CHAPTER 26 MELISSA QUIZON "Okay na ang release order mo. Pwede ka ng lumabas bukas ng hapon." Propesyonal na sabi ni Eugene habang tinitingnan ang record na hawak nito. Pangalawang araw ngayon ni Wright sa ospital, at mabuti nalang at okay na siya. Naiinip na rin kasi dito si Reid at palaging nag-aayang umuwi sa bahay namin. Kaya ang ginawa ni Wright ay nililibang ang anak namin. Naglalaro sila ng kung ano-ano. Kaya ngayon, ayun ang anak ko, tulog na naman sa gilid ni Wright. Medyo nagkakalapit na rin ang mag-ama at nagbibigay na rin si Reid ng puwang para kay Wright. Nasabi ko na rin kay Wright ang ginawa kong paggamit kay Eugene. Na hindi totoong mahal ko si Eugene. Pero pinaliwanag ko rin kay sa kanya na hindi pa ako handa para mahalin siya ulit. Nahihirapan pa akong pagk

