CHAPTER 36 ********* MELISSA QUIZON "Reid, where are you? Natahi ko na 'yung pants mo." Sabi ko habang hinahanap ai Reid sa loob ng kwarto niya. Lumabas ako ng kwarto ni Reid. Nakarinig ako ng ingay mula kung saan kaya sinundan ko iyon. Ang ingay ay nagmumula sa kwarto ni Wright. Kumunot ang noo ko nang makitang seryosong nag-uusap ang dalawa. Nagtago ako sa may gilid ng pinto at nakinig muli sa usapan nila. "Pero, Daddy, okay naman kayo ni Mommy 'diba? Bakit hindi kayo nag-uusap?" Inosenteng tanong ni Reid. Itinigil ni Wright ang p*******i ng kurbata niya. "May mga bagay na hindi mo pa maiintindihan, anak." "Daddy, gagabihin ka na naman po ba sa trabaho mo? Hindi ulit tayo sabay kakain?" Tila may bahid na lungkot ang boses ni Reid. Lumuhod si Wright sa harap ni Reid para magpantay

