CHAPTER 38 ********* MELISSA QUIZON One year later.. "Reid, come back here." Tawag ko kay Reid nang makita ito na nasa labas na naman ng resort house. "Just a second, Mom." Sabi nito habang nakatingala. Pinapalipad na naman kasi nito ang plane na bigay sa kanya ni Wright noon. Nandito kami sa isang sikat ng resort dahil may a-attend-an akong meeting. Buti naman at bakasyon ni Reid kaya naisama ko siya. "Ma'am, may three minutes pa po kayo bago magsimula ang meeting." Nakuha ng sekretarya ko ang aking atensyon. "Thank you, Miss Clara." Pagkasabi ko n'un sa kanya ay lumabas na ito. Pinuntahan ko sa labas si Reid at tumalungko para mayakap ito. "Ikaw talaga. Tumitigas na ang ulo mo." "Maganda kasi yung view dito, Mommy. Ang sarap magpalipad ng airplane." Sabi nito habang ginagalaw

