CHAPTER 20 MELISSA QUIZON Nagising ako nang may sumiksik sa pagitan ng ulo ko. Pagmulat ko ay nakita ko ang makintab na buhok ng anak ko atsaka lang pumasok sa isip ko ang lahat ng nangyari kahapon. Ano na naman kaya ang dala ng araw na ito para sa amin ng anak ko? Hinalikan ko siya sa noo bago dahan-dahang bumangon. Kumilos ito ng kaunti para humarap sa kabila at yakapin ang teddy bear na bigay ni Eugene. Kasalukuyan akong nagluluto para sa almusal namin nang makarinig ako ng katok sa pinto. Nagulat ako nang makita ko si Wright sa tapat ng bahay namin at agad na binuksan ang pinto pero nanatiling naka-lock ang screen door. "What are you doing here?" He's wearing a white V-neck T-shirt and faded jeans. Nakasuot din siya ng cap at ray ban. May nakasabit din na dog tag sa leeg nito. "N

