"Tsk. Tsk. Tsk." Iling ni Reinhard habang pinagmamasdan si Clyde na pinanggigigilan ang punching bag sa gym ng bahay nito. "Someone's frustrated... Oh, I forgot to add 'sexually'."
Binato niya ito ng matalim na tingin. "Leave me alone, Reinhard. Wala ako sa mood makipaglokohan."
Tumawa lang ang kaibigan niya. "Kailan ka pa ba nakipaglokohan? You're always serious, bud." Hindi na lang siya umimik at muling nagpatuloy sa pambubugbog sa walang malay na punching bag. "May nangyari, ano?" Reinhard chuckled. "And you're hating yourself dahil bumigay ka?"
Natigilan si Clyde at mabilis na napabaling sa kaibigan. "You." Nagdududa ang tinging binigay niya dito. "You did not put a camera in my car, right?"
Reinhard shrugged habang nakangisi. "I might. Nakalimutan mo yata, driver bodyguard ka ng boss natin, it's just for security purposes."
"What the hell?" Inilang hakbang niya ang pwesto nito at kinwelyuhan ang kaibigan. "Give me the recording of that and delete all the copies you have." Mariin niyang sabi habang ito ay nagtaas lang ng kilay.
"Oh, something difinitely happened." Lumawak ang ngisi nito. "I'll go and check it." He said habang tila bale-walang tinatanggal ang kamay niya sa kwelyo nito at naglakad palayo.
"Get your damn camera off my car, Droummar!" Clyde shouted, he only heard a laugh as a response. "s**t!" Binibiro ba siya ng kaibigan o hindi? Pinuntahan ni Clyde ang sasakyan at ininspeksyon. Mas lalo siyang pagtatawanan ng kaibigan kung totoo ngang he planted a camera in his car. He did silly things in just one day. But more importantly, hindi niya gusto ang ideyang makikita ng iba ang pinaggagawa niya kanina with Faye.
Muling nag-init ang tainga ni Clyde as the scene played in his head. His face burned and he can feel his body heating up once again. "Damn you, Faye." Nagmamadali siyang tumungo sa shower, baka masira na niya ang punching bag kapag bumalik pa siya doon. Saka na lang niya ulit hahanapin ang camera.
Tulalang nakatingin sa kisame si Faye. She's trying to go back once again sa huling gabi na magkasama sila ni Clyde and think of any possible reason kung bakit ito basta na lang nag walk out sa buhay niya. She did something kaya ito nagalit to that extent. Pero ano?
Tumagilid siya ng higa . Her eyes focused sa picture nila ng kababata na nasa side table ng kama niya. It was their first picture as a couple. Nasa rooftop sila ng bahay nila at nagsta-stargazing, his arms were wrapped around her as he kissed her check.
"Let's take a picture," sabi ni Faye at akmang lalapit sa video cam ni Clyde.
"No," pigil ni Clyde. "Leave it alone, it's recording already." Hinila nito ang napatiling si Faye at agad ikinulong ng yakap. Her back on his chest as he wrapped his arms on her small waist. Ibinaon nito ang mukha sa sugpungan ng balikat at leeg niya, Faye tried to look at him but he planted a quick kiss on the corner of her lips.
"Ano ba, Clyde... Baka makita tayo nila mama."
"And so?" Iginiya ng lalaki si Faye paharap dito. "Don't tell me you'll keep me as your dirty little secret?"
Tumaas ang kilay ng babae. "OA mo naman. DIrty little secret ka diyan. Hindi ba pwedeng magsabi ka muna sa mga magulang ko bago mo ako manyakin?" Ingos nito.
Clyde chuckled. "Sino'ng OA sa'tin ngayon? Yakap at halik lang, manyak na agad ako? Tss..."
Pinanlakihan ni Faye ng mata ang nobyo. "O di ba? Tama naman ako a... If I know, rated spg na yang nasa utak mo. I can even feel your... your..." Natawa si Clyde sa hindi matuluy-tuloy na sasabihin ng babae na nakasulyap sa pantalon niya. Inirapan siya nito. "Tsk, sinagot lang kita, sobrang touchy mo na... Samantalang dati lagi kang tuod."
Hinawi ni Clyde ang humulagpos niyang buhok mula sa pagkakatali. "Ano'ng magagawa ko? Normal akong teenager. This is your effect on me, Faye. At matagal na akong inlove sa'yo, matagal ko ng gustong gawin ang ginagawa ng isang boyfriend sa'yo. Nagpipigil lang ako, and trust me, it's so hard. But now that you've given me rights...masanay ka na muna sa feelings ko while I adjust. They're all over the place at the moment. I can't seem to hold it in and no, I'm not sorry for that. I like this feeling, and I love that I'm feeling like this to the only girl who' stuck in my life like a glue. You."
Napakagat-labi si Faye sa kilig. "Inlove din naman ako sa'yo."
Napailing si Clyde. "Ang haba ng sinabi ko a, yan lang ba ang narinig mo?"
She laughed. "Iyon din naman ang summary non. I love you, hindi na platonic 'to. Peksman. Mamatay man." They both giggled.
"I love you too. And I mean romantically." Clyde said and planted a kiss on her forehead.
Iniyakap naman ni Faye ang mga kamay sa baywang ng binata as she gaze at him lovingly. "I'm glad I crossed the line."
"Likewise." He said and planted another kiss, this time, on the tip of her nose.
Iniiwas ni Faye ang mukha ng akma siya niyong hahalikan sa labi. His kiss ended on her cheek. "Alam mo ba, when I realize my feelings, natakot talaga ako. I overthink, and it was torture. Ang dami kong kinonsider. Should I cross the line of friendship to lovers? Will Clyde be okay with that? Is there a possibility that he even feel the same way? Paano kapag di niya pala ako type as a girlfriend? Knowing how grumpy he is sa opposite s*x, I think he'll dislike my feelings. I don't mind confessing pero di ko yata kayang mabasted."
"Yup. You did overthink. And what was that? Grumpy sa opposite s*x?" Hindi makapaniwalang tawa ni Clyde. "Hindi ba pwedeng hindi lang talaga ako interesado sa iba kasi para sa'kin, taken na ako. I've surrendered and committed myself to no other but Dreyanna Faye Murillo. Anyone else could f**k off."
Kagat-labing tinampal ni Faye ang lalaki habang pigil ang kilig. Nakayuko na rin siya at isinubsob ang ulo sa dibdib nito. "Ibang klase ka, pwede namang maging civil a. Kailangan mo ng kaibigan maliban sa'kin, you know that."
"Tss... Sahihin mo na lang kasing kinilig ka." She giggled. "Wala ng tatalo sa'kin pagdating sa pagmamahal sa'yo. I'm irreplaceable, Faye. You'll regret kapag pinakawalan mo pa ako." Clyde continued habang inaangat ang mukha ng babae hanggang sa magtama ang mga mata nila. When they did, he leaned in and caught her lips. Hindi siya umiwas sa pagkakataong iyon. Faye closed her eyes habang ang mga kamay niya ay himigpit ang hawak sa baywang ni Clyde.

Nalipat ang tingin ni Faye sa isa pang naka-framed na picture. That was their first kiss, caught in the camera and was later on printed by Clyde himself.
Naputol sa pag-iisip si Faye ng marinig ang pagtunog ng cellphone. Sinagot niya iyon kahit pa nga unregistered ang number ng caller. "Hello?"
"Hi, Faye!" Bati ng baritonong boses.
Kumunot ang noo niya. "Who's this?"
"This is Reinhard Droummar. Clyde's—"
"I know you." Putol niya sa pagpapakilala ng lalaki. "And I don't like you therefore I don't like talking to you."
Reinhard's laughter boomed in the speaker. "Ouch. I wonder why I got such dislike. Hindi pa nga tayo nagkikita in person e."
"You wonder? Pwes, sasabihin ko sa'yo. You're a bad influence sa Clyde ko." She know him dahil bff ito ni Clyde.
Makailang segundong natahimik ang linya bago niya narinig ang pagpalatak nito. "Ah... I see why. My reputation reached you and you think I'm corrupting Clyde, huh?"
"Whatever Droummar. So why did you even call? Saan mo nakuha ang number ko?"
"Hindi na importante yung pangalawa mong tanong. I'll just answer your first question. Why did I call? Kasi I want to make a bet with you."
Tumaas ang kilay ni Faye. "A bet, huh?Tinawagan mo ako for the first time para makipagpustahan? Really?"
"Yup." He answered. "And this involve Clyde. So are you in or what?"
Napabalikwas ng bangon si Faye sa kama. A small smile crept up her lips. "You mean the prize is Clyde."
Tumawa ulit ang nasa kabilang linya. "Sure, I can arranged that too. A date for you two."
"I'm in." Mabilis na sagot ni Faye. "What's the bet?"
"I'm betting that Clyde will resign within this week sa Bloodhound."
"No. He'll stay."
"Sigurado ka? Clyde might surprise you on how determined he is sa pag-iwas sa'yo."
"Don't celebrate yet, Droummar. I-prepare mo na lang yung dating place namin because siguradong talo ka na."
She heard him chuckled. "If you lose, you'll date me instead."
"Not happening."
"A man can hope." He replied. Nairolyo na lang ni Faye ang mga mata. "Welcome to Bloodhound by the way. Text mo ako kapag pumunta ka sa agency, I'll introduce you to the guys."
"Okay, Droummar."
"It's Reinhard."
"Whatever manwhore. Bye." Malapad ang ngiting niyakap ni Faye ang unan. Excited na siyang maka-date si Clyde.
***********