CHAPTER 33 ********* MELISSA QUIZON Dalawang araw pagkatapos ng pag-uusap namin ni Wright sa harap ng puntod nila Lola ay naging busy na ito sa kanyang trabaho. Lagi na rin siyang umuuwi ng gabi. Kaswal nalang rin ang turingan namin sa isa't-isa. Hindi pa rin kami umalis sa bahay ni Wright. Dahil kay Reid, nagkalinawan na rin naman kasi kami ni Wright kaya hindi na kailangan. Ayoko rin kasing magtaka si Reid. "Mommy, wala pa po si Daddy?" Napatingin ako sa nagsalita. Pababa si Reid ng hagdanan habang kinukusot ang isang mata. Mukhang naalimpungatan ito. Tumayo ako at binuhat ito. Dahan-dahan ko siyang inugoy. Inilagay nito ang ulo sa pagitan ng leeg ko. "Wala pa, Baby. Go to sleep ka na ulit." "I can't, Mommy. I miss Daddy's bedtime stories." He murmured. "Ako nalang ang magkukwen

