V

1574 Words
"What?" Maang ba nakatingin si Clyde kay Mrs. Fuentes. Tila pinaglalaruan siya ng tainga niya sa narinig. "You heard me, Cuervo. You resign, she'll lose her job too. At hindi ko alam kung alam mo 'to but that girl is basically surviving on her own. Katatapos niya lang magcollege and she need this job to pay for her educational loans. Please don't make me a heartless person." Kumunot ang noo ni Clyde sa narinig. Faye is surviving on her own? Paying educational loans? He almost left out a scoff. Faye probably weaved a story na nakakuha ng simpatya ng ginang. Napailing siya. "That's not fair, Mam Cindy. Ano'ng kinalaman niya sa'kin?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Do you really want me to answer that?" Napipilan si Clyde. Nag-iwas siya ng tingin. Damn it! Bakit ang lakas naman ni Faye sa employer nila e mas hamak na mas matagal na siyang nagtatrabaho sa ginang. Mukhang pati relasyon nila dati alam ng boss niya. "See... Even hearing the answer to that question scares you. At gusto mo na lang bastang lumayo ng hindi naririnig ang sagot. That's why you're unhappy, Clyde." "Mam—" Umiling ang ginang. "I'm not taking my decision back. You stay as my driver bodyguard hanggat makabalik si Trent and that's final. After three months saka ka lang pwedeng magresign. By then, ready na ang bagong batch na magiging parte ng BSA. I hope you can stay dahil talagang manghihinayang ako. You're almost a son to me, Clyde." Napabuntung-hininga si Clyde. "Thank you po. But—" "Your leave was approved by the way. Tuloy na talaga ang Indigobar mo? Goodluck managing it." Tumango si Clyde. He felt proud at malapit ng magbukas ang negosyo niya. May mapagkakaaabalahan na siya kahit pa umalis siya sa Bloodhound. "Why that place though? Malayo siya sa Manila." He shrugged. "Just because." Ngumiti lang siya but deep inside napapailing siya. He's hopeless, that's the reason kung kaya doon niya naisipang itayo ang negosyo niya sa Negros. "So secretive." Mrs. Fuentes chuckled. " Anyway out of the country kami ni Faye sa makalawa. You know Grace Cadigal, right?" Tumango ulit si Clyde. Isa iyon sa mga nabantayan ng Bloodhound dati. Natamaan pa siya ng bala noong tumakas ito papuntang sementeryo at minalas namang nasundan ng El Grande Gang. "Magkasama ba sila ni Devlin doon?" Umiling ito at nalungkot. "No, she left my son behind. That's why pupunta akong Korea and try to convince her to go back." Although he's wondering kung bakit lumayo ng babae, hindi na siya umimik pa. Napakamot siya sa batok ng makitang mag-isa na lang siya sa opisina. Mrs. Fuentes easily diverted the topic at nagpadala naman siya. Inilugay ni Faye ang may kahabaang buhok habang nakaharap sa salamin. Off niya ng araw na iyon and she's going to meet the guys in Bloodhound. Plus, sa araw ding iyon malalaman niya kung magreresign nga ba talaga si Clyde o hindi. Nang makontento sa suot niyang T-shirt at maikling denim short ay nagspray siya ng EA perfume. "Ganda mo." She said at the mirror with a wink. She even flipped her hair habang palabas ng inuupahang apartment, humming to a favorite tune of hers. So now you want me to fix everything But baby there's so much and so little time to Replace the things I've broken Ripped apart, and thrown away You can say that you don't miss me I think about you every day Pagkatapos ilock ang pinto ay naglakad siya pababa ng ilang baitang. Her mind went to the bet she made with that weird and manwhore Reinhard. Eventhough she's confident noong nag-uusap sila sa cellphone, the thruth is dinadaga ang dibdib niya ngayon. Five years itong kasama ni Clyde, he probably know her cutie cute cute Clyde more than she does. What if he's right? She heard na lagi pa naman itong panalo sa pustahan. Faye shook her head. So what kung matalo siya, one date with that manwhore won't kill her. No. Iling niya ulit. Hindi pwedeng magresign si Clyde because that will only mean na aalis ito at aalis din siya para sundan ito. She can't do it at the moment. She's in a bind and she can't afford to lose her job. Masaya pa naman siya sa natagpuang boss. Mrs. Fuentes acts more like a mother to her kaysa employer. While her real mother— "Hi!" Napatili si Faye, tutop niya ang dibdib sa gulat. "Manwhore! Bakit ka ba nanggugulat?" Malapad ang ngiti ng lalaki sa harap niya. "Bago ka pa masanay, please lang, Reinhard Droummar ang pangalan ko. You can even call me Rain or Droum." "Ulan, ano'ng ginagawa mo dito? First, my number. Now you're here in my place? Are you stalking me?" Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya. Agad siyang pumiksi pero hindi siya makawala. "See that house over there?" Itinuro nito ang pinakadulo ng apartment. "That's where I live... Sometimes." He shrugged. "Sometimes?" He nodded." Madalang na kasi kaming umuwi dito ni Clyde. Don't play innocent, Faye. I know you know we stayed here." Napangisi siya. "I know." "So who's stalking now?" Reinhard teased. Inapakan ni Faye ang paa ng lalaki. Napaaray ito at natanggal pati ang kamay mula sa pagkakaakbay sa kanya. Agad siyang lumayo dito. "Si Clyde naman ang habol ko, hindi ikaw. Pwede ba, just pretend na hindi mo alam kung saan ako nakatira. Don't tell him. And don't you dare come into my apartment! Hindi ka welcome doon." Sabi niya saka muling naglakad. Napailing na lang ang lalaki. "Come on, give me a break. I'd like to help you kaya ako nakikipagkaibigan sa'yo." "Really?" Napatigil siya at nilingon ito. Nawala ang inis sa mukha niya. The guy nodded. "But why?" Nagdududang tanong niya. "Well... " umilap ang mga mata ni Reinhard. "Let's just say na I have another bet to win." "And that is...?" "I'll tell you kapag nanalo na ako. For now, I want you to go along with my plan." "Ayoko nga." Humalukipkip siya at muling naglakad para mag-abang ng sasakyan. "Sabihin mo muna sa'kin ang plano mo." "Fine." Lumapit ito at muli siyang inakbayan. She hissed at akma na namang tatapakan ang paa nito kaya natatawa itong nagtaas ng kamay. "You're going to the agency, hindi ba? I received your text kaya ako dumaan dito. Come on, sumabay ka na sa kotse ko. Doon na ako magkukwento." Maingay ang canteen ng Bloodhound Security Agency ng dumating si Clyde. Mukhang may pinagkakatuwaan na naman ang mga kasamahan niya. Nagkukumpulan ang mga ito sa isang pwesto. "So, ano'ng nangyari ng mabalian ka sa play dahil kay Cuervo?" tanong ni Reinhard. Kinutuban si Clyde. Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa mga ito. And there in the middle of the crowd is no other but Faye. Malawak ang ngiti nito, just like those times when she enjoys being the center of attention. Kumulo ang dugo niya ng mapansin ang suot nito, especially that the other guys are looking boldly at her legs. Napakuyom ang kamay ni Clyde sa kanyang tabi. "Let the video speak for itself. Here..." She said habang pinapakita ang tablet na hawak sa mga kasama niya na humagalpak sa kakatawa. "Romeo, Romeo! wherefore art thou Romeo?" Napamura na lang sa isipan niya si Clyde. Faye is showing everyone one of his most embarassing moment. He sighed deeply. Hindi niya nakuha ang role na Romeo noon and he's been trying to remove the 'Romeo' from the play para makapartner si Faye na gaganap na Juliet. But Faye ended up being hurt. Nabuking siya nito and as a consequence, siya ang sinuggest nitong pumalit. So that's how he ended up cross dressing ang playing Juliet.  "Sabi ko na e... Ang ganda ni Cuervo..." "Wetwiw! Nakakabading si Sir Clyde." "Chicks, pare..."  "Clyde..." Faye said, halata ang tuwa sa mukha nito. "You're here." Tumatawa pa ang lahat ng balingan si Clyde pero agad ding natahimik ang mga ito ng mapansin ang itsura niya. Agad nagsipulasan ang mga iyon at nagkanya-kanyang lipat ng upuan maliban kay Reinhard na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila. Tumikhim ito. "Faye, ikaw ha, tinatago mo pa talaga yung video na yan?" "Oo naman. They're my motivation para hindi mag-give up. " Sagot nitong hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Madiin niyang tanong. "Telling the guys about us. Ayaw kasi nilang maniwala na we are close. Some are even trying to hit on me just like Ulan here," she said at inginuso ang kaibigan niya. "U-Ulan?" Nagsalubong ang kilay niya. Lalo na ng lumapit pa ito sa lalaki at may pinakita sa tablet na ikinatawa ni Reinhard. Since when did the two become damn close? "Yup. He said I can call him Rain and that's my version. Hindi naman siya nagrereklamo, hindi ba, Ulan?" "Ulan is much sweeter kaysa sa una niyang tawag sa'kin, Cuervo. Trust me. Ayoko namang magrequest pa na baguhin at baka lumala lang lalo." Reinhard laughed. Clyde gritted his teeth at tumalikod sa dalawa. Kapag tumagal pa siya doon baka masuntok niya ang kaibigan sa inis. Mabibigat ang hakbang na umalis siya. Hindi pa man siya nakakalayo, binati siya ng isang intern, "Sir Clyde, pinapatawag po kayo ng HR regarding sa pinasa nyong resignation." "Okay, pupunta ako. Thanks." "Yes!" Sigaw ni Reinhard. Napatingin siya sa direksyon ng dalawa. Bumagsak naman sa mesa ang tablet ni Faye. Mukha itong nalugi at disappointed na nakatingin sa kanya. *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD