CHAPTER 37 ********* MELISSA QUIZON "Mommy. Mommy." "Hmm?" Ungol ko. Ang aga namang magising ni Reid. Binaon ko ang mukha ko sa unan. "Mommy, wala si Daddy sa kwarto niya." Panungulit ni Reid. "Baka pumasok na sa work, Baby." I murmured. "Wala rin po lahat ng damit niya." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naoatayo ako at tumakbo sa kinaroroonan ng kwarto ni Wright. Marahas kong binuksan ang pinto nito. Isa-isa kong binuksan ang kabinet niya. Walang laman ni isang damit ang loob niyon. Nanghina ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. "I told you, Mommy. Where did Daddy go?" "I-I don't know." Nalilito kong sabi. Pinilit kong ngumiti sa anak ko. "Baka naman may iniwang note ang Daddy mo sa baba." Hawak kamay kaming bumaba. May takot sa puso ko na baka nga

