay, ang layo ng estado namin. Sobrang yaman nila tapos ako heto, ipon muna bago makuha ang gusto." "Huh anong connect? I was trying to say na malay mo may minamahal na sila tska teka anong masama doon? You. Are. Amazing. Nakakapag-ipon ka ng malaki at nagagastos mo sa luho mo at hindi lang sa pagkain." sagot ni Claire. Tango lang ang binigay ko sa kanya. Nakita ko sa labas ang District 6 na sign board. So ang district dito ay bawat limang kanto I guess. Masyadong madaming building para mapansin ito. "Nasaan 'yong District 1,2,3,4,5?" tanong ko "Nasa South gate. Ito kasi 'yong east gate, kung saan mga kumpanya lang. Then ang District 1-5 ay hotels, condo and apartments." Wow naman ang organized. Sana ganyan din ang buhay ko. Ang lalayo ng bawat district. Kailangan mo talaga ng sasakyan para makapunta dito. Kawawa naman 'yong mga nagtatrabaho dito. Late ka na nga, male-late ka pa kasi nga ang layo. "By the way, kung iimbitahan ka ulit nila, mag-taxi ka kasi sobrang layo. 199 district 9 East gate." paalala niya sakin "Bakit may iba pa bang 199 sa ibang district?" "Bawat district kasi composed by 120 buildings" Ha? Ang dami naman pala. Parang gusto kong mag-back-out. Joke lang ssob. Grab the opportunity nga sabi nila. "Ayan na yung building ng kumpanya." Parang technology company ang woala. Ang ganda ng pagkaka-disenyo sa labas. Magaling panigurado ang architect edi sana all talaga. Ako nag ganon ako pero hindi man lang marunong mag-drawing. Bago ka pumasok sa mismong building may parang people's park. 'Yong parking lot nila nasa baba kaya ang dilim ng dinadaanan namin. "Love, ang dilim naman dito. Atakut ako." Pabebe kong sabi. "Just hold my hand, love." sagot niya with matching cringe. Inayos ko na 'yong laptop ko pagka-hinto ng sasakyan. Nag-sapatos na rin ako. Habang ginagawa 'yon, binuksan ko na ang pinto ng kotse. Woah, may katabi kaming mamahalin na kotse. Ang ganda, parang kotse ni Batman. Nang naisukbit ko na ang bag ko, medyo nag-step backward ako pero may naramdaman akong naka-umbok kaya natumba ako. Tanga mo Anne! Yung laptop ko putang hangal. "Depukeng hangal! Tangina, sinong naglalagay ng heels dito sa parking lot?" Na-realize ko na isa lang. Haluh, siguro hinahabol 'yong babae tapos pinatay at isinako tapos hinulog sa ilog. Nawala lahat ng imagination ko nang maka rinig ako ng ungol galing sa sasakyan na katabi namin. 'Faster, sir Dave' 'Ahhh shiittt' ' Sir Daveee urghhh' ' Yes, right therrree' Hindi ako inosente para hindi malaman kung anong ginagawa ng mga tao sa loob. Tirik 'yong araw sa labas tapos makikisabay din sila sa pagtirik ng mata. Mga kabataan ngayon. Buti ako fresh pa kahit hindi halata. Tumayo na ako sa pagkakahulog. Kinuha ko 'yong heels tas ipinukpok ko sa humps. Akala mong babae ka. Landi niyo. Kaagad kong pinuntahan si Claire nang matapos ako. "Ginawa mo do'n?" "Uhm, natumba ako. Hehe tara na." Isinukbit ko 'yong braso ko sa braso niya. "Alam mo kung saan tayo pupunta?" tanong niya. Nag-smile ako sakanya at umiling. "Sa lobby daw sabi ni papa. Kuya Guard ito ba 'yong papuntang lobby?" siniko ko siya ng mahina at bumulong. "Paakyat kamo." "Parehas lang 'yon." bulong niya pabalik. "Opo, ma'am. May appointment po ba kayo? Kanino po?" tanong ni Kuya Guard. "Ah opo, ang alam ko po kay papa naka-pangalan, kay Mr. Montero po." Tinignan ni Kuya 'yong listshan at tumango. "Akyat na po kayo, ma'am. Pindutin niyo lang po yung G button." At itinuro niya sa 'min 'yong elevator kung saan paakyat sa lobby. Nang makasakay kami sa elevator narinig ko si Kuya Guard. Pinindot ko na 'yong G button. G-spot button.. "Good Morning, sir Dave." Bati ni Kuya Guard kung sino man iyon "Oh Sandra, hindi pa tapos ang lunch ah. Ang aga mo at anong nangyari sa sandals mo at bali ang isa?" Nauna nang pumasok 'yong lalaki kaya umurong kami ni Claire paatras. Ang tangkad niya siguro ay 5'10. Grabe, ang tangkad nito kumpara sa height naming dalawa ni Claire. 5'4 nga lang ako eh. Medyo makatawan si kuya. Naka-shades pa siya. Teka, maaraw pala dito? Parang ang lambot ng buhok niya, halata na inaalagaan ng mabuti ito. Cute din 'yong round shape na mukha niya at sakto lang ang labi niya. Sarap halikan. Ha? Puta. Mukhang kaya mag-seryoso. Ang broad ng shoulders niya, ah. Take note, abot dito ang pabango niya. Ang manly masyado ng amoy niya. Naka-sweater na black then oversized na sando siya. "Kuya, gano'n talaga kapag masipag." sagot ng babae sabay pasok sa elevator na iika-ika at napatingin ako sa paa niya. Teka,ayan ba 'yong heels na sinira ko? Mygawdd. Pft.. buti nga sayo. Ang landi ng pagmumukha mo girl. Sarap sapakin anytime. "Please make your walk natural when you get your extra shoe in your desk, ok? If papa notices your walk, he will suspect that we did it." The man has a deep voice.Eh, you DID it nga, 'di ba? "Eh, sir malaki, eh." Then, na-realize ko na 'yong ginawa nila kanina. Nasamid ako at napa-ubo. Pinipigilan kong tumawa kaya napatingin silang dalawa sa 'kin. Shit... "Uhm, nasamid lang po. Sorry po." Ang sabi ko at nakayuko na lang ako. Nararamdaman kong may nakatingin sa akin. Baka si Claire 'yon pero iba yung feeling parang ang init ng paligid ko ganoon. Nag-bukas na ang pinto ng elevator at dahan-dahan kami ni Claire na lumabas. Himala hindi ako nahilo. At hindi ko alam kung bakit ang bagal namin lumabas. Tumingin ako sa likod ko at laking gulat kong nakatingin 'yong lalaking naka-shades sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD