"Good morning, sweetheart," malambing na bati sa kanya ni Harvey nang magmulat ang kanyang mga mata at makita ang asawa na nakatitig sa kanya habang nakahiga sa tabi niya. Agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Nasasanay na siya sa ganitong routine ng kanilang umaga. Iyung pagmulat ng kanyang mga mata ang mukha ng gwapo niyang asawa ang masisilayan niya. "Hhmmmm,.. Good morning,' bati niya sa asawa saka matamis na ngumiti. Kapwa sila pagod nito dahil matapos siyang itakwil ng pamilya niya, umiyak lang siya saglit at nagawan na ni Harvey ng paraan ang kanyang kalungkutan. They made love the whole night na para bang nasa honeymoon sila ng asawa magdamag. Kaya naman pagod man siya ay may ngiti naman siya sa labi, dahil nasiyahan siya at nakalimot sa kanyang problema. "I love you," Har

