CHAPTER 27 MELISSA QUIZON "Daddy, okay ka na?" Tinulungan ni Wright si Reid na umakyat sa ibabaw ng kama niya. Nang makaakyat ito ay inayos ni Wright ang jacket nito na nagusot. Ngayon kasi maaaring ilabas si Wright sa ospital. Hinihintay nalang namin ang release order para tuluyan na itong makalabas. Ngumiti ng malawak si Wright. "Sarap namang pakinggan ng 'Daddy'. Isa pa nga." Umiling si Reid at yumuko. Nahihiya pa rin ito sa ama. Pinanood ko lang sila habang tahimik na nag-aayos ng damit na marurumi. Pati na rin ang ibang damit na hindi nagamit ay kailangan kong ayusin. Marahang pinisil ni Wright ang matangos na ilong ni Reid. "Bakit ba ang sungit-sungit mo sakin, e, Daddy mo naman ako." Bumalik sa pagkaseryoso ang mukha ni Reid. "Kasi, pinaiyak mo po ang Mommy ko. Love ko

