Chapter 2

2546 Words
-1 Meter Hanggang sa mag-sara ang pinto ng elevator, hindi kami nag-iwasan ng mga titig. Hindi ako mag-papatalo sakanya. Napa-irap ako sa hangin at umiling-iling na lang. Jerk Nang-laki ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang katabi ng elevator. Napaka-sosyal naman talaga ng kumpanyang ito. "Good aftternoon po. Saan po kayo ma'am?" tanong ng lalaking lumapit sa 'min. Inilibot ko ang aking paningin at napabilib na lang sa nakikita ko. "Uhm, may appointment po kaming nakapangalan kay Mr. Montero or kay Mr. Vasquez?" Parang hindi alam ni Claire 'yung sasabihin niya sa lalaki. "Ah opo sige, Sunod po kayo saakin." tinungo niya kami sa bandang gitna ng lobby. Mala-Hotel Del Luna ang style ng lobby. Sa right side namin ay mayroong parang sala. May mahabang sofa then may pang single tapos may coffee table sa gitna, ganoon din sa left side. Siguro tig-apat ang both side ang mayroon. It has a grand staircase na katabi ng elevator. Ang daming malalaking chandelier, iba't ibang uri ng disenyo. Ang sosyal pala ng entrance nila dahil pagbubuksan ka nila at may sasalubong kaagad saiyo. Malaki ang front desk nila, halatang madami silang customers. I think sa second floor makikita 'yung mga models ng kotse na binebenta nila. So, kapag dito ka talaga bumili sa mismong kumpanya, ma-aassist ka nila ng Mabuti. Ang sarap mag-trabaho sa ganitong kumpanya. Pwedeng-pwede na ako sa marketing team tutal nag-ABM naman ako. May kinausap 'yung lalaki sa may front desk at may ibinigay sa kanyang papel. Papel nga ba 'yon? Tumingin siya sa amin at ngumiti. Edi syempre, ngumiti rin ako. Gwapo eh. "Dito po tayo sa waiting area ma'am." Muli niya kaming ginabayan papunta doon. Pagkadating, pinaupo kami sa may right side. "Ms. Gracie Anne Lorenzo Castillo, right po?" Nagulat ako sa sinabi niya. Ay, kuya bakit buong-buo. Napansin ko si Claire na namumula at halatang nagpipigil ng tawa sa narinig niya. "U-uhm... Yes?" I was not effin' ready to hear that disgusting name. Bakit kasi may Gracie sa pangalan ko? Anne lang talaga ang tanggap ko. "You have an appointment with Mr. Vasquez at 1:30 pm po." "Ah sige po." Sabi ko at nginitian ko siya. Ang gwapo talaga shet. "Maiwan ko po muna kayo." Tumango lang ako then umalis na siya. "b***h, ang ganda ditoooo." sabi ko at parang ang ganda mag-picture, you know pang-IG. "Uhmm... Yep. Nga pala, nag-chat sa 'kin si Pia. Tulog daw tayo sa condo niya ngayon." "G lang, tatapusin ko na lang naman 'yong sa school at wala na kaming pasok next week." sabi ko habang may binabasang libro tungkol sa Vasquez Company. "f*****g SHIIT!" sigaw ng isang lalaki na nakakuha ng atensyon ng lahat kaya pati ako napa-lingon din sakanya. Wow, ang lutong ng mura niya. Nakita kong may natapon na kape at nagkalat ito sa sahig. "Intern? Wow, you just spilled coffee on my coat. You're gonna pay for this" sabi ng lalaki. Halatang halata yung galit niya sa intern. Teka, ayan yung kanina sa elevator at nagpalit siya ng polo. May reserba, masama po 'yun. May kasama na siyang lalaki at gwapo ito. Jusko nag-kalat ang blessing. "Bro, hindi naman yata sinasadya." sabi ng kasama niyang gwapo. Behind those shades, I can feel his hot gaze at alam kong nakakatakot iyon kaya siguro nakayuko lang 'yung intern pero sino ba siya sa inaakala niya? Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Be, huwag mong dalhin dito yung ugali mo." sabi ni Claire sa akin. Nag-lakad ako papunta sa gulo. Umaktong hahampasin ng lalaki 'yong intern pero hindi nangyari 'yon dahil napigilan ko siya. Yes, naman may superpowers ako. "Ikaw lalaki ka, hindi ka ba makaintindi? Intern, b***h. Intern! Ibig sabihin nag-aaral or nagte-train, 'di ba? At tsaka, huwag kang sumigaw kasi nakakahiya sa mga tao dito, ok?" sabi ko. Putek ang bigat ng kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ko at tumingin sa akin. Ramdam ko 'yong init ng braso niya. Ang Hot. Mas nakita ko ang full features ng mukha niya. "Who are you?" "Ako ang pinadala ng itaas para sunduin ka--Charot. Hindi na mahalaga kung sino ako. Umayos ka ng akto sa intern at tsaka labhan mo na lang 'yan, mawawala din 'yung mansta diyan." "You shouldn't care how I treat this intern, and for your f*****g information, this is an expensive coat." "Oh, edi labhan mo. Para-paraan lang 'yan. Daming arte. Ngayon, mag-sorry ka kay Ate." Sabi ko at para bang may bumagsak na kung ano sa likod ko dahil nagulat siya. "And why would I f*****g do that?" "Hoy! Ayusin mo 'yang pananalita mo. Naririndi ako sa kaka-f*****g mo, eh. Tao 'yan, may feelings. Mag-so-sorry ka lang naman, walang mawawala sayo." "f**k off." Pilit na nagpupumiglas 'yong lalaki. Edi ako, madali naman akong kausap. Binitawan ko siya at itinaas ang dalawa kong kamay na para bang sumusuko na. Susuko na ako sakanya. Charot. "Ok, ok po. Kung ayaw mong mag-sorry, ok fine! pero sana habulin ka ng konsensya mo." sabi ko at nag-smile na pang-asar then tinignan ko yung intern at nag-smile ako sa kanya. Bumalik na ako sa kinauupuan namin ni Claire. "Girl, ang tapang mo minsan." "Abay, sino ba siya para ganyanin ang intern? Mayaman lang siya. Kita mo 'yong intern hirap na hirap sa pagdala ng kape, so huwag bastusan." "Ms. Castillo, tara na po. Mag-sisimula na po 'yong meeting niyo po with Sir Vasquez." Tumango lang ako. "Lead the way po. By the way, pwede po siyang isama?" sabi ko at tumango naman ito. Isinukbit ko ang bag ko then tumayo na. Nakita kaya niya kung gaano ako katapang doon? Nauna na siyang lumakad then nakita ko nanaman ang mayabang na lalaki. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Nang malagpasan ko siya, I flipped my hair. Natawa ako sa ginawa ko. Loka-loka ka talaga Anne. Tumingin ako sa likod ko then nakatingin siya sa 'kin. Feeling ko ang hot niya talagang tumingin. I stick my tongue out to him para bumelat. Sumakay na kaming tatlo sa elevator. Pinindot ni Kuya yung 15. Pumikit ako kasi ayaw kong nararamdaman ang pagtaas ng elevator kanina okay pa ako eh pero nang makita ko ang kabuuan ng elevator mukhang mahihilo na ako. Tsk! Bago mangyari 'yon, may sumakay na dalawang lalaki. s**t. Bakit sumakay pa dito 'yong mayabang na lalaki? Umusod ako sa pinakadulo pero tarantado 'ata 'tong lalaking to' at tumabi pa sa 'kin. "Mapagmahal na ina, gabayan niyo po ako." bulong ko. Narinig ko ang pag-igik niya pero wala akong balak pansinin iyon. Naramdaman ko nang umakyat ang elevator. Napahawak ako sa gilid ko. Hagdan, mahal kita kahit nakakapagod ka minsan. "I guess you hate elevators." "And guess what? I hate you too." mabilisan kong sagot habang binabalanse ang hilo ko. "Well, I guess we're on the same pace." "Shut up, little twerp." Mas nahihilo ako kapag nagsasalita siya. Naiinis ako sakanya ang sarap hambalusin ng lollipop. "Burn." bulong ni Claire na para bang natatawa. "Bro, nahanap mo na ang katapat mo." sabi ng kasama niya. "Miss, what are doing here?" tanong ng mayabang na lalaki. "Nag-gagala. Bakit?" "Sir, siya po 'yong pinaki-usapan ng papa niyo po." sabi ni kuya assistant. Papa? Sino ba naghire sakin? "Papa? Nag-hire sa akin? Si sir Vasquez? Shit." Na-realize ko na siya 'yong Dave na pangalawang anak ni sir Vasquez. Nalaman ko kasi 'yung pangalan niya kanina kay kuya Guard. Nakita ko 'yong ngisi niya. Akala mo magpapatalo ako? "Huwag kang ngumisi diyan, nagmumukha kang manyak. Hmmp!" Pero ang totoo, ang hot niya. Magsasalita pa sana siya pero nasa 15th floor na kami kaya lumabas na kaagad ako. "Lintek na elevator nakakahilo." "Hmm, next time you won't be dizzy there," sabi ni mayabang "Ha?" "Hackdog." sagot niya. "Tarantado." Sabi niya at tumawa lang siya. Luh! Loko-loko si Gago. Pinapasok kami ni Kuya sa isang room. Conference room to be exact. Well, I think mang-huhula lang kasi ako. Nakikita ang labas dahil ang laki ng bintana nito. May pang-isahang tao na upuan at may pang-dalawahan. Ano 'yung isa pang-single at 'yung isa naman is pang-landian. May oval na table sa gitna at mayroon itong velvet na tela. May mga naka-upo nang mga worker doon. Nakita ko ang tatay ni Claire kaya pinuntahan ko si tito at nag-mano dito. Nag-beso naman si Claire sa tatay niya. "Upo na po kayo ma'am" Paupo na ako sa tabi ni Claire nang biglang may humawak sa braso ko. Akala ko matutumba ako pero nakaalalay pala ito. Hinila ako sa pang-dalawahan na upuan. "Langya." bulong ko. Langya crush yata ako nito. Tumabi siya saakin. Nag-iba na rin pala ang coat niya. Ano ba talaga kuya! Ang dami mong reserba pwede ba, maging loyal ka! "Babantayan kita. Baka ma-hypnotize mo ang papa ko." Napatingin ako sa kanya. This guy is unbelievable. Ang sarap hambalusin ng lamesa pero ang cute ng tagalog niya ah. Nag-sitayuan ang lahat kaya tumayo din ako. May pumasok na middle aged guy yet still good looking. Nakita ko rin 'yong maarteng babae. Nang mapadaan 'yong lalaki sa likod ko, nag-bow ako. Koreanist ka gurl? "Sige maupo na kayong lahat." Nag-sisunuran ang lahat. Simon says seat. Ngumiti ako sa matanda na nasa unahan. Ngiting gustong matanggap. "So, young Lady, we are here to convince you to do the marketing style of our company." banggit niya. Sila pa 'yung mag-coconvince saakin ah, imbis na ako. Tumango siya sa isang empleyado na nasa likod ko. Biglang dumilim ang paligid at nagkaroon ng isang presentation sa paligid. Parang pinapaligiran kami ng mga malalaking tv. Shet! Nakahilo naman toh. Nag-explain na 'yung nasa unahan. Siya pala 'yong Sandra, 'di iba? Masarap ba 'yong katabi ko, gurl kaya tingin ka nang tingin sa gawi ko? "I'm Cassandra, the secretary of Mr. Vasquez and the new head of the marketing team. We are offering you to do simple things. Pwede kang maging parte ng kumpanya. Syempre, ilalagay ka sa marketing team. The benefits will be a condo and a car. Bawat picture or video mo ay may bayad." Bitch, taga-marketing ba talaga 'to? Hindi siya nakakakumbinsi. English sa una tapos magtatagalog. Ang panget niya. Ang landi niya pang tignan. I flatly looked at her. What the actual f**k? Patuloy lang siya sa pagbabasa. Girl, paano ka naging head kung ganyan pagkukumbinsi mo? "Lintikan na marketing head. Naturingang head pero hindi naman marunong," bulong ko. "She's new and the only available one so we had no choice. It's an urgent hiring. She's the head for a week now but if we find a someone professional, we will replace her immediately," bulong pabalik ng lalaki. Bakit ka nag-e-xplain, gurl? May sinabi ba akong why and explain? "b***h, can I have the contract na?" bulong ko sa kanya. Tumango siya sa akin at may ibinigay na papel na binasa ko. Magkakaroon ako ng condo. 20k per month ko. Bukod pa 'yong bayad sa picture kapag nagustuhan ng CEO. Magkakaroon din ako ng sariling sasakyan in my 2nd month working here. Magkakaroon din ako ng sariling office. Then, may nakasulat doon na hindi printed at parang lapis ang ginamit sa pagkakasulat. Be my Personal Assistant. Tumingin ako kay yabang. He's already coldly staring at me. Hmmm, P.A lang pala eh. Sure, why not 'di ba? "Bukod ba 'yong payment mo?" tanong ko. "Of course." mayabang niyang pagkakasabi. Ngumiti ako ng palihim at agad pumirma sa kontrata. Sinagutan ko rin ang mga kailangan kong sagutan. Tinaas ko ang kanang kamay ko na para bang mayaman. "Sorry to cut you off, Ms. Cassandra, but I already signed the contract. No need to have a novel-long promotion." Then, I smiled at her. And she just irap me. How dare... "Thank you, young lady. I saw your previous shots and edited videos. They were amazing and creative. I'm happy to work with you." Tumayo siya kaya napatayo din ako. Naramdaman kong tumayo din si Mayabang. Pero bakit? saan niya nakita iyon? Sa school lang naman ako nag-e-edit, hindi pa ako nag-po-post sa social media. "Dad, I'll go with her. You're being too confident." "Ayan ka nanaman, Dave. If you hook up with her, I swear hindi mapapadaling mapasayo ang kumpanya. Unless you marry her. " His dad smirked and winked at him. "Sir, don't worry, I don't do hook ups and dates with my workmates. But your son can hook up with your secretary, opps--" Lintikan wrong move ka Anne. Gaga ka talaga kahit kailan. "Dave... ano pa bang gagawin ko sa 'yo? Hindi kita pinalaking babaero," mahinahong sabi ng matanda. Pero mukhang scripted. Alah si sir naakting. "But Dad, what's the use of having a bright future if you're not gonna use it, right? And don't alala, Dad, stick to one na ako." Nang marinig ko na naman ang baliko niyang tagalog, napagikhik ako. "Young lady, don't you dare laugh at me. I'm just sayin' the truth. Unless you want evidence." sabi ni mayabang. Luh, hindi naman kasi 'yong lollipop mo. "Pervert hmm." ayan lang nasabi ko. Natawa lang sa 'min ang ama niya. Nag-bilin ang matanda sa 'min na pag-butihan namin at puwede na daw akong mag-umpisa. "Okay, the meeting is adjourned." sabi ng matanda. 'Yong iba nagsilabasan na. Kinamayan at nginitian ako ng matanda at ganoon din ang ginawa ko. Nang magtapat na sila ng kanyang anak, he tapped his broad shoulder. Urgh! Parang ang sarap yumakap dito. HA? "Son, I'm so proud of you. You're very loyal. I support you," sabi ng matanda at umalis na. Loyal pero kumakanto---- Nakita ko 'yong secretary na nag-ngangalang Cassandra. Ang sama ng tingin sa 'kin. Inirapan ko na lang siya. Tatlo na lang kaming natira, si Claire, ako at si Dave "So, Ms. Eyeglass lady, can you leave us for a while. I need to talk to Ms. Castillo." pormal na sabi ni Dave at parang normal na lang sakanya ang pagiging pormal. Sana all normal kasi ako abn-- Tumango naman si Claire at lumabas ng silid. Lorenzo hindi Castillo! Patay tayo diyan, buking ako. Narinig ko ang pag-sarado ng pinto. Urgh! Ang awkward kaya yumuko ako ng dahan-dahan. Nakita ko sa gilid ng mata ko na ibinaba niya ang kanyang salamin. "Young lady, you know what?" "What?" Umangat ang tingin ko sa kanya at nakita ang kanyang buong pagmumukha. s**t. He has beautiful eyes that I really want to look at my entire life. They're green eyes. Naramdaman kong nanginig ang buo kong katawan. Naramdaman ko ring namumula ako. Shet! Ang ganda ng mata. "Later, you're gonna start being my personal assistant. And please, stay away from me." "And why would I stay away from you? I'm your P.A after all. So, I will see you every time. Tell me whatever you want me to do." "No, it's not like that. We should be 1 meter away from each other." "Ang arte ah. Kumuha ka pa ng P.A kung may layo naman. Pero sige, subukan natin i-apply 'yan. Bakit kailangan natin ng distansya?" He smirked and licked his lips. "Because I'm tempted to kiss those pinkish lips of yours."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD