CHAPTER 39 MELISSA QUIZON "Baby, 'wag kang malikot. Malapit ng mag-landing ang airplane." Paalala ko kay Reid at hinawakan ang kamay nito. "I'm so excited, Mommy." Masayang sabi nito. Nginitian ko siya. "I know. Me too." Lumabas na kami sa eroplano nang mag-landing ito. Sumakay kami sa aming sasakyan na kanina pa pala sa amin nag-hihintay. "Welcome to our city, Ma'am." Bati ng driver namin. Matipid ko itong nginitian at pagkatapos ay pinunasan ang dumi sa gilid ng labi ng aking anak. "Mommy, you like?" Malambing na sabi ni Reid at inumang sa bibig ko ang kinakain niyang biscuit. "Thank you, Baby. Go, eat it. I'm not hungry." Mahinahon kong sabi. Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng kotse. Pinagmasdan ko ang mga berdeng tanawin. Malayong malayo ito sa Manila. Parang kay

