CHAPTER 19 WRIGHT AGONCILLO "Reid." Umalis si Melissa sa tabi ko at pumanta sa kinatatayuan ni Reid. Tumalungko ito at hinawakan ang anak namin sa balikat. "Baby, magpapaliwanag si Mommy." "Siya po ang tatay ko?" Hikbi niya. Walang nagawa si Melissa kundi ang tumango. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ni Reid. Tumabi ako sa kanila at tumalungko rin sa harap ni Reid. Alam kong nasasaktan ko si Melissa. Pareho sila ni Reid. Napatingin sa akin ang anak ko nang hawakan ko ang kamay nito at dalin iyon sa pisngi ko. "I'm sorry, Reid. Madami akong pagkukulang sa inyo. Pero, nandito na ako ngayon para sa inyo ng Mommy mo. You want a complete family, right?" Sumulyap si Reid gawi ni Melissa. Mapupungay ang mga mata nito. "Mommy, natatandaan mo pa po ba yung promise ko sayo?" Pinunasan niya an

