Nakabusangot ang mukha ni Faye habang nakasakay sa kotse ni Reinhard. The guy on the other hand was whistling to a happy tune.
"Stop it! Nakakairita!" Asik niya. She's already in a bad mood, at talagang nananadya pa ito.
Ngumisi ito. "Smile, Faye. You look deadly sa itsura mo ngayon. Baka matakot yung mga tao sa restaurant na pupuntahan natin. Ikaw din, I'm not eating in any other restaurant but that one. Lagi kami doon ni Clyde and I want you to try the food there too."
"I don't care." She stomped her feet. "This is not fair, Ulan! You tricked me! Hindi naman approved ang resignation ni Clyde e."
"Ang usapan natin, you'll date me if he'll resign. Hindi kapag pinayagan siyang magresign. He did submit a resignation, you know that." Ngisi nito at tila balewalang nagpatuloy sa pagpito habang nagdadrive.
"Trickster!"
Tumawa lang si Reinhard. "I still think it's better than manwhore." Pinasadahan siya nito ng tingin. "You look beautiful by the way." He said while reaching for his phone.
Nairolyo na lang ni Faye ang mata sa inis. Then she heard a click. Sinamaan niya ng tingin ang kasama. "What are you doing?"
"Taking a picture. Hindi ba obvious?" He answered habang tumitipa pa rin ang isang kamay nito. "There. Sent."
"Sent? Kanino mo naman pinadala ang picture ko? Ginandahan mo man lang ba ang kuha ko? Hoy! Mahal ang bayad para sa mukhang 'to, ano."
He chuckled. "You'll see."
Sinubukan niyang agawin ang cellphone nito pero hindi niya iyon mabuksan dahil sa password. "Kanino mo nga si-nend, Ulan?"
"Someone na makikita mo mamaya if... you're lucky." He wink at her. Umirap siya. "Can you at least pretend to be happy sa date na 'to? To be clear, friendly date lang 'to, wala akong balak na ligawan ka kaya huwag kang mag-alala diyan."
"Thank goodness!" She breath, feeling relieved.
"This is just one date but still... Don't fall in love with me." He warned. "Ayoko ng gulo."
"Duh? Huwag ka ngang ilusyunado."
"I'm just saying. Baka kapag hindi na ako maalis dyan sa isip mo, sisihin mo ako na hindi kita binigyan ng warning, na paasa ako, na pa-fall ako. You know, those words that loser girls usually says."
Binato niya itO ng nadampot na tissue. "Gago ka, alam mo ba 'yon?" She said. He just chuckled at hindi na umimik. Pinakalma niya naman ang sarili. On the way na lang din sila, she might as well enjoy. A date na hindi siya ang nag-aya means free food and drink, so keri na. Ang importante, Clyde is not going anywhere. Yet.

A date w/ this gorgeous lady
Napatigil si Clyde sa pagtakbo sa threadmill ng makita ang pinadalang picture ni Reinhard sa viber, dahilan para malaglag siya at muntik ng masubsob sa makina. "s**t!"
"Cuervo, ayos ka lang?" Tanong ng kasamahan niya sa gym. He nodded.
Mabilis siyang umayos ng tayo pagkatapos damputin ang nalaglag na cellphone na mabuti na lang at hindi nabasag. He checked the photo again to ensure na hindi siya pinaglalaruan ng mga mata niya. It was indeed Faye in another revealing piece of cloth. Whoever started the trend sa style na iyon ay umani ng mura sa isip ni Clyde.
You like what I sent you? Do something, Cuervo.
Pahabol na text ni Reinhard. Hindi niya alam kung ano'ng tumatakbo sa utak ng kaibigan niya but he's not going to play alone. Ini-off niya ang threadmill at umalis habang gigil na dina-dial ang isang contact niya.
"Hi Lizbeth!" Masayang bati niya ng sagutin nito ang tawag. "I heard you're back so I'd like to invite you na kumain sa labas. Let's catch up, na-miss kaya kita." He heard her giggled.
"For the nth time, Clinton... It's Elizabeth. Ang ganda ng pangalan ko, minumurder mo. Iyong totoo, magkaibigan ba talaga tayo? Why can't you get my name correctly?"
"I like Lizbeth." Balewala niyang sagot. "So... Are you available now?"
"What? Now?"
"Yes. Susunduin kita, you're still staying sa apartment mo, hindi ba?"
"No, pinarentahan na nila Tita yung mismong apartment ko so I'm staying sa kasunod noon. I can't blame them, three years din akong nawala."
"Alright. I'll fetch you."
"Nasa restaurant ako, bakit hindi ka na lang pumunta dito?"
"Okay, I will."
"Reinhard?" Kumunot ang noo ni Clyde sa narinig. "Oh, shoot is that her? She's here, Clinton. And what is she doing with that manwhore? Hindi ba dapat ikaw ang kasama niya?" Halata ang inis sa boses ng babae. "Hurry up and come here. Ako'ng bahala sa malandi mong kaibigan."
Tipid ang ngiti na naglalaro sa labi ni Clyde. Lizbeth's timing is impeccable as ever.
"Wow!" Bulalas ni Faye habang iginagala ang tingin sa pinagdalhan sa kanya ni Reinhard. Madalang siyang makatapak sa isang fine dining restaurant na kagaya nito kaya naman naeexcite siya. "This could've been perfect kung si Clyde ang kasama ko." Parinig niya.
"Too bad." Sagot ng lalaki na pinaghila si Faye ng upuan. "I'm afraid ako ang makakasama mo ngayun unless..."
"Unless?"
"Unless my plan work."
Nagtataka ang tinging binigay niya dito. "Sabi ko nung nakaraan, may plano ka. Wala namang nangyari. Your plan is a joke! A joke. Tss. I'll just pretend na wala akong narinig." Sabi niya saka tinanggap ang menu na binigay ng waitress. Nahilo lang siya sa hindi mabasa-basang listahan doon lalo na ng makita ang prices kaya inis niyang inilapag ang menu. "I-order mo na nga lang ako, Ulan. Mukhang madalas ka naman dito at kilala ka na ng nga waitress. They're eyer aping you by the way."
He smirked. "May damit pa ako niyan. Paano na lang kung wala." She faked a gag. He laughed saka um-order.
"How did you two meet by the way?" She asked ng makaalis ang waitress.
"You mean Clyde? We meet sa admission exam, five years ago, we've been friends since then."
Napa-o na lang si Faye. No wonder may nakuha ring ugali si Clyde dito. Napakagat-labi siya ng maaala ang nangyari sa kotse. Clyde was touchy noon pa man, but not as fast sa ginawa nito noong nakaraan.
"Hey... Are you blushing? F uck.. That look is not so innocent, Faye. What exactly are you thinking? You and me? K-I-S-S-I-N-G—"
Hindi siya nakasagot dahil bigla na lang napasinghap si Reinhard as water drip from his face. Laglag ang panga na napatingin si Faye sa babaeng nambuhos ng isang pitsil na tubig sa lalaki.
"What the f—" Reinhard sucked in a breath nang magtama ang tingin nila ng babae. Recognition was evident in his face. "B..." He whispered.
Tumaas ang kilay niya ng mapansin ang tono nito. The B sounded like it's an endearment. Bumaling sa kanya ang babae. Agad siyang nagtaas ng kamay. "He tricked me into this. I don't really like him, you know."
Ngumiti ang babae. "I know. I'm Elizabeth. It's nice to finally see you, Faye. We'll talk next time." Hinarap nito si Reinhard who's gritting his teeth. Hindi niya lang sigurado kung dahil ba yon sa galit o dahil sa lamig. Hindi niya napigilan ang tawa.
"Kabagan ka sana— ahhh, aray, B! Let go of my ear!" Pero tila walang narinig na naglakad palayo si Elizabeth, habang hila-hila pa rin sa tainga si Ulan. "F uck, B, you're ruining my style!"
Tawa ng tawa si Faye na sinundan ng tingin ang dalawa. Hindi niya maimagine na under si Droummar ng isang babae. Elizabeth did ruin his style in an instant.
Nang dumating ang inorder ni Reinhard, gustong maglaway ni Faye. Doon na nafocus ang pansin niya.
"Mam, pinapasabi po ni Miss Elizabeth na bayad na po ito, so wala na po kayong dapat alalahanin."
"Really? Wow, pasabi sa kanya, thank you," sabi niya sa waitress at nagsimula ng kumain. Sunud-sunod ang ginawa niyang subo. Napapikit siya sa sarap. "Hmmmm... Sarap ng free."
Nangangalahati na siya ng makita ang papalapit na si Clyde. Kumabog ang dibdib niya lalo na ng magtama ang tingin nila. He stridded closer to her ng hindi nag-aalis ng tingin. Hindi niya rin masabi kung bad mood ba ito o nangingiti. All she can say is he's somehow calmer than his usual look.

He stopped pagdating sa harap niya. "Your date is not coming back." Tila nag-aasar na sabi nito.
She shrugged. "Did you come here as a replacement? Baka mamaya niyan singhalan mo na naman ako?" Aniyang muling sumubo. Napasunod naman ito ng tingin sa kinakain niya.
"Damn Faye? What are you eating?"
"I don't know. Basta masarap siya."
He sighed. "Masarap?"
"Yup."
"But you're allergic to shrimp, hindi ba Faye?"
Nabitin sa ere ang isusubo niya ulit sanang pasta. Namutla si Faye na ikinailing naman ng Clyde. "Oh my God, hindi ko napansin. Clyde!" Nagpapanic siyang nabitiwan ang kubyertos. "I can't—" Napahawak siya sa nangating leeg pero pinigil niyang magkamot. This is the effect of shrimp in her body, nagkakapantal siya at nangangati. That would also mean she'll look horrible at kailangan niyang magkulong sa kwarto niya.
Hinawakan siya nito sa pulsuhan at hinila patayo. "Come on." Napapalatak nitong sabi. "Let's go bago ka pa tuluyang magbagong anyo."
*******